𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟖

29 1 0
                                    

Maxileigh's pov

"You've got to be kidding me, Zev."

Ang tanging naturan ko ng mahimasmasan ng gulat. Ano bang trip niya at ganiyan mga sinasabi niya?

Sa daming biro na pwede niyang sabihin, yung napakaimposible pa.

"Who says I'm joking?" Kitang kita sa mukha at rinig sa tono nito na hindi nga siya nagbibiro.

Ngunit kahit na kabado ako, hindi pa rin ako nagpatinag dahil mas lamang sa sarili ko ang pagkataka. Dahil hindi naman iyon totoo, kaya bakit niya sinasabi na ako ang ama ni Xia?

"Ano bang pinagsasabi mo Zev? Tigilan mo nga ako diyan sa kalokohan mo." Naiinis nako, napakaimposible nmn kasi ng binibintang niya.

Oo kamukha ko ang tatay ni Xia, pero hindi ako yun. Kamukha ko lang.

"Hindi ako nagloloko Max! Kitang kita ng dalawang mata ko! Ikaw ang tunay na ama ni Xia!" Tila naubusan na siya ng pasensya.

Ako rin, nauubusan nako ng pasensya sa ibinibintang niya.

"Max? Zev? Anong ginagawa niyo dito? Kanina pa namin kayo hinahanap."

Sabay kaming napalingon kay Kai na biglang sumulpot, kasama niya rin ang iba.

"May problema ba? Nagaaway ba kayo?" Tanong naman ni Gav.

"Tanungin mo tong magaling mong kapatid kung ano ba problema niya at pinagbibintangan ako." Madiin kong turan.

"Hindi kita pinagbibintangan Max! Nagsasabi ako ng totoo!" Napaismid naman ako.

"Totoo? Kailan naging totoo yun?!"

"Yun ang totoo Max! Ang katotohanan na sana hindi na lang totoo! Pero hindi eh, mahirap man paniwalaan pero tangina! Ikaw yun Max! Ikaw ang tunay na ama ni Xia!" Umaalingawngaw na sigaw nito, mabuti na lang malayo kami sa mga classroom.

"Ano?/ha?" Sabay sabay na turan nung lima.

"Teka teka, ano bang sinasabi mo Zev? Ama ni Xia? Si Max?" Naguguluhang tanong ni Kev at nagsilapitan na silang lima.

Anim pala sila, kasama nila si Priya.

"Hindi ba't kamukha lang ni Max ang daddy ni Xia? Saka imposible namang si Max iyon?" Sabat na tanong rin ni Pito.

"Oo nga, like how-" magtatanong din sana si Pj ngunit napahinto ito na tila ba may napagtanto at agad na napatingin kila Kev.

Nagkatinginan sila liban kay Kai na tahimik lang at seryosong nakatingin samin, habang si Priya tahimik lang halatang naguguluhan na sa nangyayari.

Pero bakit ganun tinginan ng mga kaibigan ko?

"I'm not making a story or what, I'm telling the truth maxileigh. Ako mismo nakakita, nakarinig ng katotohanan." Nabaling ulit ang atensyon ko kay Zev.

Hindi ba siya titigil sa kalokohang to?!

"Sinabi ko na diba?! Hindi ako! Matagal na tayong magkakasama Zev! At kakakilala lang natin kila ma'am Aza, Xia is 5 yrs old for Pete's sake! How come ako magiging ama non?!" That's it, hindi ko na mapigilan galit ko.

Nakakagalit. Sobra.

"Oo, tama ka. Matagal na tayong magkakasama, at mas kilala kita kaysa sa sarili mo!" Tila nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi nito.

Sa sobrang inis, sinugod ko siya at kwinelyuhan. Agad namang naalarma ang iba at pilit na ilayo ako kay Zev.

"Max! Tama na, kalma Dre!" Turan ni Kai na kanina ay seryoso lang sa gilid.

UnexpectedWhere stories live. Discover now