"H-ha?" ugh, 'di ako makatingin ng diretso sa kanya. Ano ba naman 'to?!

Hinawakan niya ang baba ko at napaangat ang tingin ko sa kanya. Diretso ang tingin namin sa isa't isa. Sasha, kailangan mo nang magsalita! It's now or never.

"Paris—"

Hindi ko naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla akong halikan ni Paris. Naging mapusok ang mga galaw niya sa kaunting segundong lumipas. Naramdaman ko na lang na buhat-buhat na ako ni Paris hanggang sa makarating kami sa kwarto niya at dahan-dahan niya akong inihiga sa malawak na kama niya.

Patuloy pa rin kami sa paghalik sa isa't isa. Bumaba ang mga labi niya sa leeg ko at hinawakan niya ang dibdib ko sa ibabaw ng blouse ko. I just felt his strong manhood and I know how turn on he is.

Kung ipapagpatuloy pa namin ang ginagawa naming ito, hindi ko na masasabi ang dapat kong sabihin sa kanya. Gustuhin ko man siyang pigilan pero ayaw niya akong bitawan, parang may kung anong pwersang pumipigil sa akin na hayaan siyang ipagpatuloy 'to.

"Paris..." I moaned but I heard no reply.

"Paris, you need to know something..." I said bit by bit.

"Uhhhmm?"

"Paris, listen. I am pregnant. You're the father." I automatically closed my eyes after I said it.

Unti-unting tumigil si Paris sa ginawa niya at tinignan niya ako — with a blank stare on his eyes. May mali ba sa sinabi ko?

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. 'Di ba sya natuwa sa sinabi ko? I mean, galit ba siya?

"Narinig mo ba ako Paris? I said—"

"I know, I heard you." he cut me off. He seriously looked at me and sat down on the bed.

Bumangon ako tapos umupo na rin. Inaantay ang iba pa niyang sasabihin.

"Get out, I need to be alone."

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa nang marinig ko ang sinabi niya. Gusto niyang umalis ako at iwanan siya dito matapos kong sabihin na buntis ako? Is he going to neglect me?

"Please, Suri Shadows. Umalis ka na." intense 'yung pananalita niya na hindi ko alam kung galit ba siya, naghihinayang o ano dahil sa sinabi niya. Pinilit niya akong patayuin paalis sa kama at hinila niya ako palabas ng unit pero bago pa niya isara ang pinto iniharang ko ang braso ko sa pagitan ng pinto at doorway.

"Now you've heard it, I'm going to continue bearing our child whatever it takes." pigil ang mga luha ko habang nakatitig sa kanya.

"Leave." 'yun ang huli niyang sinabi sabay padarag na isinarado ang pinto.

Damn, it's not what I'm expecting him to act towards me.

x - - - - - - - - - - x

"Sa second week ng May ang next check up mo, Miss Shadows. Gusto mo bang ako na lang ang pumunta sa inyo?" tanong sa akin ni Dr Chiu, 'yung OB-Gyne ko.

Umiling ako. "'Wag na po, Doc. Ako na lang po ang pupunta dito sa clinic niyo para naman maka-excercise ako kahit papaano. Malapit lang naman itong clinic sa bahay namin e."

"Are you sure? Ikaw ang bahala, basta anyways dapat maingat lang dahil hindi pa masyado malakas ang kapit ng bata. Where's the father of the child? Magpasama ka sa kanya."

Hindi naman ako makasagot ng maayos sa sinabi ni Doc. "Ahm, kasi Doc out of the country kasi siya e. Siguro baka sa best friend ko na lang or sa Mom ko." Yes, Doc, specifically parang out of my life na rin yata e.

Tumango siya "Alright then, walang problema."

Matapos kong magpaalam kay Dr Chiu umalis na ako sa clinic at nag-drive na pauwi sa bahay. 5-10 minute drive lang naman ang pagitan kaya wala namang problema kung magmaneho ako. Pagdating ko sa tapat ng gate nag-busina ako para buksan na ito ng guard kaya lang ang tagal namang dumating. Lalabas na sana ako ng kotse pero biglang humarang sa harap nito si Paris.

Seryoso siyang nakatingin sa akin at nagsalita ng kung ano pero hindi ko naman maintidihan kasi hindi ko narinig kung ano ang sinasabi niya. Lumabas ako at hinarap siya. Nakatingin lang kami sa isa't isa at walang nagsasalita ng kahit ano. Aaminin ko nasasaktan pa rin ako, kasi akala ko last time okay siya dun e. Na matatanggap niya na buntis ako at magkaka-baby kami. Pero wala, iniwan niya lang din ako — kami ng baby ko.

"Saan ka nanggaling?" pabalang na tanong niya sa akin.

"Sa OB, nagpa-check up ako." simpleng sagot ko sa kanya. Ako na ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko na kaya pag matagal pa akong nakatitig sa kanya. Mas masasaktan lang ako.

"Ba't 'di mo ako sinabihan? Sinamahan sana kita." he reasoned out.

Bumuntong-hininga ako. "Pinaalis mo ako nung last time. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko sa ginawa mo?"

"You misunderstood me. Alam kong mali 'yung ginawa kong pagtaboy sa'yo. 'Di ko lang kasi inaasahan na magkaka-baby na tayo. Pinili kong mapag-isa muna para makapag-isip at ihanda ang sarili ko sa mga susunod na mangyayari. Pero paniwalaan mo ako, Sasha. Nandito ako para itama 'yung maling inasal ko sa'yo. We're going to be a family. I'm going to marry you." hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tuluyan na akong napaluha. Halo-halo na kasing emosyon 'yung nararamdamam ko.

Regardless whatever he did last time as long as he's back and ready for all repercussions, I'm going to accept him and start our own family.

Niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din siya.

"I'm sorry, sorry talaga. I love you." sabi niya uli sa akin.

Napangiti ako nang marinig ko mula sa kanya 'yang I love you. Bihira lang naman kasi kami mag-I love you-han at pinapakita niya 'yun thru actions.

"I love you, too." at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulunan ko.


May happy ending. Alam kong may happy ending.

- x x x x x x x x x x -

Hi lovelies!

After this chapter, on-break muna ang YoBoSucks haha sisimulan at tatapusin ko muna 'yung Cupid X Psyche. Most likely season break 'to lol. I have ten more chaps+epilogue for this story :D Stay tuned wahahaha.

Bago ako magpaalam saglit, may game tayo! It's a guessing game!

The question is: Ano ang mga posibleng maganap sa remaining chapters ng YBS? Kung may makahula ng tamang sagot o  malapit dun sa tamang sagot may prize sa akin :DD Just comment below ang inyong mga sagot, I'm inviting everyone to join :)))

Thank you so much sa mga active readers and silent readers! :*

- x x x x x x x x x x -

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now