PAGE 33

9 0 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 33



"WOW ate asensado kana talaga!"

Namamanghang puna ng kapatid niyang si Biboy habang pinapalibot ang tingin sa bawat sulok ng bahay niya.

Gamit ang sweldong kinita niya sa pagiging writer sa Thailand ay sa awa ng Diyos ay marami-rami narin siyang naipundar. Binilhan niya ng pinatayuan niya ng bahay ang mga magulang niya sa probinsya at ngayon ay nakabili narin siya ng sariling bahay niya sa Maynila.

"Ate, baka pwede mo akong ipasok sa kompanyang pinagtatrabahuan mo sa Thailand?"

"Saka na iyon Biboy. Kapag nakapagtapos kana ng college ay isasama kita roon."

Third year college na ito sa kursong Business Management.

"Pakibantayan muna si Iñaki sa kwarto magluluto lang ako lunch natin."

Abala siya sa pagluluto sa kusina ng biglang pumasok si Biboy.

"Ate, may naghahanap sayo sa labas."

Kumunot ang noo niya. "Sino daw?"

Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon.

"Hindi ko alam pero pinapasok ko na at naroon na sila ngayon sa sala at hinihintay ka."

"Ano? Bakit mo pinapasok agad? Paano kung mga masasamang tao 'yon? Nag iisip ka ba Biboy? Naku naman!"

"Sorry ate. Natataranta kasi ako. Pero mukha naman silang mababait at mga disenteng tao e. Puntahan mo nalang sa sala."

Halos malaglag ang panga ni Gorge ng nadatnan ang dalawang taong naupo ngayon sa salas.

Parang tinakasan siya ng boses pero nagawa niya paring magsalita ng pabulong.

"A-anong... g-ginagawa n-niyo r-rito?"

"Gorge? Ang tagal ka naming hinanap hija."

"Umalis na kayo."

"Hindi kami pumunta rito para makipag-away, Gorge. Gusto lang naming makita ang ...apo namin.

Mapakla siyang natawa sa sinabi ng matandang lalaki.

"Anong pinagsasabi niyo?"

"Ang anak niyo ni Trench."

"Wala kaming anak ni Trench!" mariin niyang sigaw rito.

"Mommy!" Sabay naman silang napalingon sa matinis na boses na iyon mula sa kung saan dahilan para mapamura si Gorge sa isipan.

Sh*t!

"Siya na ba yan, Gorge? Ang apo ko! Ang laki-laki niya na!” rinig niyang saad ni Mrs. Smither.

"Biboy! Kunin mo si Iñaki at pumasok kayo sa kwarto!" tawag niya sa kapatid bago nilapitan si Iñaki at hinawakan ang pisngi nito.

"Iñaki go to our room now, okay?"

"Po?"

"I said go to our room with Tito Biboy. Lock the door and never come out until I said so. Do you understand?"

Marahan namang tumango ang paslit. "O—Okay po mama."

Nang makapasok sa kwarto si Iñaki ay muli niyang hinarap ang kausap kanina.

"Iñaki pala ang pinangalan mo sa kanya, Gorge. Grabe! Kamukhang-kamukha niya si Trench noong bata pa. Tama ka, Gregorio! Siya nga ang apo natin! Si Iñaki nga!" namamanghang turan ni Mrs. Smither dahilan para sarkastiko siyang ngumiti rito.

"Hindi siya ang apo niyo dahil hindi siya ang anak ni Trench!"

"Anong ibig mong sabihin, Gorge?"

"Hindi niyo apo si Iñaki!"

"Pero paano nangyare yun e kamukhang-kamukha ni Trench yung bata?"

"Hindi niya nga anak si Iñaki, bakit ba ang kulit niyo?"

"Kung totoo ang sinasabi mo, fine. Let's run a DNA test to the child."

"Umalis na kayo!"

"If you won't cooperate with us, mapigilitan kaming magsampa ng kaso, Gorge."

Nagpanting sa tenga niya ang narinig. Marahas siyang napabuga ng hangin at tinitigan ito ng mariin. Magsasampa ito ng kaso laban sa kanya?

"Fine! Magkita tayo sa korte!” buong tapang niyang saad sa mga ito.

"Pagusapan natin to ng maayos, Gorge. Kung papayag ka sa deal namin hindi na natin kailangang umabot pa sa korte."

"F*ck that deal, Mr. Smither! Sawang-sawa na ako sa mga deal ninyo! Nagtiwala ako sa inyo dati. Pero anong ginawa niyo?"

Napatingala siya upang pigilan ang nagbabadyang luha pero hindi niya na kinaya at tuluyan na siyang naiyak.

"Pagkatapos ng nangyare dati, apat na taon niyo kaming binasura. Ni hindi niyo manlang kami hinanap gayung alam niyong buntis ako ng panahong iyon. Hindi niyo alam ang hirap na dinanas ko noon ng ipanganak ko si Iñaki. Pinalaki ko siya ng mag-isa tapos ngayon gusto niyo siyang kunin sakin ng ganun nalang?"

"Kung ganun anak nga siya ni Trench. Bakit ka nagsisinungaling samin, Gorge?"

"Apat na taon niyo kaming inichapwera tapos ngayon, nalaman niyo lang na hindi totoong anak ni Trench yung batang kasama niyo maghahabol kayo sa anak ko? Hindi ako papayag! Kahit saang husgado pa tayo makarating hindi-hindi niyo makukuha sakin ang anak ko!"

"I'm so sorry, Gorge. I'm so sorry about the past. Pero nagkakamali ka. Hinanap ka namin dati iyon ngalang ay nabalitaan naming umalis ka na raw ng bansa. I'm really really sorry for what happened in the past, Gorge. Alam mong hindi rin namin ginusto ang nangyare sa inyong dalawa ni Trench. Wala rin kaming kaalaman-alam sa tunay na kalagayan ni Trench noon."

"Tama na, Mrs. Smither. Gaya nga ng sabi niyo matagal na yun. Hindi ko na kailangan ang paliwanag niyo. Umalis na kayo sa pagmamahay ko at kung gusto niyo ay magkita nalang tayo sa korte "

KINAGABIHAN ay agad siyang nag-impake at nagbook ng plane ticket pabalik sa Thailand. Hindi niya pa pala kaya. Hindi niya kayang ibigay si Iñaki sa kanila!

Pero huli na ang lahat dahil kinabukasan bago pa man siya tuluyang makaalis ng bahay ay may pumarada nang kotse sa tapat ng gate nila.

Isa-isang nagsipasukan sa bahay niya ang ilang mga lalaking naka black tuxedo na sa tingin niya ay mga bodyguards. Kasunod noon ay dumating si Mr. Smither.

"I'm here to fetch my grandchild, Gorge. Alam kong plano mo na naman siyang itakas. Tinakas mo na siya dati. Hndi na ako makakapayag na itakas mo siya ulit ngayon."

"Aalis ako at isasama ko ang anak ko at wala kayong pakialam doon!"

"Wala kang karapatang itago at ilayo samin ang bata dahil kahit pagbalibaliktarin pa man ang mundo hindi mo mababago ang katutuhanang anak parin siya ni Trench at apo namin siya!"

"Hindi niyo siya apo!"

"Handa akong magbayad ng kahit magkano. Ibalik mo lang samin ang bata."

Mapakla siyang natawa sa sinabi ng matandang lalaki.

"Ibalik? Anong pinagsasabi niyo, Mr. Smither? My son was never been yours! Akin lang ang anak ko and he has nothing to do with all of you! Hindi niyo siya apo dahil hindi siya ang anak ni Trench!"

"Kunin niyo yung bata."

"NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"MAMA!!!!!!!!"


Secret Pages [R-18] [Ongoing]Where stories live. Discover now