PAGE 12

26 1 0
                                    

ᴘᴀɢᴇ | 12


"HAY..." napabuntong hininga nalang si Gorge habang nakaupo sa swivel chair ni Trench at nakaharap sa laptop niya.

Nasa meeting ngayon si Trench kasama ang stakeholders at iniwan siya nito sa opisina sa hindi malamang dahilan. Kung di ba naman tanga. Kinuha siyang secretary pero hindi naman pinagtatrabaho bilang secretary. Palamuti lang siguro siya sa opisina nito. Para namang ang ganda niya para maging palamuti? Tsk!

Tiniklop niya ang kanyang laptop at napahilot siya ng noo. Hindi parin niya magawang tapusin ang pagrerevise ng story niya. Hindi niya na alam kung ano pang gagawin niya rito na magugustuhan ni Miss Moi. Letse kasi! Bakit ayaw nito sa BS na sinulat niya? Erotic naman iyon at siguradong mababasa at titigasan ang mga readers kaya ano pa ba ang kailangang baguhin doon?

Hay! Napabuntong hininga ulit siya at inabala nalang ang sarili sa pagpapikot-ikot sa swivel chair ni Trench. Hanggang sa bumukas ang pinto.

"HAVE you eaten?" kakapasok lang ni Trench sa opisina niya galing meeting at iyon agad ang tanong niya kay Gorge na naabutan niyang nakaupo sa swivel chair niya at nagpapaikot-ikot doon.

"Nope,” iling nito.

Nakapamewang siyang humarap sa dalaga. "What? Eh past 12pm na. You should be done with your lunch by now!" pigil ang inis na aniya.

"Kumain naman ako ng breakfast kanina eh,” pangangatwiran nito.

"Breakfast is different from lunch Gorge." Hanggang kelan niya ba ipapaliwanag na magkaiba iyon? Lagi kasi itong hindi kumakain ng lunch kesyo daw nagbreakfast na siya ng kanin ng umaga.

"Mamaya na. Hindi pa naman nag aalburoto yung mga bulate ko sa tiyan. Hindi pa daw sila nagugutom,” sabay ngitian siya nito ng malaki.

"You need to eat."

"Ayoko nga."

"Why?"

"Nagdadiet ako! Less carbs ako ngayon!"

"What? You don't even need to diet!"

"Eh sa gusto ko eh! Pakialam mo ba?!"

"No. Kakain ka ngayon and that's final!"

Napairap nalang si Gorge sa hangin. Pag sinabi na kasi ni Trench ang famous line nitong 'and that's final' wala na siyang magagawa dun.

Ilang sandali lang ang lumipas ay dumating nga sa opisina ang pinadeliver nitong pagkain. Mabuti nalang at ngayon isang delivery boy na ang nagdeliver non at hindi yung Kate na yun. Kasi pag nagkataon naku baka mabigwasan niya yun. Pacute ng pacute kay Trench hindi naman cute. Maputi lang naman yun tska sexy tsaka maganda ang mata, labi, ilong, bibig, ngipin, aisssssh oo na maganda siya pero ano ngayon? Umuutot din naman yun, nangungulangot, tumatae, umiihi...

"Hey..." Napalingon siya sa kaharap. "Baket?"

"I'm just thinking na kawawa yung baka."

"Huh?" Nagtataka siyang tumingin sa lalaki. Nakadroga ba 'to? Kung anon-anong pinagsasasabi.

"Patay na nga, tinatadtad mo pa ng saksak,” sabi ulit nito. Siya namang baling niya sa beef steak sa harap niya at kanina niya pa pala sinasaksak ng kutsilyo. Natawa nalang siya. Kawawa nga ‘yong baka. Pero mas kawawa ‘yong Kate na ‘yon ‘pag ‘yon ang masaksak niya.  

------

SA SUMUNOD na mga araw ay ganon din ang nangyare. Laging may nagdedeliver ng pagkain sa opisina pag lunch time.

"Trench, bakit lagi kang may delivery ng food tuwing lunch?"

"I did it on purpose just to make sure na kakain ka at hindi ka magsi-skip ng lunch."

Ilang sandali siyang napatitig sa lalaki. Anong sinabi nito? Sinadya nitong magpadeliver ng pagkain palagi para masiguradong kakain siya at hindi magsi-skip? Bakit?

"Sabihin mo nga, may crush ka ba sakin?" Mula sa laptop ay nag-angat ito ng tingin at ilang segundong tumitig sa kanya. Pagkatapos ay bumalik ulit ng tingin sa laptop. Tsk! Hindi manlang sinagot ang tanong niya. Bakit pa kasi siya nagtanong. Ambobo mo talaga Gorge! Sermon niya sa sarili pagkatapos ay nagfocus nalang sa pagkain.

"Hindi ka rin ba kakain? Past 12 na oh."

"I have something to finish. Mamaya nalang pagkatapos."

Kita mo 'tong lalaking to. Nagpadeliver ng lunch para hindi daw siya magsiskip ng meal tapos ngayon ito pala ang hindi kakain.

"No. Kakain ka ngayon and that's final,” panggagaya niya sa sinabi nito sa kanya dati. Syempre hindi din siya papatalo noh.

Lumapit siya kay Trench at inumang sa bibig nito ang kutsara. She saw him half smiled then kinain yung food.

Nagpatuloy siya sa pagsubo dito pero later on napansin niyang parang nagiba ang mukha nito. Nakita niya kasing namumula ang pisngi nito pati na ang tenga.

"Trench! May nakain kabang sili? Iluwa mo dali!" natatarantang inumang niya ang palad sa bibig nito para doon iluwa yung nakain nitong sili.

"What? No! I haven't eaten any chillies!” mabilis na tanggi ng binata na ngayo'y hindi makatingin sa kanya. Anong kaarehan yan? Bakit ito umiiwas ng tingin?

"Eh namumula yung mukha mo. Sigurado kabang wala kang nakain na maanghang?"

"Wala nga. Excuse me,” sabi nito pagkatapos ay nagmamadaling tumungo sa CR. Nagtataka naman niya itong sinundan ng tingin.

Anong nangyare d'on?

Pagkapasok sa CR ay agad na hinubad ni Trench ang kanyang suot na coat. Tinaas niya ang manggas ng kanyang longsleve hanggang balikat katapos ay humarap sa sink at naghilamos.

Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin at hindi niya maiwasang mapamura.

F*ck! What's happening to me? Am I blushing? This is gay. Dahil lang sa simpleng pagsubo na yun sayo ng babaeng yun kinilikig kana? Tang*na yan Trench. Nahihibang kana!

Nasa ganoon siyang posisyon ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng dahilan ng kahibangan niya.

"Okay kalang ba talaga? May masakit ba sayo? Gusto mo tumawag ako ng doctor o dalhin nalang kita sa ospital?" sunod-sunod nitong tanong habang sinasalat ang kanyang noo.

Bigla siyang naalarma sa kilabot na naramdaman niya ng bahagyang magdikit ang mga balat nila sa paglapit nito kaya bigla siyang napaatras. "No. No. I'm fine. Okay lang ako."

Nakita niyang sumimangot ang babae. Dahilan para mapansin niya ang kaunting sauce na nagkalat sa gilid ng mga labi nito. Na mas lalong nagpasama sa sitwasyon niya. Hindi niya nagugustuhan ang naiisip niya.

D*mn! He wants to ravish that lips and wipe those sauce using his tongue!

At hindi na nga siya nagdalawang isip, agad niyang sinunggaban ang mga labi ng dalaga at gaya ng nais niyang gawin ay pinunas niya ang sauce doon gamit ang kanyang dila at mga labi.

He felt her gasp and so he wrapped his arms around her waist and pull her closer to him. Nagawa niya pa itong buhatin at paupuin sa ibabaw ng sink nang hindi pinuputol ang halik.

Pero ilang segundo lang ay bigla rin siyang napaatras ng itulak siya nito palayo. Nanlaki ang mga mata nitong tumitig sa kanya pagkatapos ay napahawak ito sa sariling mga labi pagkatapos ay nagmartcha palabas.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Where stories live. Discover now