PAGE 17

24 1 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 17



"THE meeting with the board of directors will start at exactly 9:00am. Reviewing of books at 11:00pm and you have a lunch meeting with Mr. Henarez at 12:00pm. In the afternoon, meeting with the new investors from Chicago at 1:00pm. Another dinner meeting with Mr. Smith at 3:00. And lastly, contract signing with Skyline Corporation at 5:00pm. That's your schedule for today Mr. Smither," pormal na pagpapahayag ni Gorge sa schedule ni Trench ngayong araw.

"You can leave now," seryosong saad naman ng binata nang hindi lumilingon sa kanya. Yumuko si Gorge bago tumalikod at lumabas ng office nito.

Napasandal siya sa nakasaradong pinto. Kanina pa siya naghahanap ng chempo para kausapin ito at ibigay dito ang resignation letter niya pero sa tuwing tatangkain niyang sabihin iyon ay laging may sagabal.

Simula rin kaninang umaga ay malamig ang turing nito sa kanya. Maging ang mga mata nito ay mailap rin.

Ito na ba yun? Ito na ba ang sinabi ni Lara? Ngayong nakuha na nito ang gusto sa kanya ay itatapon na siya nito na parang basura?

Bakit parang biglang nanikip ang dibdib niya sa isiping iyon?

Natapos ang araw na iyon na malamig parin ang pakikitungo sa kanya ni Trench. At nabigo siyang ibigay dito ang resignation letter niya.

-----

KINABUKASAN ay pagkagising na pagkagising niya ay nakatanggap siya ng text message mula kay Trench. Napakusot pasiya ng mata bago binuksan iyon.

From: Trench
I can't go to office today. May laro ako ngayon sa school. Basketball Finals. Kailangan ako ng team. Kindly call Charles.

Kumunot ang noo niya bago nagtipa ng reply.

Gorge:
Okay.

Akmang tatawagan niya na si Charles ng tumunog ulit ang message tone niya at nang makitang galing ulit iyon kay Trench ay agad niya iyong binuksan.

From: Trench
One more thing, I forgot my USB in my room. Can you get it and bring it here at school? I need it at 4pm this afternoon. Thanks.

Napabuntong hininga nalang siya pagkatapos ay nagtipa ulit ng reply dito.

Gorge:
Okay. Ako nang kukuha
at magdadala diyan.

Agad niyang tinawagan si Charles para ipaalam rito na hindi makakapasok sa opisina si Trench ngayong araw. Pagkatapos niyang maligo ay nagluto na siya ng breakfast at kumain.

Ala una ng hapon ng magdesisyon siyang umalis ng bahay at magpunta na sa university ni Trench. Mas maaga mas maganda, mahirap na kung maipit siya sa traffic at least pag dating ng alas quatro at dapat naroon na siya sa school nito kasi alas quatro daw nito kailangan ang USB.

After 30 minutes ay nakarating na siya sa bahay nito. Agad niya namang nakita ang USB sa study table sa kwarto nito kaya agad din siyang umalis ng bahay para dumeretso na sa school.

NANG sa wakas ay makarating sa university ay kinuha niya agad ang cellphone niya sa bulsa at agad na nagcompose ng message doon.

Gorge:
Dala ko na ang USB
at nandito na ako sa school.
Nasaan ka?

Seconds after she hit the send button ay nakatanggap agad siya ng reply galing rito.

Trench replied:
at school's gymnasium.

Gorge:
Okay. Papunta na ko.

Ibinulsa niya ulit ang phone at mabilis na naglakad papuntang gymnasium. Habang naglalakad ay nagsimula na naman siyang makarinig ng bulungan sa mga estudyanteng nakakasabay niya.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon