PAGE 20

7 1 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 20



"WHO'S this girl? New flavor? Sawa kana ba sa mga mestiza at magaganda kaya exotic beauty naman ngayon ang trip mo?" natatawang usal ng bestfriend niyang si Kierro.

Inungusan niya ito. "Shut up, Kier! I didn't asked for your opinion by the way," aniya pagkatapos ay sumimsim siya ng alak sa kopita bago sumandal sa railings ng veranda.

Naroon sila ngayon sa beach resort na pag-aari ng pamilya nito sa Palawan. Doon kasi nito napiling i- celebrate ang kaarawan at kasama din nila doon ang dalawa pa nilang barkada na sina Vernon at Andrei at ang girlfriend ng mga itong sina Sandy at Fren.

Ofcourse, he brought Gorge with him. Kahit ayaw ng babae ay wala rin itong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

"So how was she? Is she good, huh? Magkwento ka naman," may halong panunudyong tanong ni Kierro and he pretty knows what his bast*rd friend is pertaining to.

Lihim siyang napangiti ng muli niyang maalala ang mga nangyare sa Venice and resently sa countertop sa bahay niya we're the best nights of his entire life happened.

"Woah! I wonder how good she is in bed for you to take long answering my question. Tell me dude is she a moaner? A screamer? What?" pamimilit pa nitong tanong na ikinailing niya nalang.

"Wait... Don't tell me hindi kapa nakakascore sa kanya?" natatawang bulalas nito na inungusan niya lang ulit at tahimik na nagpatuloy sa pagsimsim ng alak mula sa kanyang kopita.

"O baka naman ayaw mo lang siyang ikama? I'm pretty sure hindi mo siya bibigyan ng kontrata kung wala kang balak sa kanya, dude. So tell me ano ba talagang balak mo sa babaeng yun?"

"Nothing. I just want to see her everyday," kibit balikat niya.

Nakita niya naman kung paano umawang ang bibig ng kausap. A mixture of amusement and shock dance in Kierro's eyes na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Sh*t! Naririnig mo ba yang sinasabi mo Trench? Talagang sa bibig mo nanggaling ang mga salitang yan? Pucha dude! I think you're screwed!" hindi makapaniwalang bulalas nito na ikinatawa niya nalang.

Sabay silang napalingon sa pinto ng dumating ang dalawa pa nilang kaibigan.

"Tang*na! Kanina pa namin kayo hinahanap nandito lang pala kayo sa veranda at nag-d-date!" reklamo ni Andrei.

"Nandito tayo sa beach wag kayong magmukmok diyan. Tara surfing!" saad naman ni Vernon na may dala-dalang surfing board.

"Mauna na kayo. Mamaya na ak—” hindi na natuloy ang sasabihin ni Kierro ng akbayan at i-head lock ito ni Andrei.

"Anong mamaya na? Wala mamaya mamaya, ngayon na! Come on birthday boy!"

Pagkatapos ay tinangay na nito si Kierro palabas.

"Come on, Trench," baling naman ni Vernon sa kanya.

"Susunod ako tatawagin ko lang si Gorge sa kwarto."

"No need. Kasi kanina pa siya nagtatampisaw sa dagat kasama sina Sandy at Fren,” anito bago siya inakbayan at tinangay na din palabas.

Nakarating sila sa dalampasigan at agad niya namang natanaw ang kinaroroonan ng dalaga habang abala ito sa pakikipagkwentuhan kina Sandy at Fren na naroon din sa tubig.

Agad siyang lumusong sa tubig at akmang lalapitan na ito nang bigla siyang napapiksi dahil sa tubig na tumama sa kanyang mukha.

Nalingunan niya si Andrei na humagalpak ng tawa sa gilid niya at bago pa ito tuluyang makatakbo papunta sa buhanginan ay nahabol niya na ito at mabilis na ni-restling sa tubig.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon