PAGE 31

1 1 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 31


"ILANG taon ka ring nawala. Buti hindi ka naligaw pauwi?" pabirong saad ni Trench bago inabot kay Kierro ang hawak niyang wine glass.

Pagkatapos nila itong sunduin at bugbugin kanina sa airport ay nandito sila ngayon sa bahay nito.

"Kamuntik na nga akong tumalon sa eroplano kasi akala ko papuntang outer space ang nasakyan ko,” sabay tawa nito na umani ng batok mula sa kanya.

"Namumuro kana Trench ha! Binubog niyo na ako kanina sa airport balak niyo yata akong patayin e,” reklamo nito habang hinihimas ang likod ng ulo.

Napailing nalang siya. Kierro haven't changed a bit. Lokoloko parin ito gaya 'nong college sila.

"So kumusta naman ang buhay mo sa ibang bansa? Bakit ang tagal mong di nagparamdam?" it was Andrei who asked.

"Well, lots of things to handle. I had to take care of my dad's business in there and you know... lots of things happen,” kibit balikat nito.

“Pero dalawang taon yun Kierro! Wala manlang ni ha ni ho kaming narinig sayo. You even deactivated your socmed accounts. Why the hell is that man?”

Mula sa kanila ay naglakad siya papunta sa gilid ng music room na kinaroroonan nila at pinaglalaruan ang pianong naroon habang nakikinig parin sa dalawa niyang kaibigan na iniinterrogate si Kierro.

"I was intoxicated with social media these past few years so I deactivated all of it. Sorry hindi ko naisip na mamimiss niyo pala ako ng ganun kalala,” natatawang anito.

"G*go! Nag-alala lang kami sayo kala namin na-tabunan kana ng buhangin sa desyerto o nadagnan ng mga elepante sa Thailand o baka natabunan na ng yelo sa Mount Fuji!" pabirong komento ni Vernon na ikinailing niya.

"Sh*t! What's this? Don't tell me...What the f*ck! You're married?!" bulalas ni Andrei na ikinakunot ng niya dahilan para lumapit ulit siya sa kinaroroonan ng tatlo.

He smirked as he saw the ring on his fingers. "Nagpakasal kana at hindi mo manlang kami sinabihan? What a traitor you are, Kierro!" aniya na tinawanan lang ng g*go.

"D*mn! Akala ko ikaw lang ang magiging matandang binata sa'ting apat e. Good to know na ikinasal kana narin pala. Welcome to the club, bro!" Vernon exclaimed.

Natawa naman si Kierro. "G*go! But thanks anyway. And yeah, I'm now officially singing in as a member of Husbands Club."

Nagtawanan ang tatlo na ikinailing niya nalang.

Tss. Husband's Club my ass.

Sa kanilang apat ay siya ang unang nag-ka-asawa pero mukhang siya ata ang pinakamalas.

"So kelan ka pa kinasal?"

"Two years na."

"Tang*na mo Kier ganon na katagal?"

"Yeah, actually... I already have a child."

"What the hell!!!! Are you f*cking serious? Naunahan mo pa palang magkaanak si Trench!"

Bumaling sa kanya si Kierro at may sinusupil itong ngiti sa labi.

"Well...Mahina kasi si Trench."

Binatukan niya ito na ikinatawa nilang apat. "G*go."

"Pero seriously? Nag-asawa't anak kana pala sa ibang bansa at hindi mo manlang kami binalitaan. Talaga bang kaibigan mo kami?"

"Tampo ka naman agad, Vernon. Sorry na babe!"

"Wag mo 'kong hawakan! Break na tayo! May bebe kanang iba!"

"Ikaw parin naman ang bebe ko!"

"He!"

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Where stories live. Discover now