PAGE 8

45 3 0
                                    

ᴘᴀɢᴇ | 8


"DO you drive?"

Kararating niya lang ng bahay nito at iyon agad ang salubong na tanong nito sa kanya.

Kumunot ang noo niya pagkatapos ay sunod-sunod na umiling. "No."

‘Nabuburo na nga sa bahay ang brand new Mercedes Benz na binigay ng tatay mo e!’ pabulong niyang ani bago sumalagmak sa pang-isahang sofa sa malawak nitong living room.

Naglakad ito sa harapan niya dahilan para maamoy niya ang shower gel nitong sobrang bango. Medyo basa pa ang may kahabaan at wavy nitong buhok kaya halatang bagong ligo lang.

Nakasuot din ito ng gray t-shirt at hapit na faded jeans at kulay white na sneakers naman sa paa. Nasa 6'1 siguro ang tangkad nito kaya bagay na bagay dito ang suot. Kahit ano naman sigurong  isuot nito ay magmumukha parin itong modelo.

Sa look nito ngayon ay mukha itong model ng jeans sa nakikita niyang parang billboard na nakapaskil sa mga malls.

"Just stay here and wait for me. Morning class lang naman ako today so by 12:00pm ay nakauwi na 'ko,” anito saka kinuha ang itim na back pack na naroon sa mahabang couch sa tabi niya.

Tinanguan niya nalang ito. "Okay."

Matapos nitong isukbit ang bag ay tumalikod na ito sa kanya at nagsimulang maglakad patungo sa pinto. Napatingin siya sa matambok nitong pang-upo na hapit sa suot nitong jeans at hindi niya maiwasang mapamura ng biglang mag-flash sa isip niya ang nangyare sa pool noong isang gabi. 

Napabuga siya ng hangin at pilit na iwinaksi ang eksenang iyon sa isip niya.

Napalingon siya sa labas ng marinig niya ang kotse nitong papaalis. Napairap siya. Mukhang balak pa ata siya nitong gawing driver na taga hatid-sundo sa school. Tsk! Baka pati sa loob ng school ay gusto pa nitong magpasama? OA na yun ha!

Wala sa kontrata nila na kailangan niya pa itong samahan sa school. Ano ito kindergarten na kailangan pang bantayan sa loob ng campus?

Gaya nga ng sabi ni Trench ay nanatili lang siya sa bahay nito at inabala nalang ang sarili sa pagliligpit ng mga kalat doon.

Isa-isa niyang pinulot ang mga cramped papers sa sahig ng study table sa kwarto nito ng may makita siyang isang pakete ng ... sigarilyo?

Kumunot ang noo niya pagkatapos ay pinulot iyon at mariing pinagkatitigan.

Nagyoyosi si Trench?

Pasado alas dose ng tanghali ng makauwi na nga ito galing university. Agad niya itong sinalubong sa pinto at hindi pa ito tuluyang nakakapasok ng ipakita niya agad ang pakete ng sigarilyong nahanap niya sa kwarto nito.

Nakita niya naman ang biglang pagrehistro ng gulat sa mukha ng binata at mabilis nitong hinablot iyon sa kanya at nagmartsa papasok sa kwarto.

Sinundan niya ito sa at naabutan niyang nagmamagadali nitong itinago iyon sa drawer ng study table.

Unti-unti siyang humakbang palapit sa lalaki.

"Trench..."

"What?!" singhal nito sa kanya.

"Alam ba ng parents mo na nagyoyosi ka?"

Mula sa study table ay naglakad ito palapit sa kama at ibinagsak ang sarili doon  "My dad knows but my mom didn't and don't you dare to tell her."

Ilang segundo niya itong tinitigan ng bigla siyang matawa. "Pfftt!"

"What's funny?" asik nito sa kanya at mababakas sa boses nito and iritasyon.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ