PAGE 15

23 1 1
                                    

Warning:
Mature Content | R—18 |
Contains explicit scenes.
Read at your own risk!


ᴘᴀɢᴇ | 15



"GORGE?"

Kumunot ang noo ni Trench ng mabungaran ang babaeng kumakalampag sa labas ng pinto ng kanyang hotel suite. Napabuga siya ng hangin bago ito hinila papasok sa loob.

"What brings you here? I thought you'll going to stay at Ate Sab's place?" asik niya sa babae.

Bigla siyang nakaramdam ng galit. Alas dose na ng hating gabi bakit nagpapagalagala pa ito sa hallway ng hotel?

For pete's sake! Kahit nasa loob sila ng hotel the fact na nasa ibang bansa sila ay hindi niya maiwasang mag-alala. Paano nalang kung may estrangherong banyaga na pagtangkaan itong gawan ng masama habang nasa hallway ito ng dis-oras ng gabi?

"Ah! Sino ka? Bakit andito ka sa kwarto ni Trench ha! Magnanakaw! Alis! Alis!"

Pinagpapalo siya nito sa dibdib pero mabilis niya namang nahuli ang mga kamay nito.

"What the f*ck are you saying? I'm not a thief!" bulalas niya pero nagpumiglas parin ito at pilit siyang pinapalo.

"Ibalik mo si Trench, saan mo siya dinala? Ibalik mo siya!”

"I'm Trench, d*mn it!" asik niya na tila nauubusan na ng pasensya. Ano bang trip ng babaeng ’to ngayon?

Nakita niya naman kung paano kumunot ang noo ng dalaga habang nakatitig sa kanya ang namumungay nitong mga mata na parang inaatok.

"Ikaw si Trench? e bakit ang cute mo?" anito saka ngumisi sa kanya ng pagkatamis-tamis.

Mas lalong kumunot ang noo niya at napapantastikuhang tumitig rito. "What?"

"Pakagat ng pisngi mo! Sige na cutieee!!!!!" saka ito lumambitin sa leeg niya.

"Chubby cheeks! Chubby cheeks!" pagchecheer pa nito.

"What the hell, Gorge? Ano bang pinagsasabi mo?" buong pagtatakang tanong ni Trench habang kunot-noo paring nakatingin sa dalaga.

"What's happening to you?"

Bigla itong nabuwal sa kinatatayuan at mabilis pa sa alas kwatrong pinalibot niya ang kanyang braso sa bewang nito at mahigpit itong niyakap para hindi tuluyang bumagsak sa sahig.

"Chubby cheeks..." bulong nito dahilan para maamoy niya ang alak sa hininga nito.

Napabuga nalang siya ng hangin ng may mapagatanto. "Oh, f*ck! You're drunk!"

Nang biglang may kumatok na naman sa pinto kaya binuksan niya ulit iyon at tumambad sa kanya ang humahangos na si Sabrina.

"Trench nawawala si Gor— oh sh*t! She's here. I'm sorry, my bad," may sinusupil itong ngiti sa labi saka ito tumalikod pero bigla ring bumalik at dumungaw ulit sa pinto.

"Binabalaan kita, Trench. Don't you dare to touch a drunk woman!” pagkatapos ay ito na mismo ang nasarado ng pinto bago tuluyan umalis.

Napailing nalang siya sa sinabi ng pinsan saka binalingan ulit ang dalagang nakayakap parin sa kanya.

"Well..I can't promise that..." bulong niya sa sarili saka sumilay ang isang mapaglarong ngisi sa kanyang labi.

Pinangko niya ito at kinarga papasok sa kwarto at dahan-dahan niya itong ihiniga sa kama.

Isa-isa niyang tinanggal ang suot nitong slippers sa paa samantalang tahimik lang itong nakamasid sa kanya habang inaayos niya ang kumot na itinakip niya sa katawan nito.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Where stories live. Discover now