EPISODE 24

2 2 0
                                    

"The End-Start"

Previously on Quién Es Bonch...

"Beam sandali, nakakaloka ka!" Sigaw ni Angel habang pinipigilan nya si Beam na umupo sa Trono. Ngunit huli na nang naging bato ito.

"Criselda itakas mo ang Setro." Utos ni Queen Victoria sakanyang tapat na taga sunod. Naglakbay sa ibat-ibang lugar si Criselda upang itago ang piraso ng setro.

Habang Sina Bonch at Gemma ay muling nag balik sa panig ng kabutihan at nakilala na din natin si Enigma ang kakambal ni Queen Victoria na sya ding ina ni Dave.

Sa pagpapatuloy...

Dumating sina Graniel at Joyce sa Kastilyo.

"Naparito kami upang sunduin kayong dalawa." Wika ni Graniel at nakatingin sya kina Gemma at Bonch.

"Bakit anong nangyayari?" Tanong ni Leah.

"Sila ay lumabag sa batas ng oras at panahon. Kelangan nilang pagbayaran ang kanilang kalapastangang gamitin ang oras upang maka punta sa nakaraan at kasalukuyan. " Sagot ni Graniel.

"Kung ganun, Hindi kami papayag." Wika ni Angel at Leah.

"Hindi na, okay lang. Alam naming Ganito ang mangyayari. Kaya sasama kami." Wika ni Bonch. Na agad namang lumapit Sina Gemma at Bonch sakanilang dalawa. Nakita naman ni Joyce ang nangyari kay Beam.

"Ang kinoronahang Prinsesa." Sambit nito at nag tungo ito Kay beam.

"Naging bato sya upang mapigilan ang pagkasira ng mga mundo." Wika ni Dave.

"May paraan pa, hanapin ninyo ang setro ng Novaria. " Sagot ni Joyce at Hinawakan nya ang kamay ni Beam.

"Sa pagkakaalam ko, tanging ang kinoronahang Prinsesa din ang makakahanap sa Setro." Wika ni Enigma.

"Tama, at may alam akong paraan kung papano pansamantalang makawala sa sumpa si Beam sa trono ng Novaria." Wika ni Joyce. Ngunit sinaway sya ni Lucky.

"Joyce wag, Hindi Tayo pwdeng makialam sa kanila." Wika ni Graniel.

"Papano Joyce?" Tanong ni Leah. Habang nakatitig ito sa mga mata ng babae.

"Joyce wag!" Saway ni Graniel sakanya.

"Patawad mga ate.." wika ni Joyce. Ngunit biglang ginamit nina Gemma at Bonch ang kanilang kakayahan upang makatakas Kay Graniel.

"Let's have a deal, sasama kami sainyo kung sasabihin ninyo ang paraang naisambit ni Joyce." Wika ni Gemma.

"Patawad kung kelangan kung Gawin ito." Akmang babaliktarin ni Graniel ang hour glass ngunit pinigilan sya ni Leah nagamitin ito. Gamit ang kakayahang kontrolin ang isipan ng isang nilalang napigilan ni Leah ang gagawin ni Graniel.

Quién Es Bonch (Season 1-Completed)Where stories live. Discover now