EPISODE 16

4 2 0
                                    

"The Multiple and The Medusa Eye Part 2"

Sa pagpapatuloy..

"Anong ginawa mo!" Sigaw ni Dave kay Julianne.

"Wala, dummy lang ng may gift yung naabutan ko dito." Sagot ni Julianne.

"Sis Kalma lang nararamdaman namin yung emotion mo. Wag dito!" Wika ni Angel.

Bago pa nagtungo ang grupo nina Leah sa Heaven Casino. Balikan natin lahat ng mga nangyari.

"Akala ko kakampi ka nila?" Tanong ni Beam.

"Hindi, Isang undercover ang ginawa ko upang bantayan ang mga galaw ni Enigma ngunit. Hindi ko ding hahayaang makuha ni Enigma ang gift ni Abram. Kaya ako lumantad." Wika ni Cristy sabaw lagok sa tasa ng tsaa na hawak nya.

"Papano si Ryan, diba napatay ko sya?" Sambit ni Dave.

"Ay oo, Hindi Naman talaga katulad natin si Ryan. Literal na Tao o Novarian. Puppet ko lang sya." Wika ni Cristy at kumuha sya ng Isang papel na hugis tao at inilapag nya sa Tabi nya. Gamit ang kanyang gift pinatamaan nya ng maliit na kidlat ang papel na hugis tao. Hanggang sa maging tao ito.

"See? Hindi mo pinatay si Ryan. Nadamay akong Ryan sa bulsa ko. " Wika ni Cristy.

"Ngunit Cris? Papano mo ma eexplain saamin ang gift na nakuha ni Dave Kay Ryan." Tanong ni Leah.

"Simple lang, sadyang nilagyan namin ni Queen Victoria ang puppet ko. Para pagkatiwalaan kami ni Enigma." Sagot ni Cristy.

"Ibabalik ko nalang Hindi Naman ako sanay sa gift NATO. " Wika ni Dave. Tumayo si Cristy at lumapit Kay Dave at kinuha nya ang kanyang kamay.

"Hindi, para Sayo talaga yan. Sekreto Nyan para makontrol mo Ang gift na Yan. Emosyon mo. kelangan mo lang mag fucos sa mga gusto mong pagalawinKumbaga, maari Kang makagawa ng Shock wave and Earth Quake kung nais mong pagalawin ang mga tectonic plates sa ilalim ng lupa." Sabi ni Cristy.

"Papano?" Tanong ni Dave.

"Hindi ako ang may gift na ganyan. Nais kung tuklasin mo." Wika ni Cristy sabay ngiti. At pumasok si Cathy Dala ang mga pekeng ID na ginawa upang makapasok sa Heaven Casino.

"Kekelangan nyo to!" Sabi ni Cathy at inabot nya ang mga ID na ginawa nya kina Angel, Leah at Dave.
Habang si Jared naman ay nakatitig kay Angel. Nang mapansin ito ng kanyang kapatid na si Rose agad nya itong kinurot sa pisngi.

"Hoiii! Kahit kelan. Mahihilig ka sa mga magagandang dilag. Tumigil kana. May jowa na Yan!" Wika ni Rose.

"Hindi pa naman Diba kasal? Kaya pwde pa!" Ngiting Sabi ni Jared habang nakatingin Kay Angel.

Balik sa Kasalukuyang pangyayari...

Quién Es Bonch (Season 1-Completed)Where stories live. Discover now