EPISODE 21

4 2 0
                                    

"Lemen Forest"

Sa pagpapatuloy...
Sinundan nina Angel, Leah, Dave at Beam sina Gemma at Bonch papuntang Lemen Forest pag dating nila doon.

"Ito naba ang Lemen Forest?" Tanong ni Dave.

"Siguro? Hindi pa ako nakapunta dito!" Wika ni Leah.

"Sa kasamaang palad, Oo ito ang Lemen Forest. Ngunit nasaan na ang mga halaman at Puno dito?" Wika ni Beam at iginala nila ang kanilang mga mata sa paligid nang biglang may enerhiyang muntik ng tumama sakanila mabuti nalang at may dumating.
Nang lingunin nila ang tumulong sakanila napangiti ang apat.

"Sorry nahuli kami, mga ate at kuya." Wika ni Madisson habang kasama nya ang The Kenetic Gang. Kasama sina Chellyn, Bram, Cristy, Rose na kasama si Jared, Cathy at Sam.

Nang makita ni Angel si Sam agad niya itong niyakap.

"Bakit kayo sumunod dito?" Tanong ni Angel.

"Syempre nag alalala ako Sayo." Sabay halik sa kanyang noo.

"patawad at nahuli kami Beatrice." Sambit ni Rose sabay yuko Kay Beam at ganun din ang ginawa nina Jared at Cathy.

"Bakit kayo yumuyuko saakin?" Tanong ni Beam.

"Dahil, kayo ang mga nawawalang Prinsesa ng Novaria, Luminous At EmpaSensa." Sagot ni Rose.

"Papano ako? Prinsesa din?" Tanong ni Dave.

"Kuya, Hindi Goddess of Sex ka." Pagbibiro ni Madisson. Nang biglang Lumindol ng malakas at Mula sa malayo dumating sina Bonch at Gemma.

"Reunion?" Wika ni Gemma.

"Umalis na kayo dito! Magbabayad kayong dalawa" Sigaw ni Leah. Na agad niyang binuklat ang kanyang librong hawak. At unti-unting tumubo ang mga halaman.

"Salamat, May mga halaman atleast makakalaban na Tayo." Wika ni beam.

"Hindi mo kami masisindak dyan Lean." Wika ni Gemma.

"Oras na kapatid ko." Sambit ni Bonch at Sabay silang nag hawak ng kamay. At sa Isang iglap ay naging Isa ang magkapatid.

"Para namang walang pinagbago." Wika ni Angel.

"Bunga-nga ng batang to, pasmado!" Wika ni Gemma. Habang nasa loob ni Bonch.

"Tama na ang sat-sat. Laban na!" Wika ni Dave at Isang malakas na enerhiya ang kanyang pinakawalan patungo kina Gemma at Bonch. Ngunit Hindi tinablan sina Bonch.

"Hindi nyo ba naalala? Nandito saamin ang mga gift na nakuha namin?" Wika ni Bonch at mabilis itong dumami. Sabay sabay din nilang ginamit ang pagalawin ang lupa at muling umalog ang lupa.

"Nakakainis ang lindol na Yan!" Wika ni Angel at kumuha sya ng Isang hibla ng kanyang buhok at naging Nagliliwanag na lubid. Inisa-isa ni Angel na pinaghahampas ng kanyang lubid. Ngunit tinawanan sya ng mga dummy ni Bonch.

Quién Es Bonch (Season 1-Completed)Where stories live. Discover now