EPISODE 05

4 2 0
                                    

"Skin Walkers and Her Secret"
"Miss Gemma's P.O.V."

Ang nakaraan..

"Kelangan kung iligtas sila." Wika ni Miss Gemma habang naka tingin sa mga pangalan na nakalagay sa folder nya sa computer.

Sa Ospital kung binisita si Madisson ni..
"Sir Mark?" Sambit ng babae na tila nakakita ng multo.

"May nakikita ka Sis? Wag naman dito!" Wika ni Angel sabay hawak sa Mukha ni Dave ang nakikita ng ibang tao ay nag uusap lang silang tatlo.

Sa pagpapatuloy..

Hindi pa din mawala saaking isipan ang nangyari kagabi.
Hindi lang pagputok ng Tumbler ang nangyari. Bagkus biglang bumuhos ang tubig sa emergency pipe for Incase na may ma detect ang sensor na usok.
Delikado si Nicole, Hindi ko pa tiyak kung sino ang mga skin walkers sa office. At speaking of skin walkers. Naalala ko ang nangyari kay Madisson bago sya inatake ng Skin walker.

Kakatapos lang ng shift ni Madison ng mga oras na iyon, habang papunta sya ng 3rd floor. Kung saan doon ang kanyang locker. Madilim na ang mga oras yun dahil Wala nang line of business ang may shift sa mga oras na yun.
Habang abala si Madisson sa pag bukas ng kanyang Locker. May naamoy si Madisson ng Isang kakaibang Amoy.

"Amoy sulfur na nabubulok na patay na daga!" Sambit ni Madisson at nagpatuloy pa din sya sakanyang pag bukas ng kanyang locker. Hindi nya namalayan na Isang nilalang ang nasa kisame nakatitig sakanya. Naglalaway at tila Isang mabangis na Hayop.

Nang mabuksan ni Madisson ang kanyang locker agad niyang kinuha ang kanyang salamin ng maanigan nya sakanyang salamin ang Isang nilalang na nakatingin sakanya sa ibabaw nya.

Napasigaw si Madisson sa sobrang hilakbot at mabilisan siyang tumakbo palabas ng 3rd floor ng biglang, hindi nya mabuksan ang main door gamit ang ID nya. Habang dahan-dahang lumalapit na ang halimaw sakanya. Ang ginawa ni Madisson ay pumasok sya sa production floor.

"Wag mo na akong pahirapan pa!" Wika ng halimaw sakanya ng ma-korner nya si Madisson.

"Ano ba ang kelangan mo?" Umiiyak na Sabi ng babae.

"Ang gift mo!" Sagot ng halimaw at mabilis syang sinakal ng halimaw.
Tyempo namang may narinig akong kaluskos at sigawan kahit nasa 12 floor ako.

Mabilis pa sa alas kwatro akong nakarating sa 3rd floor. Agad akong pumasok sa production floor. At dito nakita ko si Madisson na hawak ng isang Skin walker.

"Bitawan mo ang batang yan!" Sigaw ko ngunit tila bingi ang halimaw.

"Pasensyahan na!" Agad kung hinubad ang sout kung facemask at mahinahong akong kumanta.

Quién Es Bonch (Season 1-Completed)Where stories live. Discover now