EPISODE 18

4 2 0
                                    

"A Day Before and The Clock Man"

Ang nakaraan..
Tinulungan ng Isang nilalang si Helen.

"Hindi ko man maibabalik ang gift mo, maari ko namang ibalik ang oras ng iyong buhay." Gamit ang hawak nyang Hour glass muli Niya itong binaliktad at sa isang iglap ay muling nabuhay si Helen.

Sa pagpapatuloy...

Sa Novaria..

"Mahal na Reyna, Hindi kaba natatakot sa winika ni Bonch. Tungkol sa kanyang sumpa na ibinigay sa prinsesa?" Tanong ni Criselda.

"Hindi rin ako papayag na aalis si Beam dito sa Novaria." Wika ni Queen Victoria habang nakatingin sa kanyang anak habang kalaro Ang kanyang mga pinsan. Lumapit naman ang Hari sakanya at hinalikan sya sa pisngi Bago nag wika.

"Kung ganun? Bakit Hindi mo nalang isara Ang lagusan papuntang earth?"

"Mahal ko, Wala saakin Ang susi matagal ng nawawala." Sambit ni Victoria.

"Mahal na Reyna at Hari may swestyun akong naiisip." Wika ni Criselda.

"Ano yun?" Tanong ni Victoria.

"Kung Hindi man natin mapipigilan ang sumpa ni Bonch. Pwde nating tanggalan ng alala ang mga taga Novaria tungkol sa madilim na pangyayari." Wika ni Criselda.

"Yun ang Hindi Hindi natin gagawin Criselda. Minsan ko nang ginawa ang sumpang iyan. Tingnan mo Ang nangyari saakin." Wika ni Victoria at Sabay hubad ng kanyang suot na pantakip sa kanyang kanang kamay.
Dito nakita Nila Ang Isang maitim na ugat na tumitikbok-tibok tila buhay ito. Kapag iilaw ito sumasakit ito, Hindi lang sa kanyang katawan maging sakanyang kaluluwa.

"Hindi ka Naman gagamit ng gift Mahal na Reyna." Wika ni Criselda.

"Hindi na importante yan sa ngayon Criselda. Ang importante ay ang anak ko." Sambit nito.

Pagkalipas ng Labing walong taon.

"Beatrice , saan ka pupunta.?" Tanong ng babaeng may kulay puting buhok kasama pa ang Isang babaeng may hawak ng libro.

"Diba sinabi ko na sainyo na delikado ang lugar NATO? Dito naninirahan ang mga skin walker. Nasa Lemen Forest Tayo!" Wika ng babaeng may hawak na libro.

"Aalis nako dito sa Novaria. Mag tutungo ako sa Mundo ng mga tao. Sabi ni Elizabeth maganda daw Doon. Malaya Kang mamumuhay ng Normal." Sambit ni Beam.

"Beatrice, delikado. Hindi mo alam kung Anong nandoon sa earth. Iba si Elizabeth. Nandoon ang nanay nya. Ikaw nandito ang pamilya mo!" Sabi ng batang may puting buhok.

"Pamilya ba ang tawag don? Lahat ng mga ginagawa ko ay puro Mali? Hindi nyo na ako mapipigilan mga pinsan." Sambit ni Beam at biglang napatili Ang babaeng may hawak na libro. Nabitawan nya ito sa labis na hilakbot.
Habang Ang babaeng may kulay puting buhok ay mabilis itong hinarap ang nakakatakot na nilalang.

Quién Es Bonch (Season 1-Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon