EPISODE 17

5 2 0
                                    

"Kwento ni Gemma, Bonch at Victoria Crossover with The secrets of Adonis brothers Character Queen Olivia of Ayden"

Sa Novaria noon..
Namuhay ang mga Skin walker sa Novaria ng tahimik. Isa sila sa pinagkakatiwalaan ng dating amang Hari ang ama ni Queen Victoria na si Haring Octavio.
"Bago makapasok ang mga mananakop. Dadaan sila sa Kakahuyan kung saan~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Haring Octavio dahil nalalagay nanaman ang kaharian nila sa isang digmaan.
Lumapit ang pinuno ng mga skin walker na si Isaac. At nag wika sa matalik na kaibigan.

"Octavio, kami na ang bahala. Ilang digmaan na ang ating hinarap at palagi tayong nanalo. Malakas ang novaria. Dahil nag kakaisa Tayo." Wika ni Isaac ang ama ng kambal na Sina Gemma at Bonch. 

"Tama haring Octavio. Kasama mo kami sa digmaang ito. Lalo na ang kaharian ng Hestia." Wika ng babaeng may pulang buhok.

"Maging sa kaharian ng luminous. Ipagtatangol natin ang Novaria." Sambit ng lalaking may puting buhok na Nagliliwanag.

"Kasama mo din kami haring Octavio sa labanang ito." Sabay Yuko ng babae na taga EmpaSensa, kaharian ng mga empath at clairvoyant.

"Maging kaming mga taga Andromeda." Wika ng lalaking taga Andromeda ang kaharian sa ilalim ng karagatan.

"Ako si Olivia Mahal na hari, Reyna sa kaharian ng Ayden. Asahan mong sasama kami sa digmaang ito." Wika ni Olivia.

Pagkatapos ng madugong digmaan. Nanalo ang Novaria. At pagkalipas ng Sampung taon.

"Victoria, nandito Sina Gemma at Bonch batiin mo sila." Wika ng haring Octavio.

Lumapit si Victoria kay Gemma at itunulak si Bonch.

"Victoria!!! Anong ginagawa mo!" Sigaw ni Octavio. Kumunot ang noo ni Victoria at nag wika.

"I don't like her papa, she looks like a monster." Wika ni Victoria. Tanging si Bonch ang nagkaroon ng sumpa.

"Victoria, namatay ang ama nila dahil sa pagtatangol saatin. Ikaw!" Akmang sasaktan na sana ni Haring Octavio si Victoria ng dumating ang katapid ni Octavio na Sina Lena at Paula.

"Kuya Anong ginagawa mo sa pamangkin namin?" Saway ni Lena at Isang liwanag na harang ang kanyang ginawa upang hindi matamaan si Victoria.
Lumapit naman si Paula sakanyang kapatid at hinawakan ang kanyang Ulo sabay wika.

"Magpahinga kana Kuya" At nakatulog si Octavio. Sina Paula ay isang Empath habang si Lena ay Isang Luminous.

"Mabuti pa Gemma ilayo mo na si Bonch dito. Naiirita ako sa Mukha nya!" Sabi ni Lena.

"Masusunod Mahal na prinsesa." Sambit ni Gemma.

Hindi lang pangkukutya ang mga natanggap ng batang si Bonch. Maging bugbog din. Minsan si Gemma ang sumasalo sa mga pang bubogbog ng magkapatid na Lena at Paula.

"Gemma Hindi mo kelangan Gawin ito saakin. Tanging Ikaw lang ang Hindi nalagyan ng sumpa. Maari Kang lumayo saakin para Hindi ka na apihin nina Lena at Paula. Maging si Victoria nakakapanghinayang Mula ng mamatay si Haring Octavio, naging kasing sama na nya Ang kanyang mga Tita.

Quién Es Bonch (Season 1-Completed)Where stories live. Discover now