Kung isang dosena ang sinabi nito ay baka naniwala pa siya.

"Isang round lang promise...sige na..." pamimilit nito.

"No!"

"Please?" nakita niya pa itong nag-puppy eyes.

P*tang*nang lalaki. Napakalandi talaga!

Tiningnan niya ito ng masama. "Hindi nga pwede. Wag kang makulit Trench."

Tilikuran niya ito at pumasok sa CR. Sinigurado niyang nakalock iyon. Mahirap na baka pasukin na naman siya nito doon at talagang hindi na naman siya maayaw rito.

For pete's sake! Madaling araw na siya nitong pinatulog kagabi tapos ngayon iisa na naman ang walang hiya? Baka naman gusto siya nitong patayin sa pagod? Naku! Mabuti nalang talaga at malakas ang resistensiya niya kasi kung hindi, siguradong nakaratay na siya ngayon sa ospital o di kaya ang mas malala ay baka nakabaon na siya sa sementeryo at nilalantakan ng mga uod doon.

Name: Gorgeous Mapanganib
Cause of Death: Too much sex with Trench Alpha Smither

Isang malaking kahihiyan yun pag nagkataon. Ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan niya? Siguradong mamatay sa sama ng loob ang mga magulang niya sa probinsiya pag nagkataong mamatay siya at iyon ang maging dahilan. Masyado pa namang istrikto ang tatang niya. Ni ayaw nga siyang paligawan dati sa mga lalaki doon sa probinsya nila kasi masyado daw siyang maganda para mapunta lang sa probinyano. Oh di ba? Mataas ang standards ng mga magulang niya sa lalaki. Magkaroon ba naman sila ng napakagandang anak.

Ang hindi alam ng mga magulang niya. Hindi naman talaga nanliligaw sa kanya ang mga lalaki doon. Wala ngang nanl

Napalingon siya sa katabi na ngayon ay nakapikit at nakayakap sa kanya. Pagkatapos siya nitong ihatid kagabi ay hindi na ito umuwi at dito na naman natulog sa bahay niya.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwalang ang isang katulad niyang panget at dukha ay nakakasama ang isang napakagwapo at napakayamang gaya ni Trench.

Lumabas siya sa cr at nakitang nakahiga parin ito sa kama at nakapikit.

"Bumangon kana diyan Trench. May pasok ka ngayong umaga at mamayang hapon naman ay kailangan nating pumunta sa opisina."

"Ayokong pumasok ngayon at 'wag narin muna tayong pumasok sa opisina. Saka hindi ka ba napagod? Inaantok pa ko gusto ko pang matulog. Tulog pa tayo, mahal ko."

Mahal ko?

Bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito. Pucha. Ngayon may pa-indearment na itong nalalaman.

"Babangon ka diyan o hindi ka na makakaulit?"

Tila magic words naman ang sinabi niya at awtomatiko itong napadilat at tumayo.

"Sabi ko nga, maliligo na 'ko," at mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ito papunta sa banyo at napamaang nalang siya habang sinusundan ito ng tingin.

"Hayop na 'to talagang takot na takot na hindi na makaulit?" hindi makapaniwalang usal niya bago napabuga ng hangin.

----

"OH ANO? Mukhang masaya ka ngayon. Anong meron ha?" may bahid ng pang-aasar na tanong ni Ritchi na siyang ikinairap niya. Naroon sila ngayon sa paborito nilang coffee shop.

"Wag mong sabihing nakarealize mo nang tama ang mga sinabi ko at susugal kana ngayon sa pag-ibig?" hindi siya kumibo at nag-iwas ng tingin para itago ang sinusupil niyang ngiti.

"Bruhang to! So totoo nga? OMG! I'm so happy for you! Finally hindi kana single since birth! Hayy! Mabuti naman at natauhan kana rin diyan sa pagiging hard to get mo. Halerr! Biyaya na ang lumalapit tinatanggihan mo pa!"

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Where stories live. Discover now