kabanata 51: The truth behind the lies 1

10.6K 286 33
                                    

Cl's POV

Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa aking kamay. Sinubukan kong idilat ang aking mata. Kulay puti ang unang bumungad sa akin. Nilibot ko ang paningin hanggang nakita ko ang taong mahimbing na natutulog sa aking tabi.

Anong ginagawa nito dito?

Minabuti kong huwag kumilos para hindi magising ang taong nasa tabi ko nang biglang bumukas ang pinto. Agad akong pumikit at nag panggap na tulog.

Gosh! Hindi pa ba tumatawag si Dara ? Rinig kong nagsalita si Bom.

Calm down wifey for sure may inaasikaso lang yun bwelta ni Top sa asawa.

Aayusin ko lang itong mga pagkain para makakain narin tayo narinig ko si Minzy. May narinig din akong mga tunog ng plastic.

Gisingin ko lang narinig ko si Dy at may mga hakbang na papalapit sa pwesto ko.

Sol, wake up! You need to eat simula nung dalhin mo siya dito hindi ka pa kumakain sabi ni Dy.

Teka! Siya ang nagdala sa akin dito?

Nah! Kayo muna kumain. Hihintayin ko pa siya magising. Sabi ni Sol at naramdaman kong nakahawak parin siya sa kamay ko.

Pero hindi natin alam kung kailan pa siya magigising sabi ni Dy

Basta hihintayin ko siyang magising. Sila muna ni baby ang papakainin ko bago ako. Mas importante sila ni baby. Sabi ni Sol at naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko.

Wait! Baby? Tama ba ang narinig ko?

Sige ikaw bahala sabi ni Dy

hon gising na. Paano ko kayo maaalagaan ni baby kung natutulog ka pa dyan. I want to make it up to you. May dahilan ako kung bakit ko nagawa yun please hear me out. I don't wanna lose you again sabi ni Sol at hinalikan niya ang kamay ko.

Mukha mo! Pagkatapos mo akong itapon na parang basahan! The nerve.

Pero paano ang baby namin? Ayokong lumaki siyang walang tatay.

Utak: Huwag mo na siyang balikan. Sinaktan ka niya.

Puso: Pakinggan mo ang dahilan niya. Sinaktan ka man niya may dahilan kung bakit niya iyon nagawa.

Mahirap kapag nagtalo na ang utak natin at ang puso. Piliin mo man ang isa sa kanila dapat handa ka sa magiging bunga.

Nagkunwari parin akong tulog hanggang sa magpaalam na sila Bom na uuwi. Nang maisara ang pinto ay ginalaw ko ang aking daliri.

H..hon?

Dinilat ko ng dahan dahan ang aking mata. Mukha ni Sol ang bumungad sa akin.

Ghad! Thank god gising ka na! May kasayahan sa kanyang boses. Agad din niya akong niyakap ng mahigpit.

C...can't breathe sabi ko. Agad naman siyang kumalas. Hinawakan niya ulit ang kamay ko.

What do you want? Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Nauuhaw? May masakit ba sayo? Tell me! Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Hindi ako nagpakita ng emosyon. Gusto kong malaman niyang galit ako sa kanya.

W...wait! Hon please let me explain first. Hear my reason kung bakit ko nagawa iyon. Pero bago iyon I want to feed you and our baby. You slept for almost 12 hours. Sabi niya. Kinuha muna niya ang pagkain sa table at nagsimula akong pakainin. Nakaramdam narin ako ng gutom ng maamoy ko ang pagkaing hawak niya.

Inalalayan niya akong umupo. Simpleng gawa niya lang ay nawawala ang galit ko sa kanya. Gusto kong kagatin ang pisngi niya.

Habang sinusubuan niya ako nakatitig lang ako sa kanya. Ramdam ko din na naiilang siya. Hanggang matapos niya akong subuan ay umupo ulit siya sa tabi ko.

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now