kabanata 48: The Final Battle Part 1

10.4K 315 44
                                    

Madami ng tao nang makarating sila sa Hellworld. Agad nagbibigay daan ang mga tao ng mapansin ang bagong dating.

Shit si Queen !

Damn! Ang hot talaga ni Ace !

Bakit sila lang?

Ang sexy talaga ni Queen !

Tsss. Ayoko ng patulan dahil magagandang comments naman ang naririnig ko. Sa isip ni Dara.

Nang maiparda nila ang mga motor kasunod na narin ng isang kotse. Bumaba na sila at lumapit sa dalawang taong sakay ng motor. Tinanggal nila ang helmet at hinubad ang blazer.

Totoo ngang maganda si Queen !

Diba si Dara yan?

Sila pala ang Blackjacks!

God! Ang se-sexy nila. Kahit buntis na si Bom ang hot parin!

Bakit kasama nila sila Top at Dy ?

Ang ganda ni Minzy !

Agad naman inakbayan ni Dy si Minzy. Kahit hindi pa sila nagkaka-ayos.

Someone is jealous asar ni Bom kay Dy.

Binabakuran ko lang ang pag-aari ko sabi ni Dy habang nakangiting nakatingin kay Minzy. Namula naman si Minzy.

Hindi na nila suot ang kanilang mga maskara. Naunang pumasok si Dara. Kitang kita ang kanyang tattoo kaya lahat ng tao ay nanahimik ng makita siya. Nagtuloy tuloy sila sa kanilang mga pwesto habang nag-iba ng pwesto sila Top, Bom, Dy at Minzy. Dahil ngayong gabi ay hindi sila maaaring lumaban.

Nang makaupo na si Dara sa kanyang trono ay pasimple niyang ginala ang kanyang mga mata. Nakita naman niya ang mga hinahanap. Napahigpit siya ng hawak sa kanyang upuan.

Itigil mo na kung nasasaktan ka na hindi yung ninanamnam mo pa sabi ng katabi niya.

Dara's POV

Nadudurog ang puso ko habang nakatingin ako sa dalawang tao. Makikita mo sa mga ngiti nila na masaya silang kasama ang isa't-isa.

Sinabi ko na sa sarili ko na wala na akong pakielam! Pero bakit ang sakit? Sobrang sakit. Habang nakikita ko silang magkasama parang hindi ako makahinga. Inalis ko na ang tingin sa kanilang dalawa at itinuon ito sa katabi ko.

Nakita kong nakayukom na siya ng kamao habang may tinitignan. Kaya sinundan ko ang tingin niya.

I know what you feel. Ipinapaubaya ko na siya sayo. Gawin mo ang gusto mo sa kanya. Sabi ko na ikinatigil niya. Kasunod naman noon ay ang malademonyong ngisi niya.

Hindi na ako makapaghintay sabi niya at tumayo na kami at pumunta sa gitna.

CL's POV

Hindi na ako makapaghintay na ilabas lahat ng dugo niya sa katawan.

Kamusta Queen ? Iniimbitahan ko kayo sa engagement namin ni Gd. Sabi ni Amethyst ng makalapit sila sa amin. Napatingin ako kay Dara. Walang anumang reaksyon ang makikita mo sa kanya pero sa loob niyan binabalatan ka na ng buhay.

Tumingin ako kay Gd. Nakitingin lang siya kay Dara. Malungkot ang mga mata niya. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

Naramdaman kong may nakatingin sa akin. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Nakita ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang siya na mismo ang umiwas.
. Ang lakas ng loob. Ang kapal pa ng mukha na gawin sa akin iyon. Akala ko totoo siya yun pala isa siyang huwad. Hindi na ulit ako magpapaloko sa kanya.

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora