kabanata 47: The Demon Queen

9.9K 277 22
                                    

Cl's POV

Tatlong araw na siyang walang malay. Nakalabas narin si Bom. Inuwi na namin si Dara sa bahay naming apat. Kahit ayaw pa ng doktor pumayag. Ginawan na lang ni Cobra ng paraan para maiuwi namin si Dara. Binilin niya si Dara bago siya umalis dahil may aasikasuhin pa sila sa Korea. Balita ko nagkakagulo na ang mga leader doon kaya pati si Abuelo ay napasugod narin doon. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising.

Sunod sunod ang trahedya na nangyayari sa amin. Hanggang ngayon ay hinahanap pa namin si Virgo. Walang nakakaalam kung nasaan siya. May kutob akong may nangyari sa kanya.

Dumating si Dy at Minzy na may bitbit na pagkain. Agad naman tumakbo si Bom para silipin kung anong binili nung dalawa. Biglang sumama ang tiyan ko ng may maamoy akong mabaho.

Tumingin ako kay Bom at nakita kong masaya niyang nilalantakan ang pagkain.

What the fuck? Anong klaseng pagkain iyan? Bakit ang baho? Sabi ko habang nakatakip ang kamay ko sa ilong ko. Parang gusto kong sumuka sa sobrang sama ng amoy.

*ding-dong*

Ako na sabi ni Minzy. Tumayo ito at sinilip kung sino ang nag doorbell. Pagbalik niya ay may hawak siyang envelope.

Binuksan niya ito at kinuha ang laman. Mga litrato at isang sulat.

Sinilip ko ang mga pictures. Si Gd, Rhie at Sol habang kasama nila ang mga hipon na Fierce Demons. Masaya sila sa mga pictures habang may nakaakbay, magkahawak kamay, magkayakap at naghahalikan.

Mga tarantado talaga! Sumosobra na sila! Nagpipigil na sabi ni Top.

Ginagamit lang sila ng Fierce Demons para bumagsak kayo sabi ni Dy. Napatingin kami sa kanya.

Ginamit narin nila ako dati kaya nasaktan ko ang kaibigan niyo sabi nito at tumingin kay Minzy. Napaiwas si Minzy ng tingin at namula.

May bagay silang gagamitin laban sayo para sundin mo lang ang inuutos nila. Ginamit nila ang kompanya namin kaya napilitan akong saktan si Minzy. Kapag hindi ko daw pinakasalan siya ay papabagsakin niya ang lahat ng negosyo namin kaya natakot ako dahil sa mga panahon na iyon ay nagsakit naman ang papa ko. Natatakot ako na kapag nalaman niya na wala na ang mga pinaghirapan niya ay bigla siyang atakihin sa puso. Kaya sinunod ko ang kanilang gusto. Sabi niya habang nakatingin parin sa mga litrato.

Hindi ko lang alam kung anong panakot ang ginawa nila sa kanila kung bakit nagawa nila sa inyo ang mga bagay na iyon. Sabi niya at binaba niya ang mga pictures.

Wala na akong pakialam kung ano pa ang dahilan niya kung bakit niya ginawa sa akin iyon. Sinira niya ang tiwala at pagmamahal na binigay ko sa kanya. Kahit siguro kausapin niya ako hindi na ako maniniwala sa kanya. Sinarado ko na ang puso ko para sa kanya.

Binasa ni Minzy ang sulat.

Kamusta na Queen? Sulitin mo na ang araw mo bilang reyna dahil malapit nang mapunta sa akin ang pwesto mo. Masarap ba sa pakiramdam na iwan ka ng taong mahal mo? Huwag kang magalala bumalik na siya sa akin. Masaya na kami sa isat isa. Isang linggo mula ngayon aagawin ko ang trono mo. Maghanda kana. Paghandaan mo na ang pagbagsak mo. -Amethyst

Ang kapal ng mukha! Kaimbyerna na siya kala mo kung sinong maganda! Hubby tubig nga! Sabi ni Bom habang paypay paypay niya ang kanyang mukha.

Anong gagawin natin hindi pa siya gumigising? Tanong ni Minzy.

No choice tayo! Kapag hindi siya nagising tayo ang haharap kay Amethyst na yan! Sabi ko

Don't you dare!

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon