kabanata 35 : field trip p.3

12K 292 7
                                    

Kinabukasan ....

Alas tres pa lang ng umaga ng magising si Gd. Halos hindi siya nakatulog sa sobrang saya. Napag isip niyang magluto ng almusal para kay Dara kaya agad siyang pumuntang kusina para makapag luto.

Dara's POV

Kanina pa ako nakatingin sa kisame. Naaalala ko ang nangyari kagabi. Masaya ako nang nakita ko siyang lumuha dahil sa sobrang saya. Hindi ko maitatagong mahal na mahal ko na siya. Tumayo ako at pumunta sa veranda. Nang buksan ko ang sliding door ay dumampi agad sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap pagmasdan ng kalmadong dagat at ang buwan.

Mga ilang minuto narin ako sa ganung posisyon ng makaramdam ako ng uhaw. Bumaba na ako sa kusina at naabutan ko si Gd na nakatalikod at may suot na apron. Messy hair at naka boxer shorts lang ito at naka sando na kulay puti. Kitang kita mo ang hubog ng katawan niya. Hindi naman masama kung pagnasaan ko siya kahit sa aking isip lamang. Tahimik at maingat akong lumapit sa kanya. Niyakap ko siya patalikod. Naramdaman kong nagulat siya.

Good morning po sabi ko sa kanya at mabilis na hinalikan ang kanyang pisngi.

Binitawan niya ang hawak niyang sandok at hininaan ang kanyang niluluto.

Good morning din po babygirl mabilis siyang humarap sa akin at kinulong ako sa mga bisig niya at hinalikan sa aking labi. Sinilip ko ang kanyang niluluto.

Mukhang masarap yan ah sabi ko sa kanya habang nilalanghap ko ang niluluto niya.

Kinuha niya ang sandok at nagsimula ulit siyang magluto habang ang isang kamay niya ay nasa bewang ko.

Syempre naman para sa reyna ko. Kaya umupo ka na doon at hintayin mo ito malapit na to matapos nang makakain na tayo. Baka hindi ako makapagpigil at ikaw ang gawin kong almusal. Pilyong sabi niya.

Doon na tayo kumain sa kwarto ko. Sa may veranda tayo mas maganda ang view dun. Kuha lang ako ng mga plato isunod mo na lang yan doon ah kumuha na ako ng dalawang plato at mga utensils na gagamitin namin at pumunta na sa kwarto ko para makapag ayos ako sa veranda.

Saktong nakaayos na ang mesa ng pumasok si Gd na may tray na dala. Umupo na kami at nagsimula nang kumain. Kwentuhan lang kami habang kumakain. Nang matapos na kaming kumain ay tumayo ako at sumandal sa railings. Tumabi naman siya sa akin at niyakap ako.

I wish we will always be like this. Bulong niya sa tenga ko. Humarap ako sa kanya at pinatong ang mga kamay ko sa balikat niya.

What if, may malaman ka tungkol sa pagkatao ko kaya mo ba akong tanggapin? Sabi ko habang nakatingin ako sa mga kulay abo niyang mata.

Mahal kita. Kaya wala akong pakielam kung ano at sino ka pa. Sabi niya sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi. Naramdaman kong lalo niya akong inilapit sa kanya at lalong lumalalim ang mga halik namin.

Nagsimula ng lumikot ang kanyang mga kamay. Alam kong mali ito pero ayokong tumigil. Kaya nagpaubaya ako. Alam kong mahal niya ako at lalong mas mahal ko siya.

S..shit tumigil siya. Alam kong nahihirapan din siya dahil ang lalim ng kanyang paghinga.

Sorry paulit ulit niyang sinabi at hinalikan ako sa noo.

I love you sabi ko sa kanya. Hinarap niya ang mukha niya sa mukha ko.

I love you more at mabilis niya akong hinalikan sa labi. Humiwalay siya sa akin at tumalikod.

Shower lang ako. Hintayin na kita sa baba. Sabi niya at lumabas na ng kwarto. Humiga ako sa kama at inisip ang nanyari. Nagpagulong gulong ako sa kama sa sobrang kilig.

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ