kabanata 49: The Final Battle Part 2

9.7K 300 37
                                    

Dara's POV

A....anong ginawa mo sa kanya ? Tanong ni Amethyst na hanggang ngayon ay nakatulala parin dahil sa sinapit ni Garnet.

Ganyan pa lang ang nakikita mo. Wala pa yan sa kaya kong gawin at wala pa yan sa mangyayari sayo. Nararamdaman ko nanaman ang paghapdi ng balat ko sa likod. Nakatayo lang ako habang nasa gilid ko lamang ang katawan ni Garnet. Samantalang ang mga mata niya ay tinuhog ko gamit ang punyal na ginamit ko sa kanya.

Inangat ko ang punyal at inasinta si Amethyst ngunit mabilis siyang nakaiwas at tumama ito sa sandalan ni Rhie. Nanlaki ang mga mata niya at lumipat ng mauupuan samantalang inalis naman ni Gd ang punyal na may nakatuhog na mata at binalot ito ng panyo at sinenyasan ang isang underling niya.

Ngisi ang tanging nabigay ko sa kanya ng ako ay kanyang lingunin. Nang biglang sumigaw sina Pearl, Ruby at Saph. Nakatayo lang si Amethyst habang sumusugod ang kanyang mga kawal. Palapit na ang tatlo nang harangin ni CL si Saph.

Cl's POV

Teka lang saan ka pupunta ?

Hinarang ko ang aking kunai sa kanyang leeg dahilan para matigilan siya sa pagsugod.

Ibinaba ko ang kunai. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata.

Huwag ka ng umeksena sa kanila mas mabuti yung tayong dalawa lang. Pagbibigyan kita kung anong klaseng laro ang gagawin natin. sabi ko sa kanya

A..anong ibig mong sabihin? sabi ni Saph at bahagyang umatras

Dahil mabait ako ngayon papapiliin kita kung anong klaseng pagkamatay ang gusto mo. Mamamatay ka gamit ang kunai ko o mamamatay ka gamit ang mga kamay ko? binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at tumalikod sa kanya. Ngunit bago ako tumalikod nakita ko ang paghigpit ng kanyang mga kamay.

Ilang hakbang ang ginawa ko palayo sa kanya. Nakita ko kung paano paglaruan ni Dara sila Ruby at Pearl. Naramdaman ko na lang ang pagsugod ni Saph sa aking likuran. Bago pa man ako tamaan ng suntok niya ay iniwas ko ang aking ulo at sinalo ang kanyang kamao.

Not so fast whore ! twinist ko ang kamao niya dahilan para tumalikod siya habang ang isa niyang kamay ay nasa likod niya. Tinulak ko siya pero bago pa man siya tuluyang makalayo ay hinila ko ang buhok niya at nginudngod sa sahig.

Ilang segundo siya sa ganoong posisyon ng tumayo ulit ito.

Masakit ba ang paglaruan ka sa pangalawang pagkakataon? isang ngisi ang binigay niya sa akin.

Aaminin ko wala akong kakayahang matalo ka, hindi man kita matalo sa pisikalan, kaya naman kitang saktan sa alam kong paraan. sabi niya at may hinagis sa akin. Nasalo ko naman ito.

Mga larawan nila ni Sol. Masaya sila at kita mo sa kanila na masaya sila. Pero hindi sa mga iyon napako ang tingin ko, kundi sa isang larawang pareho silang nakahubad.

Naramdaman ko na naman ang sakit. Naalala ko na naman siya. Naalala ko ang pag-iisa namin at higit sa lahat naalala ko nang iwanan niya ako at ipamukha sa akin na isa lang akong laruan.

Bang ...

Nakaramdam ako ng pamamanhid sa aking braso ngunit wala akong maramdamang sakit. Tanging masakit lang ay ang aking puso.

Bang ..

Napaluhod ako ng may maramdaman ako sa bandang hita ko. Naririnig ko ang sigaw nila Bom at Minzy.

Nakita ko ang isang pares na paa sa aking harapan. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Saph habang nakatutok sa noo ko ang baril na hawak niya.

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora