kabanata 40 : 1st Package

8.3K 228 4
                                    

Dara's POV

Ilang linggo na rin ang lumipas simula ng ikasal si Bom. Kakabalik lang nila galing honeymoon.

Ilang linggo narin si Minzy iyak ng iyak tuwing gabi. Ayoko naman makialam dahil alam kong dahil ito kay Dy.

Mamaya ko sila kakausapin tungkol sa desisyon ko na buwagin na ang Blackjacks. Sinabihan ko na rin si Bom na sa kanila na lang kami pupunta para makapag usap usap. Doon na sila nakatira sa niregalo kong bahay.

Narinig kong may kumatok kaya pinapasok ko ito.

Nasa baba si Gd sabi sa akin ni CL. Naghilamos lang ako at ipinuyod ang buhok ko. Kakagising ko lang kasi. Hindi na ako nag ayos dahil tinatamad akong kumilos ngayong araw. Pagkababa ko ay naabutan kong nakangiti si Gd at may hawak na bulaklak.

Morning babygirl, flowers for you binigay niya sa akin ang mga bulaklak at hinalikan ako.

Dumaan naman si Minzy at inasar kami.

Tsk ang aga aga ang daming langgam parinig niya sa amin at pumunta ito sa kusina. Tignan mo itong babaeng ito halos hindi na makita ang mata kakaiyak nakuha pang magbiro.

Ikaw ah kausapin mo yang kaibigan mo. Araw-araw ko na lang naririnig na umiiyak yang si Minzy baka pag ako napuno dyan ibabaon ko yan sa lupa sabi ko kay Gd.

Sige. May gusto ka bang kainin? Wala ka bang ibang nararamdaman? Napatingin ako sa kanya. Anong klaseng mga tanong yan?

Huh? Sabi ko sa kanya

W...wala .. nagbabakasakaling buntis ka na rin sabi niya pero hindi ko narinig yung huli niyang sinabi

So bakit ka andito? Akala ko ba may aasikasuhin ka? Sabi ko sa kanya. Sabado kasi ngayon at sinabi niyang pupunta muna siya sa kompanya nila

Wala lang. Namiss lang kita. Bakit masama na bang bisitahin ka ? Siniksik naman niya ang ulo niya sa leeg ko. Parang bata lang na nagtatampo.

Baliw. Niyakap ko na rin siya. Nanood lang kami ng movies maghapon. Hanggang sa magpaalam na siyang uuwi.

Babygirl pwede bang matulog dito bukas? Paglalambing niya ng ihatid ko siya sa gate.

Ummm hindi pwede asar ko sa kanya

Please ? Puppy eyes pa ang loko. Akala mo naman tatalab sa akin yan. Pwes tumalab nga.

Sige. Basta behave ah ! Sige na uwi na shooo pupunta pa kami kila Bom sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Bitin dapat sa lips.

Bye baby see you tomorrow. I love you sabi niya sa akin at umalis na. Naghanda na ako para pumunta na kila Bom.

••••••

Gd's POV

Magpapahinga na sana ako ng biglang dumating si Top at nag aya maginuman. Tinanong ko lang siya kung alam ni Bom ito at nagsabi naman siya na aprubado daw dahil may lakad din si Bom.

Kinuwento ni Top ang buhay may asawa, pansin ko sa kanya na masaya siya lalo na may baby na siyang inaabangan. Si Sol naman kanina pa tingin ng tingin sa cellphone niya siguro dahil kay CL. Si Dy naman ay nagbago, naging babaero na ito ngayon.

Dy ! Tawag ko dito. Lumingon siya sa akin.

What's happening to you ? Lately ibat-ibang babae ang inuuwi mo dito. Tanong ko sa kanya.

What? As long as I'm happy wala naman masama diba? Sagot niya

Masaya ka nga, pero may nasasaktan sa ginagawa mo sabi ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin.

That's not my problem anymore sabi niya at ininom ang alak sa baso niya. Napayukom ang kamao ko sa inasta niya.

Coward sabi ko at sinuntok siya. Bigla din kaming inawat nila Rhie.

Hey chill guys pumagitna na sa amin si Sol. Hawak ako ni Top samantalang hawak naman ni Rhie si Dy.

Inalis ni Dy ang pagkakahawak sa kanya ni Rhie at pinunasan ang gilid ng labi nito na may dugo dahil sa pagkakasuntok ko.

Tsk. You know nothing Gd sabi nito at umakyat na. Ano ba ang dapat kong malaman? Nakita kong nagtinginan si Sol at Top hanggang may nag doorbell. Agad na lumapit si Rhie at sinilip kung sino iyon. Binuksan niya ang pinto at may nakitang katamtamang kahon. Iniabot niya sa akin dahil may pangalan ko iyon. Kinuha ko iyon at binuksan. May laman iyong dalawang folder. Isang kulay puti at isang kulay pula. Binuksan ko muna ang puting folder at nagulat ako sa nakita ko.

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now