Epilogue

162 6 3
                                    

Epilogue

"Celestia, dalian mo diyan at baka tanghaliin tayo!" rinig kong sigaw ni Tita Viena mula sa baba.

Pagkatapos magbihis ay nagmamadali akong bumaba kung saan ko nakita si Tita na naghihintay na sa akin.

"Huwag na po tayo masyadong gumasto, Tita. Kaunting salo-salo lang ho sana." aniya ko.

Tumango tango siya. "Sige na nga. Kaarawan mo naman ngayon eh."

Ngumiti ako habang tinahak na namin ang daan palabas. Nagpaalam na muna kami kay Manong Roger na siyang naggugupit ng mga halaman namin ngayon.

Kahit na ilang ulit kong sabihin kay Tita Viena na huwag nang masyadong gumastos para sa birthday ko ay tila hindi siya nakikinig. Laging ganoon ang asta niya kada kaarawan ko.

I'm turning twenty four today. Maraming nangyari sa ilang taon na lumipas. Bumalik kami ni Tita Viena rito sa dating bahay namin nina Mama. It took her a few months to adjust to this world dahil ilang decada rin siya sa Casta Haema pero nakaraos rin naman.

I've reunited with my friends here tulad nalang nila Carole at Manong Roger. Wala ring mintis kung bumisita si Cirrus dito. Hindi man araw araw ay sapat na para sa amin ang pag bisita niya once a month.

And everytime I asks him about Damien ay palaging wala siyang sagot. Tila ba iniiwasan niyang sagutin ang tanong kong iyon.

Tulad nalang ngayon ay dadating siya dahil kaarawan ko. I will keep asking him about Damien. Alam kong alam niya pero ayaw niya lang sabihin sa akin.

Nang makarating sa palengke ay kaagad kaming pumunta sa gulayan. Dito na namin naisipang bumili dahil mas mura at fresh ang mga paninda. At tsaka halos lahat ng kailangan mo sa pagluluto ay narito.

Si Tita ang namimili ng mga bibilhin habang nasa likod niya lamang ako at taga hawak ng kaniyang pinamili. Mabuti ay nagdala ako ng tote bag para hindi mahirap ang pagbibitbit.

Nang papunta sa meat section ay may bumangga sa aking isang bata na siyang ikinabitaw ko. Sabay ng pagbagsak ng bata ang pagkahulog rin ng iilang pinamili namin.

Hindi ko na muna pinansin ang mga nahulog na pinamili namin at pinuntahan ang bata upang tulungan tumayo. Pero sa oras na tumayo ito ay siya namang malakas nitong pag-iyak.

Si Tita Viena ang pumulot sa mga nahulog na binili namin at lumapit sa akin para tulungan akong patahimikin ang bata sa pag-iyak.

"Jusko po! Ayos kalang? Namumula ang tuhod mo." aniya sabay haplos na namumulang tuhod ng bata.

Mabuti nalang ay unti unti itong tumahan. Sumisinghot itong tumingin sa amin.

"Nasaan ang magulang mo? Ba't nag-iisa kalang?" tanong ko sa kaniya.

Tinulungan kong punasan ang basa nitong pisngi bago siya sumagot.

"I'm lost. I can't find mommy and daddy!" pagksabi non ay siyang pag-iyak nito muli.

Tumayo ako at humarap kay Tita Viena. "Tulungan muna natin itong bata. Kawawa naman kapag iiwan natin siya rito. Baka mapano pa."

Kaagad namang tumango si Tita. "Of course. May malapit na police station rito diba? Tara."

Hawak hawak ko sa kamay ang umiiyak na bata habang naglalakad kami papunta sa malapit na police station. Nang makarating ay kaagad kong hinarap ang bata.

"Hush now. Your mom and dad will be sad if they see you crying. Tahan na." pinunasan ko ang kaniyang pisngi.

"When will I see mommy and daddy?" tanong niya.

Silent Sinister ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt