Chapter 6: Problem

110 2 0
                                    

Chapter 6: Problem

Nakasalubong ko si Lizette na lumabas ng faculty room. Ang nakabusangot niyang mukha ay nawala nang makita niya ako.

"There you are! Ang tagal mo naman. Kanina pa ako inuutusan ni Ma'am. Gusto ko nang umalis." reklamo niya nang makarating sa akin.

Ngumiti lamang ako. Hindi ko na sinubukan pang sabihin sa kaniya ang nangyari sa Laboratory Room dahil ayaw ko pang ma-ungkit iyon. At tsaka, nangako akong hindi ko na balak pang masalamuha ang lalaking iyon.

Tulad nang sinabi ni Lizette ay isinama niya ako papunta sa bakery na tinatrabahuan niya. Malapit lang raw iyon at pwedeng pwedeng lakarin pero dahil tinatamad raw siyang maglakad kaya naman nag commute nalang kami.

Huminto ang sasakyan sa harap nang isang hindi kalakihang bakery. Lumabas na kami at nagbayad.

Kaagad akong hinila ni Lizette papasok sa loob ng bakery at tumalon talon pa na parang excited na pumasok.

"Halika na, Celestia. Ipapakilala kita kay Tita Christine!" aniya habang sumusunod ako sa kaniya.

Hindi ko mapigilang kabahan. Will her boss like me? Sa isang taong katulad ko? Paano kung hindi ako tanggap tulad ng pagtanggap sa akin ni Lizette? Hindi ko alam kung may makukunan pa akong trabaho dito.

Mukhang napansin naman ni Lizette ang aking ninenerbyos na mukha. "Ano kaba, Celestia! Mabait si Tita Christine noh!"

Nginitian ko lamang siya para hindi na niya mapansing kinakabahan ako. Pagbukas niya palang ng glass na pinto ay amoy na amoy na kaagad ang pinaghalo halong amoy ng mga tinapay at kape. The fresh aroma lingers throughout the whole room.

Tahimik ang buong bakery at kakaunti pa lamang ang mga customers. May dalawang babaeng nasa counter. Ni-greet sila ni Lizette at bumati naman sila pabalik samantalang ako ay ngumiti lamang at bahagyang ipinilig ang ulo.

May hinawi siyang kurtina at sa tingin ko ay ito na ang kanilang kusina. Mas lalong lumakas ang mabangong amoy nang binabake na tinapay.

Sa isang kitchen counter ay makikita ang isang middle age woman na nagfla-flatten ng dough gamit ang rolling pin. Base sa kaniyang mukha ay mga nasa mid 40s na ito.

"Tita Christine, good afternoon! Eto nga pala si Celestia. Iyong sinasabi ko sayong friend ko na transferee." bungad niyang salita.

Nabaling sa amin ang tingin niya. Nagpunas muna siya ng kamay sa kaniyang suot suot na apron bago naglakad patungo sa amin.

Ngumiti siya nang makita kami. Kahit na medyo may wrinkles na siya ay napakaganda niya pa rin.

Huminto siya sa harap namin at inilipat ang tingin sa akin. Pinasadaan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"What a pretty girl. Mabuti nalang at nakilala ka ni Lizette. Kailangan talaga namin ng isa pang babaeng empleyado." aniya sabay ngiti sa akin.

Ang kabang kanina pa namumuo sa aking loob ay biglang nawala. Laking pasalamat ko nang makitang tanggap niya rin ako. Akala ko talaga hindi niya ako tatanggapin dahil una, bago lamang ako nakilala ni Lizette, pangalawa, isa akong tao. Hindi nila kauri. Tama nga ang sinabi ni Tita Viena, mayroon din palang mga mababait na bampira sa mundong ito.

Lumipas ang ilang mga araw at nagsimula na nga akong magtrabaho. Mga tatlong araw ako nila tinuruan sa mga basic at sa pagbebake ng tamang bread para sa mga customers. Taliwas sa aking inaasahan ay naging masaya at maganda ang mga unang araw ko sa bakery nila. Apat kaming lahat na babae na nagtratrabaho. Paminsan minsan ay tumutulong rin iyong anak na lalaki ni Tita Christine. Katulad nilang lahat ay tanggap nila ako.

Silent Sinister ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang