Prologue

380 2 0
                                    

Prologue

Nasa kalagitnaan kami nang Physics subject at halata sa buong klase namin na walang nakikinig. Makikita sa mukha nang mga kaklase ko na bagot na bagot na sila. I can't blame them. Eversince we had the math subject, it became one of the most difficult subject to learn.

Kung sa math palang ay wala ka nang maintindihan pano na lamang ang sa physics. Math, Science, Trigonometry, etc. lahat nang mga pinagsama samang subject na kinamumuhian mo ay nasa iisang subject, that's Physics.

Although some people like it. Truthfully, if you understand it, learning a particular subject especially math is fun.

Tumingin ako sa aking relo at napansing 3:45pm na. Overtime na naman itong si Sir Vergara, our physics professor.

Pinasadahan ako nang tingin ni Carole, ang naiisang kaibigan ko sa klase na ito. Itinuro niya si sir Vergara na nagtuturo pa rin at tila walang kamalay malay na kanina pa siya nago-overtime.

She mouthed me "overtime na naman si sir". Umiling iling lang ako at sinabing kausapin ang aming president na katabi niya upang sabihan si sir na time na.

Tumalikod na siya sa akin upang bulungan ang president namin. Tumingin ito sa orasan bago itinaas ang kaniyang kamay.

"What is it, Ms. Roxas?" tanong ni Sir Vergara.

Itinuro nang aming president ang kaniyang relo bago sumagot. "It's time napo, Sir. Fifteen minutes na po kayong overtime."

Nagulat namam si Sir Vergara at tinignan din ang kaniyang relo. "Oh my bad. Medyo napataggal ata ang pagtuturo ko." paumanhin niya.

Kinuha na niya ang kaniyang bag. Nagpaalam na kami sa kaniya bago siya tuluyang lumabas nang classroom.

I understand that he must have enjoyed teaching kaya hindi niya napansin ang takbo nang oras. Medyo matanda na din kasi si Sir Vergara kaya makakalimutin na din minsan. Besides that, he's a great professor. Madaming may gustong estudyante sa kaniya dahil sa linaw niyang magturo. He's also a very generous teacher kasi gumagawa talaga siya nang paraan para makapasa ang lahat nang kaniyang estudyante sa kaniyang subject.

Mga isang minuto lang ang lumipas ay pumasok na ang susunod naming klase. Biology.

It's been thirty minutes ay ganoon padin ang estado nang klasroom namin. As usal, bagot padin ang mga kaklase ko. Sino ba naman ang hindi mababagot kung magkasunod na mahihirap ang subject niyo.

Nasa kalagitnaan ako nang pagsusulat nang biglang nag vibrate ang selpon ko. Isang unregistered number ang lumabas. Kumunot ang noo ko. I don't take unregistered number kaya mabilis kong kinansela ang tawag bago ito ibinalik sa aking bulsa.

Muli itong nagvibrate kaya pikon kong kinuha ito muli. Who's this annoying person. Di ba niya nakitang di ako tumatanggap nang stranger calls.

Nakita kong huminto ang tawag at isang text ang lumabas sa notification ko from the same unregistered number. Binuksan ko ito.

From: 0000-0000-009

This is Dr. Crawler, I changed my number. It's a emergency, Ms. Sinclair. We're informing you that your mother is currently missing. She's nowhere to be found in the hospital. Do you perhaps know where we could find her?

Pagkabasa ko palang nang text ay kaagad akong lumabas nang klasroom. Narinig ko pa ang tawag ni Carole sa akin pero hindi ko na nagawang lumingon.

Shit! Where did you go mom?

Lalabas na sana ako nang campus nang harangan ako nang isang guard. Oh no, not now.

"Saan ang punta mo? Oras nang klase ngayon ah."

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now