Chapter 15: Ensue

84 3 0
                                    

Chapter 15: Ensue

Hindi ko magawang gumalaw sa aking kinatatayuan dahil sa aking nasaksihan. Ipinagsiklop ko ang nanginginig kong mga kamay habang nakatitig lamang sa lalaking nakahiga ngayon at naliligo sa sarili nitong dugo.

Hindi maproseso nang aking utak kong ano ang nangyari. It happened in just a matter of seconds. It was so fast that it can't almost be seen by your naked eye.

Hindi ako pwedeng magkamali. Mabilis lang iyon pero sigurado ako sa aking nakita. Damien's nail became sharp like knives. Naging kulay itim rin ang dulong bahagi nang daliri nito. His eyes were bloodshot red and his fangs were longer and sharper than the last time I seen it.

In a blink of an eye, multiple scratches can be found in the dead man's body. There's no mistaking it.

Nakamulagta ang mga mata nang lalaki at unti unti itong nagiging kulay pula. May lumalabas na dugo mula sa maputla nang bibig nito. The blood from the scratches of his body won't stop oozing out.

Naalis ang tingin ko sa lalaki nang makitang papalapit si Damien sa akin. Puno nang dugo ang kaniyang katawan. The sharp claws, fangs, and his red eyes are now gone. Muling bumalik sa pagiging kulay ginto ang kaniyang mga mata.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang aking katawan nang makita siyang papalapit sa akin. He was about to reach my face with his hand but stopped when he saw me backing away from him.

"You're scared of me." It wasn't a question but a statement.

Hindi ako sumagot. Pinunasan ko ang basa kong pisngi at nanatiling nakatayo. Hindi rin siya gumalaw.

"Dame!" Sabay kaming napalingon ni Damien sa tumawag. Patakbong lumapit sa amin ang dalawang lalaking kasama ni Damien kanina sa table. Panandalian silang sumulyap sa wala nang buhay na lalaki bago ibinaling ang tingin kay Damien.

"What happened?" tanong nang kasama nitong lalaki.

Hindi sumagot si Damien. He gave me a glance before walking towards the two guys and whispered something in them. Maya-maya ay sabay silang tumango bago umalis.

Muling naglakad papunta sa akin si Damien. I was just blankly standing there while waiting for him to come my way. Panandalian kaming nagtitigan bago siya nagsalita.

"I will call Cirrus to take you home." Hindi na niya hinintay ang aking sasabihin at mabilis na kinuha ang kaniyang cellphone at may tinawagan.

Pagkatapos nang tawag ay muling walang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Hindi maproseso nang aking utak na mayroon ngayong walang buhay na lalaki ang nasa aking harap. Wala pa isang metro ang layo.

I've seen people being killed before. Tulad noong unang araw ko rito. Sa tavern kung saan ako dinala ni Tita Viena upang patunayan na totoo ang mga bampira. Upang patunayan na wala na ako sa mundo ng mga tao kungdi nandidito na ako sa kanilang mundo.

Pero ito ang kauna-unahang pangyayari na nakasaksi ako ng brutal na pagpatay. I still can't believe that I just saw someone's flesh being ripped apart. Blood flowing like river and bathing its owner's body. Kahit gaano ko kumbinsihin ang aking sarili ay hindi ko magawa. Dahil alam ko sa sarili kong totoo ang lahat nang nangyari.

Napatingin ako sa nilalaro kong mga daliri. Hindi parin maalis ang panginginig sa aking katawan. Takot. Iyon lang ang tanging nararamdam ko.

Napahinto ang tingin ko sa mga nanginginig kong kamay nang may maramdamang malamig na palad sa aking makabilaang pisngi. Unti unting umangat ang aking ulo at kaagad na sumilang ang mukha ni Damien. He's showing a emotion that I couldn't read. It was not anger nor sadness. It was something that I haven't seen before.

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now