Chapter 4: New Friend

125 4 0
                                    

Chapter 4: New Friend

Lumipat lipat ang tingin nang lalaking nangangalang Cirrus sa aming dalawa ni Tita Viena. Tila nagtataka kung bakit magkakilala kaming dalawa.

Nagkatinginan pa silang dalawa. Mukhang naghihintay nang sagot mula kay Tita Viena ngunit ng hindi siya sumagot ay unti unting lumaki ang mata ng lalaki na tila may nadiskubre.

"Don't tell me..." base sa kaniyang boses ay mukhang may nadiskubre itong napakalaking sikreto. Teka, wala akong naiintindihan sa nangyayari.

Kaagad na nagpanick si Tita Viena at nilakihan ng mata ang lalaki na tila sinasabihang huwag itutuloy ang kung ano mang sasabihin nito. Sabay niya kaming hinawakan sa kamay at hinila papasok sa loob ng kaniyang bahay.

Nang maisara ang pinto ay lumingon si Tita Viena sa akin. Kunot noo akong tumingin sa kaniya at hihinitay ang kaniyang explanation.

"Ah ano, Celestia, umakyat ka muna sa kwarto mo." bakas sa mukha ni Tita Viena ang panik habang ang lalaking nangangalang Cirrus ay diretso lamang na nakatingin sa akin na tila may kinukumpirma.

Kahit na madami akong katanungan ay sinunod ko na lamang siya. "Sige po."

Habang papaakyat ay nakasunod parin ang mga mata nung Cirrus sa akin hanggang nawala sila sa aking paningin dahil sa paghila sa kaniya ni Tita Viena.

Pagkapasok ko sa kwarto ay kaagad kong hinubad ang aking suot-suot na balabal at inilagay muna sa study table ang mga pinamili kong gamit. Pagkatapos ay pagod akong humiga sa aking kama.

Masyadong nakakapagod ang araw na ito. Hindi ko akalaing marami ang nangyari at lahat ng iyon ay hindi maganda. Ganoon ba talaga ako ka malas na hanggang dito sa mundong ito ay malas pa rin?

Bumuntong hininga na lamang ako. Ipinikit ko ang aking mata upang magpahinga muna sana saglit pero mukhang napagod ata talaga ako ng husto kaya bumigay ang aking katawan at tuluyang nakatulog.

Nang makagising ay kinusot kusot ko pa ang aking mata. Sumulyap ako sa wall clock at nakitang alas syete na ng gabi. Halos mag-iisang oras pala akong nakatulog. Nasa ibaba pa kaya ang lalaking iyon?

Humihikab pa ako habang pababa ng hagdan. Kaagad kong naamoy ang mabangong niluluto ni Tita Viena kaya kaagad na lumiwanag ang mukha ko at kumaripas ng takbo patungong kusina.

"Dahan dahan lang, Celestia. Tayo lang dalawa ang kakain. Hindi ka mauubusan." natatawang saad niya nang makitang tumakbo akong pumunta dito.

Nilinga linga ko ang paligid. Kumunot ang aking noo. "Nasaan napo yung lalaki?" tanong ko.

Inamoy muna niya ang kaniyang niluluto bago sumagot. "Ah si Cirrus ba? Naku, ka-aalis lang niya."

Tumango tango ako at umupo sa upuan habang hinihintay si Tita Viena na matapos sa kaniyang niluluto. Cirrus huh? So iyon ang kaniyang pangalan.

"Paano kayo nagkakilala, Tita? Base sa nakita ko kanina ay bampira siya." hindi ko mapigilang magtanong. Napatigil naman siya sa paghahalo. Hindi niya alam kung sasagot ba siya o hindi.

"Ilang taon na ako dito. Hindi maiiwasang may makikilala akong mga tulad nila. At tsaka..." huminto siya. Pumikit siya at may ibinulong sa kaniyang sarili na hindi ko marinig.

"Tsaka?..." hinihintay kong dugtungan niya ang kaniyang sasabihin ngunit umiling lamang siya bago pinatay ang stove. Dala dala niya ang niluluto at inilapag ito sa lamesa.

"Let's eat." tanging saad niya.

Nagsimula na rin akong kumain. Hindi ko siya nilubayan ng parehas na tanong na iyon pero bawat bigkas ko ay iniiba niya ang topic. Kaya kalaunan ay itinikom ko na ang aking bibig. Baka isipin niyang masyado akong palatanong at baka mairita na siya.

Silent Sinister ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora