Chapter 16: Spill

85 4 0
                                    

Chapter 16: Spill

Today is monday again. Tulad ng sinabi ko ay nagpahinga lang ako buong araw kahapon. Pero mukhang ang bilis lamang ng oras dahil tila hindi ito naging sapat upang bumalik sa magandang kalagayan ang aking katawan.

Pagkatapos gawin ang aking mga gagawin sa umagang ito ay nagpaalam na ako kay Tita Viena na aalis na. Tulad nang lagi kong gawi ay naghintay ako sa labas ng bahay upang pumara ng taxi.

Nang makakita ay kaagad akong pumara. Gladly, it stopped infront of me. Kaagad akong sumakay. The whole 30 minutes of ride was peaceful. Hindi ako kinakausap ng driver hindi tulad nang mga usual na nasasakyan kong taxi dahil ang iba sa kanila ay madadaldal.

Nang makarating sa school ay kaagad akong nagbayad at bumaba na ng sasakyan. Naglakad na ako sa kalawak lawak na field ng campus upang marating ang una kong klase ngayon. Kung minamalas ka pa naman ay talagang sa 3rd floor pa ang room ko ngayong araw.

Sumilip ako sa hawak hawak kong phone kung saan makikita ang napakaraming text mula kay Lizette. Kahapon pa siya text ng text at kahit na sabihin kong okay lang ako ay hindi niya ako nilulubayan. Napailing nalang ako at ibinulsa ang phone na hawak bago dumirteso sa hagdan.

The school has a elevator but it's only exclusive to the higher ups. Ironic right? Ang mga nasa baba ay magpapakahirap pang maglakad sa hangdan para puntahan ang kanilang mga designated rooms. Kawawa naman iyong mga nasa fifth floor ang classroom.

But I guess it's not a problem to them. They have the speed and strength to do it so it doesn't really matter. Ang kawawa lang ay ang mga tulad kong tao dahil siguradong hihingalin kami paakyat.

Tulad ko nalang ngayon. Halos magpasalamat ako ng makarating na ng third floor. Pinunasan ko ang aking pawis sa noo bago nagpatuloy sa paglalakad.

Dumiretso na ako sa subject ko ngayon. Maaga ako kaya wala masyadong tao. Kahit na si Lizette ay hindi pa dumadating. Hindi na nakakapanibago iyon dahil palagi naman iyong late.

Umupo ako sa table malapit sa binata. I don't have any friends except for Lizette so pag wala siya ay palagi lang akong nag-iisa. I don't mind being alone to be honest. Mas gusto ko nga iyon dahil walang sagabal at wala ring ingay.

I was just sitting there for ten minutes before Lizette finally showed up. Ako kaagad ang una niyang nakita at halos lakad takbong lumapit sa akin.

I already expect her to rain me questions kaya inunahan ko na siya. Ako ang nagtatanong sa kaniya. At hindi na ako nagulat nang malaman na napakababaw ng dahilan kung bakit siya nawala kagabi sa club. Napasamo nalang ako sa kaniyang rason.

"So that's why I was not on the dance floor!" pagtatapos niya sa kaniyang kwento.

This girl, really. Sinabi niya lang naman sa akin na kaya pala siya nawala ay may nakita siyang gwapo sa dance floor at dinala siya sa vip room ng lalaki. I have no idea what they did there and I don't wanna know.

Pero hindi iyon ang pinagusapan namin. Nang lumabas raw siya ng vip room ay hinanap niya rin daw ako. I was nowhere to be found that time dahil iyon ang oras kung saan hinila ako ng lalaki sa likurang bahagi ng club. Pareho pala kaming naghanapan.

She asked about where did I go so I told her everything. Lahat ng nangyari habang wala siya. How the guy harrased me dragged me at the back part of the club. Kung paano malapit nang matuloy ang masamang binabalak nito. Of course, I did not includ the part where I kissed Damien. No way, hinding hindi ko iyon ipagsasabi kahit kanino. I already embarrassed myself enough.

Lizette was shocked while she's listening to my story. Ang masaya niyang mukha ay nawala dahil tulad ni Cirrus ay sinisisi niya ang kaniyang sarili. I told her it was fine. Wala naman talaga siyang kasalanan. Walang may gustong mangyari iyon nangyari kagabi.

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now