Chapter 12: Dinner

94 4 1
                                    

Chapter 12: Dinner

Lumipat kami ni Lizette sa aking kwarto. Lumingon ako sa kaniya na humahagikhik ngayon habang nakadapa sa aking higaan at nakatutok ang tingin sa kaniyang cellphone.

"Anong tinatawa-tawa mo jan?" hindi ko mapigilang magtanong. Sinusubukang silipin kung ano ang nasa kaniyang phone.

Lumingon siya sa akin at nagulat nang nasa likod niya ako. Mabilis niyang tinakpan ang kaniyang phone gamit ang unan ko. Tumaas ang aking kilay.

"May ka-text ka noh?" obvious naman dahil mukhang kanina pa ata to type ng type sa phone niya at tumatawa mag-isa.

"Just some guy." iyon ang kaniyang sagot.

Umalis ako sa kaniyang likuran at nagtungo sa upuan ng aking study table at kinuha ang aking tuwalya.

"Sus, kaya pala. You need to learn your lesson, Liz. Half bath muna ako." iyon ang huli kong sinabi bago tumungo sa banyo at naligo.

Pagkalabas ko ng banyo ay ganoon parin ang puwesto niya. Humahagikhik parin siya bawat type niya ng text. Umiling iling ako kaya tumingin siya sa akin.

"Just this time." she mouthed me while pointing at her phone.

Hindi na ako sumagot at umupo muna sa aking study table at nag brush ng buhok. Inabot ko ang aking cellphone at nanood muna ng mga videos. Napangiwi ako kung ano ang meron sa social media. It's just full of posts and videos about our kind. Hindi na ako nagulat na hindi maganda ang mga post doon. Hindi naman lahat puro ganon pero most of them are.

Ibababa ko na sana ang phone ko nang naramdamang nag-vibrate ito. Tinignan ko ang aking notifications at nakitang nag text si Cirrus. Kaagad ko itong binuksan.

From Cirrus:

Yo! Finally got your number. I guess Tita Viena is slowly making a move.

Napakunot ang noo ko. Hindi maintindihan kung ano ang kaniyang tinutukoy. Muling nag-vibrate ang phone ko senyales na may karagdagan siyang text.

From Cirrus:

Anyway, I'm on my way there. Sabihan mo si Tita na wag masyadong sarapan iyong ulam at baka hindi ako makauwi at maubos ko lahat.

Mahina akong napatawa sa kaniyang text. Loko. Umayos ako ng upo at nag reply sa kaniya.

To Cirrus:

Bakit ba dito ka kumakain? You live in the palace, right? Siguradong maraming masasarap na ulam diyan na pwede mong mapagpilian.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagsusuklay sa aking buhok habang hinihintay ang kaniyang reply.

From Cirrus:

Nah, I still prefer Tita Viena's cooking. They're superb. At tsaka, no way! Hindi ako nakatira sa palasyo. We have our own mansion. Kung doon ako titira ay baka mag away lang kami ni Damien. Mahi-highblood ata ako sa katigasan ng ulo ng isang yon.

Umiling iling lamang ako at nakangiti habang binabasa ang kaniyang text. Reasonable naman ang dahilan niya. Nag type na ako ng panghuling text dahil alam kong nagda-drive siya.

To Cirrus:

Alright. Stop texting. Baka mabangga ka sa ginagawa mo.

Hindi ko na hinintay ang kaniyang reply at pinatay na ang aking cellphone bago ito binaba.

Inilipat ko ang aking tingin sa aking kama kung saan si Lizette pero kumunot ang aking noo nang makitang wala na siya roon. Nagulat nalang ako nang maramdaman siya sa aking likod. Nilingunan ko at nakita siyang nakatayo nga sa aking likod habang mapangusisang nakatingin sa akin.

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now