Chapter 22: The Camp

75 2 0
                                    

Chapter 22: The Camp

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nang dumating ako sa campus ay nakita ko kaagad ang tatlong bus malapit sa gate. Nakatumpok na roon ang mga estudyante at tila hinihintay nalang ang iba pang mga guro.

Nakita ko kaagad si Lizette na kinakausap ang isang grupo ng mga babae. Nang makita ako ay kaagad siyang kumaway at sinenyasan akong lumapit sa kanila.

I was hesitant at first. I never really get along with anyone in the school except Lizette. They still give me those cold and judgmental looks. Although, it doesn't bother me anymore like it does months ago. Ngayon ay sanay na sanay na ako sa mga mapanghusgang tingin nila.

Sa huli ay sumunod nalang ako. Wala namang problema sa akin kapag nandyan si Lizette. She will keep them entertained.

We had a few talk with them for a while. They we're really friendly. Kabaliktaran ng inaasahan ko. I'm starting to think that maybe this school isn't bad as I think it is at all.

Nang dumating ang mga hinihintay naming guro ay kaagad na kaming naghanda. Ang aming mga bagahe ay nailagay na sa baggage area ng bus. Good thing the bus was air conditioned so we won't be having a problem with heat. Ngayong ilang oras pa man din ang byahe namin.

Our teacher told us where we are going to held the camping. Sa may bundokin raw ito. They told us the name of the mountain but I'm not really familiar with it.

First, I was starting to worry. Hindi ko alam ang lugar na pupuntahan namin pero mula sa mukha ni Lizette ay mukhang alam niya naman ata kung nasaan iyon.

"Saan iyong lugar, Liz?" tanong ko. Sinulyapan niya naman ako.

"Ah iyong Mt. Onis? It's in the south west part. Medyo malayo iyon sa Casta Haema. Mga three hour ride ata." sagot niya sa aking tanong.

Three hour ride? Hindi ko alam na ganoon pala kalayo ang pupuntahan namin. I never expect na lalabas kami ng bayan. I've never been outside the Casta Haema before.

Lizette saw my bothered face kaaya kaagad siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Hey, it's okay. They held the camping there every year. There are no threats there. I promise." paninigurado niya sa akin.

I nodded. Alam ko naman iyon. Hindi naman nila roon i-he-held ang camping kung hindi iyon safe.

Nginitian ko si Lizette para masiguradong okay lang ako. I understand it. I just need to get used to it.

Nang dumating na ang mga guro ay kaagad na kaming ipinatawag para sumakay na sa kulay puting bus ng school. Nang masigurado nang kumpleto at nakahanda na lahat ng kakailanganin ay nagsimula nang umandar ang bus.

Habang bumabyahe ay naging maingay sa loob. Katabi ko si Lizette habang busy siya sa pakikipag-usap sa mga estudyanteng kausap niya rin kanina.

Gusto ko sanang buksan ang bintana para makalanghap nang sariwang hangin ngunit nakasara ito lahat dahil binuksan nila ang air conditioner. Nilalamig ako pero nang sulyapan ko ang mga kasama ko sa bus ay parang wala lang ito sa kanila.

Perks of being a vampire. They're immune to cold.

Buti nalang ay may dala akong jacket just in case. Kinuha ko ito sa loob ng bus at naisipang matulog nalang muna. We still have three hours until we get there. I need to make sure I will get enough sleep. Siguradong magiging busy kami mamaya pag dating.

Nagising ako dahil may yumugyog sa akin. Pagkabukas ko ng aking mata ay mukha kaagad ni Lizette ang sumilaw sa akin.

"Hey, wake up. Nandito na tayo." aniya.

Silent Sinister ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя