Epilogue

13 0 0
                                    

Isang linggo na mula nang nakabalik ako sa'min. At mula nang makabalik ako, ch-in-eck ko kaagad sa social media kung may Alistair Chandler Valderrama ba na nag-e-exist.

May iilan siyang kapangalan pero hindi ko talaga siya makita. Ayaw kong isipin na posibleng hindi nga siya nag-e-exist sa universe ko kaya inisip ko na lang na baka wala siyang social media sa universe na 'to.

Pero sino bang niloloko ko, 'di ba?

Normal naman ang lahat mula nang makabalik ako. Kahit pa hindi na rin nag-e-exist si Mama sa universe na 'to, tanggap ko nang wala na siya at hindi na siya babalik kahit kailan.

Sa school naman, si Gianna na ulit ang best friend ko. Hindi ko maiwasan minsang isipin 'yong Gianna na nakilala ko sa ibang universe na isang multiverse guide pala.

Siguro naman alam na niyang nakauwi na ako kaya't wala na siyang aalalahanin pa.

May inirereto rin pala sa'kin si Gianna na nagngangalang Joao. Pinakita niya sa'kin ang picture nito at masasabi kong okay naman siya.

Pero hindi talaga ako interesado kaya't tinanggihan ko ang alok niya.

Sa totoo lang, hindi pa rin ako maka-move on mula sa nangyari sa'min ni Alistair. Alam kong hindi ko na siya ulit makikita pero hindi ko rin naman siya makalimutan nang ganoon lang kadali.

Palagi pa ring sumasagi sa isip ko si Alistair at lahat ng pinagsamahan namin sa ilang araw na pananatili ko sa universe niya.

Aaminin ko na nami-miss ko siya. Minsan hinanap ko ang number niya sa phone ko pero wala talaga. Alam ko naman 'yon pero nagbaka-sakali pa rin ako.

Kumusta na kaya si Alistair sa universe niya? Alam kong nalimutan na niya ako at bumalik na 'yong original na alaala ng Daneirys na version ko sa universe niya—iyong patay na ako.

Mula rin nang makabalik ako, hindi ko minsan maiwasan na tumingin-tingin sa paligid ko at nagbabaka-sakali na makasalubong ko 'yong version ni Alistair sa universe ko.

Pero sa pagdaan ng mga araw, nawalan na rin ako ng pag-asa. Pakiramdam ko, pinapaasa ko lang ang sarili ko.

Ngunit alam kong darating ang araw na matatanggap ko na rin sa sarili ko na si Alistair ay tulad ng isang magandang panaginip. Hindi mo na gugustuhin pang magising o bumalik sa realidad dahil kapag nagising ka na, hindi mo na 'yon maibabalik pa.

-

Wala akong pasok ngayon sa school at gumagawa ako ngayon sa kuwarto ng project namin sa Arts and Literature.

Isang mosaic na gawa sa makukulay na papel. Matatapos na sana ako sa ginagawa ko nang mapansin kong kulang na ako sa colored paper at wala na rin akong glue.

Nagpalit lang ako ng pang-ibaba at kinuha ang sling purse ko para ilagay ang phone at wallet ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto at nakita ko si Papa sa sala.

"Pa, lalabas lang ako sandali. Naubusan ako ng materials sa project ko. Saglit lang ako."

"Sige, Iris."

Pagsuot ko ng tsinelas ay agad akong lumabas ng bahay pero natigilan ako nang makita kong umuulan pala.

Kinuha ko ang payong na nakalagay malapit sa pinto namin. Binuksan ko ito saka naglakad na ako paalis.

May bookstore naman na malapit dito. Ilang lakad lang paglabas ng compound namin.

Halos basa na rin ang mga paa ko habang naglalakad sa gitna ng ulan.

Mayamaya naman ay may nakasalubong akong lalaki na nakatalukbong ng itim na jacket dahil wala itong payong.

Napahinto ako dahil parang pamilyar sa'kin ang hitsura ng lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko at dahan-dahan akong lumingon.

"Sandali," tawag ko sa kanya.

Kinabahan naman ako lalo nang huminto 'yong lalaki.

Paglingon niya sa gawi ko ay halos malaglag ang puso ko nang makita ko ang mukha niya.

"Alistair?"

Nakatingin lang siya sa'kin at bakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Alistair, ikaw ba 'yan?"

Hinahapo ako at pakiramdam ko nag-iinit ang mga mata ko.

Nandilat ang mga mata ko nang makita ko ang bracelet na suot niya. Katulad din ito ng bracelet na suot ko. Oo, suot ko pa rin 'yong couple bracelet na niregalo ko noon kay Alistair.

Biglang nabalot ng pag-asa ang puso ko nang makita ko 'yon. Siya nga ba talaga si Alistair? Pero bakit parang kung umasta siya ay hindi niya ako kilala.

"Sorry, miss. Ako ba kausap mo?"

Nagulat ako sa sinabi nito. Mukhang hindi nga niya ako kilala. Hindi naman ako makaimik sa kanyang sinabi kaya tumango na lang ako.

Napakunot naman ang noo niya. "Sorry, miss. Pero hindi Alistair ang pangalan ko."

Nabigla ako sa tugon niya at mayamaya lang ay natawa ako nang pagak.

"Oo, tama. Sorry," saad ko.

Nakakunot ang noo niya habang tinititigan akong mabuti.

"Teka, nagkita na ba tayo dati?" tanong niya.

Ningitian ko lang siya at kasabay no'n ay tumigil na ang pagbuhos ng ulan at lumiwanag na ang paligid.


* * END * *

My Favorite Dream
Ellanne Jaeger

Date written: May 21, 2022
Edited: April 18, 2023
Date ended: May 27, 2023; 12:00 nn.

*Alistair and Daneirys,
signing off*

My Favorite DreamKde žijí příběhy. Začni objevovat