Chapter 2: The Sender

14 2 9
                                    

Tatlong araw pa ang lumipas pero hindi ko pa rin binubuksan ang mga sulat na pinapadala sa'kin ni Bryson. Nakaipon lang silang lahat sa drawer ko. Hindi ko rin siya makausap nang maayos sa school kasi minsan hindi tumutugma ang pagkakataon.

Pero madalas ay nahihiya lang ako.

Kasi naman, ito ang unang pagkakataon na makatanggap ako ng mga sulat mula sa isang lalaki. Hindi ko alam kung paano ia-approach si Bryson tungkol dito.

Apat na sulat na ang natatanggap ko dahil isang sulat kada araw siya kung magpadala.

"Eh, kung tinatanong mo na si Bryson tungkol sa letters na 'yan para hindi ka na mag-isip pa," sambit bigla ni Gianna.

Lunch break namin ngayon sa school at kumakain kami sa bench lane ng park.

"Nahihiya nga kasi ako. Love letters ba 'yon?" tugon ko naman sabay higop sa straw ng softdrinks ko.

"Obvious ba? Crush ka ni Bryson kaya pinapadalhan ka niya ng sulat. Old school panliligaw kumbaga."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Gia. May point siya ro'n. Pero kasi may part sa'kin na nagdududa pa rin.

"Hindi naman kami gaanong close ni Bryson. Saka hindi nga niya ako masyadong kinakausap sa school, eh. Kaya paano naman nangyari 'yon? Tapos sa bahay pa niya ako pinapadalhan ng sulat. Eh, puwede namang ibigay na lang niya sa'kin nang deretso," sambit ko.

"Malay mo nahihiya lang. Alam mo na? May pagkatorpe si kuya mo?"

Bumuntonghininga ako, "Ewan ko, Gia. Hindi ko na alam. Medyo naguguluhan pa rin ako."

"Hay nako, Iris. Kung ako sa'yo, komprontahin mo na kasi si Bryson kung bakit pinapadalhan ka niya sa bahay niyo ng sulat."

"Teka, binasa mo na ba 'yong mga sulat?" tanong niya bigla.

"Ah, hindi pa eh."

Pinandilatan niya ako ng mata, "Ha? Bakit naman?"

"Ewan ko. Natatakot kasi ako. Baka prank lang pala 'yon," sagot ko sabay tawa nang pilit.

Tumawa naman si Gia sabay hampas sa braso ko.

"Lukaret ka! Kung anu-anong iniisip mo. Bahala ka nga diyan," natatawa niyang sabi.

Pagkatapos namin mag-lunch ni Gia ay bumalik na kami sa classroom namin para sa susunod na klase.

Nakita ko naman agad si Bryson sa bandang hulihan at masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya bago kami tuluyang umupo ni Gia rito sa bandang unahan.

Nagdududa talaga ako kung sa kanya ba talaga galing ang mga 'yon dahil halos hindi nga niya ako pinapansin dito sa school.

Feeling ko tuloy parang prank lang ang mga sulat na 'yon. Pero kung prank lang 'yon, bakit naman siya mag-aaksaya ng oras at effort para lang lokohin ako.

Bumuntonghininga ako nang malalim. Baka mabaliw na ako nito kakaisip. Kaya naman napagdesisyonan ko nang komprontahin si Bryson mamayang uwian.

---

Paglabas pa lang ng prof namin ay agad ko nang hinanap si Bryson. Bigla kasi siyang nawala kaagad. Malamang doon siya sa kabilang pinto sa likod dumaan.

Kaya naman lumabas ako kaagad ng classroom para hanapin siya. Baka sakaling makita ko pa siya para makausap ko siya kaagad tungkol sa mga sulat.

Lakad-takbo ang ginawa ko sa buong building namin hanggang makalabas ako at makarating sa school park. At kalalakad ko, sa wakas ay nakita ko rin siya. Kasama niya ang mga kaibigan niya habang mga nakatambay sila sa isang puno ro'n.

My Favorite DreamWhere stories live. Discover now