Chapter 1: The Letter

28 3 8
                                    

"Nandito na ako, Papa!"

Masaya kong sambit pagpasok ko pa lang ng bahay. Nadatnan ko naman si Papa na lumabas mula sa kusina nang marinig niya ako.

"Oh, Iris. Mabuti nandito ka na," nakangiting salubong naman sa'kin ni Papa.

"Papa, nakuha ko na 'yong exam results ng midterm namin. Nakapasa ako sa lahat!" excited kong sabi.

"Talaga? Aba, ang galing naman talaga ng unica hija ko. Kaya dahil diyan, may ginawa ako para sa'yo," sambit naman ni Papa tapos ay bumalik siyang kusina.

Mayamaya lang ay may dala na siya pagbalik niya rito.

"Grilled cheese sandwich at pineapple juice," ani Papa sabay hain ng mga hawak niya sa mesa.

"Aba, hindi sunog ang tinapay ah!" natatawa kong sabi.

"Syempre naman, anak. Sinulat ko 'yong instructions kung paano gamitin 'yong toaster at dinikit ko sa ref natin," tugon niya sabay tawa.

Umupo na ako sa dining table at sinimulang kainin 'yong hinain sa'kin ni Papa na meryenda.

"Ang sarap nito, Pa."

Tumawa si Papa, "Mabuti naman at nagustuhan mo."

"Sigurado akong magugustuhan din 'to ni Mama," wala sa loob kong sambit.

Nang mapagtanto ko 'yong sinabi kong 'yon ay natigilan ako. Dahan-dahan kong ibinaba sa plato ang sandwich na kinakain ko at pakiramdam ko bumigat ang dibdib ko.

"Miss ko na si Mama."

"Iris, anak. Miss ko na rin naman ang mama mo," saad naman ni Papa sabay hagod niya sa likod ko.

"Kahit dalawang taon nang wala si Mama, nami-miss ko pa rin siya," sambit ko at pakiramdam ko ay umiinit ang paligid ng mga mata ko.

"Daneirys, wala sa tagal ng pagkawala ng isang tao ang pagka-miss mo sa kanya. Basta ang isang tao ay mahalaga sa'yo at mahal mo, palagi mo silang mami-miss pag wala na sila. Okay?"

"Sige na. Tapusin mo na 'yang pagkain mo at magbihis ka na," dagdag pa ni Papa.

Tumango naman ako bilang tugon at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Kumusta naman ang exam? Mahirap ba?" tanong ni Papa.

"Mahirap po para sa mga hindi nag-review," natatawa kong sagot.

"Oo nga naman," natatawa namang sabi ni Papa.

---

Papasok na sana ako sa kuwarto nang madaanan ko ang altar ni Mama. Nakalagay do'n ang urn ng abo niya at picture niya. Huminto muna ako at lumapit sa altar.

"Hi, Mama. Kumusta ka na diyan?"

Huminga ako nang malalim. Dalawang taon na mula nang mamatay si Mama dahil sa stomach cancer.

Dalawang taon na pero sariwa pa rin ito sa alaala ko na para bang kahapon lang nangyari. Ang maganda lang bago siya tuluyang magpaalam, nakangiti siya nang huli ko siyang masilayan na buhay pa.

Naramdaman ko na lang na may luhang umagos sa pisngi ko pagkatapos ay pinahid ko ito.

"You've fought a good fight, Mama."

Huminga ako muli nang malalim bago tuluyang pumasok ng kuwarto. Pagsara ko ng pinto ay nagbihis kaagad ako ng pambahay-paborito kong terno ng pajama na kulay mint green at may print ng Pusheen cat.

Pagkatapos ay nilabas ko ang notes ko sa Art History 1 ko at Typography and Layout 1 lecture notes ko nang umupo ako sa study table ko. Titingnan ko kung ano-ano ang susunod naming ita-tackle ngayong semifinals.

My Favorite DreamWhere stories live. Discover now