Chapter 3: Parallel

18 2 7
                                    

Nakatulala pa rin ako kay Mama habang patuloy na umaagos ang mga luha sa pisngi ko na parang walang katapusan.

Hindi pa rin ako makapaniwalang buhay si Mama, malusog at malakas, at nakatayo siya ngayon sa harap ko. Dahan-dahan niya akong nilapitan at bakas ang pagtataka sa mukha niya dahil siguro sa pag-iyak ko.

"Iris, anak. Bakit ka naman umiiyak, ha? May problema ka ba? May umaway ba sa'yo sa school?" pag-aalala niya habang hawak ang mga balikat ko.

Tiningala ko siya at agad na niyakap nang mahigpit. Na-miss ko 'to. 'Yong init ng yakap niya, 'yong malumanay niyang boses, 'yong amoy niya, 'yong ngiti niya... Lahat-lahat.

Para namang nalusaw ang puso ko nang maramdaman ko ang mainit at malambot na mga palad ni Mama na hinahaplos ang likod ko para patahanin ako.

"Na-miss kita, Mama. Sobra..."

"Anak, anim na oras pa lang tayong hindi nagkikita," tugon naman ni Mama sabay tawa nang kaunti.

"O siya tahan na. Kumain na tayo. Papasok ka pa sa school. Tatawagin ko lang papa mo."

Nang bitiwan ako ni Mama ay pinahid ko ang mga luha ko at ningitian siya. Umupo na ako sa hapag-kainan sabay pinuntahan naman ni Mama si Papa sa kuwarto.

Hindi ako makapaniwalang buhay si Mama. Kung panaginip lang 'to, ayaw ko munang magising. Gusto kong sulitin ang mga sandaling kasama ko si Mama.

Mayamaya lang ay dumating na sina Mama at Papa tapos ay pinagsaluhan na namin ang almusal na hinanda mismo ni Mama.

Naluluha ako habang kinakain ang mga luto ni Mama. Okay naman magluto si Papa. Pero mas masarap pa rin ang luto ni Mama. At hindi ko 'to ipagpapalit sa kahit ano man.

"Anak, okay ka lang ba?"

Napatingin naman ako kay Papa nang tanungin niya ako. Bakas ang pinaghalong pagtataka at pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa'kin.

"Hay nako, mahal. Ang weird ni Iris kanina. Kasi no'ng nakita niya ako, bigla na lang siyang umiyak sabay sabing na-miss niya ako," sabad naman ni Mama sabay tawa nang kaunti.

"Ikaw, Iris ha. Akala ko ba Papa's girl ka. Bakit biglang naging Mama's girl ka na yata?" biro ni Papa tapos ay sabay silang natawa ni Mama.

Napangiti na lang ako. Sobra kong na-miss ang ganitong eksena sa pamilya namin. Mula kasi nang mamatay si Mama two years ago dahil sa cancer, nahirapan kaming mag-adjust ni Papa.

Mama's girl naman talaga ako. Close din naman kami ni Papa, pero masasabi kong mas close kami ni Mama. Para kaming mag-bestfriend.

Ang weird naman ng panaginip na 'to. Pero masaya naman.

---

Nasa school na ako at naglalakad ako papunta sa classroom ko. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit wala ang number ni Gianna sa phone ko.

Pagpasok ko sa room ay wala pang prof kaya maingay pa ang mga kaklase ko. Nahagip naman kaaagad ng mga mata ko si Gia. Nakaupo siya ro'n sa isang sulok sa bandang likod.

Nagtataka lang ako dahil bakit ang tahimik niya ngayon? Samantalang madaldal 'yang si Gia at masiyahin. Nando'n lang siya sa isang upuan, tahimik at nag-iisa habang nagbabasa ng libro.

Naisip ko siyang lapitan at kausapin.

"Hi, Gianna," bati ko sa kanya.

Dahan-dahan naman niya akong tiningala. Nagtaka naman ako nang mapansin ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Daneirys Cordova?" tanong niya.

"Uhm, oo. Ako nga. Si Iris, bestfriend mo."

Lalo namang kumunot ang noo niya, "Ano? Bestfriend mo 'ko?"

My Favorite DreamWhere stories live. Discover now