Chapter 8: Stay Close, Don't Go

9 0 0
                                    

Bigla kong dinilat ang mga mata ko at nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kuwarto ko. Pagkatapos ay mabilis kong tiningnan ang mga kamay ko.

Nagtaka naman ako nang makita kong normal na ang mga ito. Napaisip tuloy ako kung panaginip lang ba 'yong nakita ko kagabi?

Napakibit-balikat na lang ako. Sa tingin ko, masyado lang akong pagod kahapon kasabay pa ng pag-o-overthink ko tungkol sa pag-uwi ko sa sarili kong universe.

Bumangon na ako at lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko si Mama na naghahanda ng almusal pero wala si Papa.

"Ma."

"Oh, Iris."

"Si Papa?"

"Pumasok na. Bakit?"

Umiling lang ako bilang sagot at umupo na ako sa harap ng mesa para kumain.

Pagkatapos ay naghanda na ako para pumasok sa school bago tuluyang umalis ng bahay. Less than ten minutes lang ang biyahe ko mula bahay hanggang school.

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang classroom pero pakiramdam ko parang nanlalabo ang paningin ko at parang lutang din ang isip ko.

Mayamaya ay nahilo ako kaya't napasandal ako sa pader. Ilang sandali naman ay may naramdaman akong umalalay sa'kin.

"Daneirys!"

"G-Gianna. . ."

Dahan-dahan niya akong dinala sa isang tabi.

"Ano pang ginagawa mo rito? Wala ka na dapat dito, 'di ba?" pag-aalala niya.

"Oo nga pala. Ikalimang araw ko na ngayon. Kaya ba ganito ang nararamdaman ko?"

"Daneirys. . ." Bakas sa mukha ni Gianna ang labis na pag-aalala.

"Huwag kang mag-alala. Mamayang gabi pag-uwi ko. Babasahin ko na ulit 'yong mga sulat ni Alistair at uuwi na ako sa'min. Okay?"

"Sige. Siguraduhin mo lang. Ayaw ko na ulit makakita pa ng isang glitch na namatay. Maliwanag ba?"

Tumango lang ako bilang sagot. Napaisip naman ako sa sinabing 'yon ni Gianna. Sa tingin ko, kahit isa siyang multiverse guide at hindi niya kaanu-ano ang mga glitch na nakilala niya, nag-aalala pa rin siya para sa mga 'to.

--

Nagkaklase kami pero parang wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng teacher at walang pumapasok sa isip ko.

Tuwing break time naman ay wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Ericka kahit anong kuwento niya. Hindi rin ako makakain nang ayos. Ilang subo ko lang ng pagkain, nawawalan na ako ng gana.

Bukod sa nakalimutan kong ikalimang araw ko na rito bilang glitch, gusto ko rin kasing makita at makasama si Alistair sa huling araw ko rito.

Alam kong hindi ako puwedeng magpaalam sa kanya at sabihin ang totoo dahil bukod sa mahihirapan siyang maniwala, baka masaktan naman siya sakaling maniwala siya sa'kin.

Ayaw kong maramdaman niya na dalawang beses akong nawala sa buhay niya.

Nang matapos naman ang klase ko ay dumeretso na ako palabas ng school. Habang naglalakad ay kinuha ko ang phone mula sa bulsa ko at hinanap ang number ni Alistair para tawagan ito.

Nag-ring lang ito sandali nang sagutin ito ni Alistair.

"Hello, Iris!"

Tila nanlambot ang puso ko nang marinig ko ang boses niya na parang napakasaya niyang tinawagan ko siya.

"Hello, Alistair. . ."

"Napatawag ka? Ano 'yon? Hmm?"

"Uhm, busy ka ba ngayon? Puwede bang. . ."

My Favorite DreamWhere stories live. Discover now