Chapter 4: New World

7 2 0
                                    

Kulay kahel ang langit at naglalakad ako ngayon papalapit sa bahay namin kasama ang lalaking nagngangalang Alistair at nagpakilalang boyfriend ko raw.

Ngayon ko mako-confirm sa parents ko kung totoo nga ang sinasabi ng isang 'to o prank lang ito. Nakakainis naman kasi ang Bryson na 'yon. Nagka-trust issues tuloy ako.

"Nandito na ako," saad ko pagpasok ko ng bahay kasunod si Alistair.

"Oh, Iris. Alistair," bati sa'min ni Papa.

"Oh, Alistair," bati naman ni Mama.

"Hello po, Tito Roldan, Tita Irish," bati naman ni Alistair sa mga magulang ko sabay mano sa kanila bago kami pumunta sa sala at naupo.

"Uhm, Pa."

"Ano 'yon, anak?"

"T-Totoo po ba na boyfriend ko si Alistair?"

Pinaghalong gulat at pagtataka ang makikita sa mukha ng mga magulang ko. Pagkatapos ay tumingin sila kay Alistair.

"Hijo, okay lang ba kayo ng anak ko? Nag-away ba kayo?" usisa ni Papa.

"Sa totoo lang po, nagtataka rin ako sa kinikilos ni Iris. Iniisip ko kung baka nagtatampo ba siya dahil isang linggo ko siyang hindi napuntahan," sagot ni Alistair.

"Anak, nagtatampo ka ba kay Alistair? Hindi ba nag-explain na siya sa'yo na hell week nila last week kaya hindi ka niya napuntahan?" sabad naman ni Mama.

"Nagtatampo ka ba sa'kin, Daneirys?" tanong sa'kin ni Alistair nang may ngiti na pilit.

"Ah, hindi. Hindi sa gano'n. Nagtaka lang ako na pumayag kayo na mag-boyfriend ako."

"Pumayag kami ng mama mo dahil nasa tamang edad ka na naman at may tiwala kami sa inyo," paliwanag ni Papa.

Tumango-tango na lang ako bilang tugon. Hindi ko pa rin masyadong naiintindihan ang mga nangyayari ngayon pero siguro sumabay na muna ako sa agos ng mga pangyayari habang nandito pa ako.

"Sandali, gusto mo bang dito na maghapunan, Alistair? Hindi ka ba gagabihin masyado ng uwi?" alok ni Mama.

"Ah, hindi naman po. Ayos lang."

"Mabuti kung gano'n. Maghahain lang ako tapos sabay-sabay na tayong maghapunan."

Pagkatapos maghanda nina Mama at Papa ng hapunan, tinawag na nila kami ni Alistair para kumain. Nagkuwentuha kami nang kaunti habang kumakain at napansin ko kung gaano kabait at kagalang si Alistair at mukhang gusto talaga siya ng parents ko.

Nang matapos kaming maghapunan, nagpaalam na si Alistair sa mga magulang ko dahil kailangan na niyang umuwi. Dalawa hanggang tatlong oras pa ang ibibiyahe niya mula rito.

Nasa labas kami ngayon ng bahay namin sa ilalim ng madilim na kalangitan na puno ng mga bituin. Malamig at sariwa rin ang hangin na pumapagaspas sa mga balat namin habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep.

"So, hindi ka talaga nagtatampo sa'kin?"

Nagulat ako sa naging tanong ni Alistair. Tumingin muna ako sa kanya bago sumagot.

"H-Hindi. . ."

"Don't worry, mapupuntahan na ulit kita dahil hindi na ako gano'n ka-busy ngayon."

Ngumiti ako sabay tawa nang kaunti. "Okay."

Huminto na kami sa paglalakad nang makarating na kami sa sakayan.

"Daneirys."

Pagharap ko kay Alistair ay bigla niya akong niyakap na siyang ikinagulat ko naman. Bumilis ang tibok ng puso ko habang dinadama ang init ng yakap niya.

My Favorite DreamWhere stories live. Discover now