Chapter 5: Glitch

8 1 0
                                    

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Gianna at pilit na iniintindi ang mga sinabi niya.

"Halika," aya niya sa'kin sabay hablot sa braso ko.

Pagkatapos ay naglakad siya habang hila-hila niya ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hinayaan ko na lang siyang tangayin ako.

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa library. Dinala niya ako sa isang mesa kung saan wala masyadong tao.

"Hindi ikaw si Daneirys Blair Cordova na nabuhay sa universe na 'to," aniya.

"A-Ano bang ibig mong sabihin? At paano mo nalaman na hindi talaga ako tagarito?"

"Isa akong multiverse guide. Bawat parallel universe ay may multiverse guide na gaya ko para sa mga naliligaw ng landas sa isang multiverse na tulad mo o tinatawag na glitch."

"Glitch?"

"Oo. Glitch ang tawag sa mga tulad mo na naligaw ng dimension o multiverse."

"So, ibig sabihin. Hindi ito isang panaginip. Nasa isang parallel universe ako."

Tumango si Gianna. "Ganoon nga."

"Kung gano'n, nasaan 'yong tunay na Iris sa dimension na 'to? Nagkapalit ba kami?"

"Oo."

"Kung gano'n, siya ang kasama ni Papa ngayon—"

"Patay na siya. Patay na ang Daneirys na nasa dimension na 'to."

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko.

"P-Patay na ako sa dimension na 'to? Bakit? Paano nangyari?"

"Hindi ba sa original universe na pinanggalingan mo, patay na ang mama mo. Dito naman, ikaw ang namatay dahil sa isang bus accident dahil sa field trip. Dalawang linggo ka nang patay dito."

Natahimik ako at pakiramdam ko nanikip nang kaunti ang dibdib ko.

"P-Pero meron silang alaala sa'kin mula sa mga nagdaang araw."

"Oo dahil mula nang maligaw ka rito, nag-alternate ang alaala nila sa'yo. Mula ro'n sa alaala nila bago 'yong aksidente ay napalitan ng ibang alaala dahil nandito ka."

Nahihirapan pa rin akong paniwalaan lahat ng narinig ko.

"Bago ka maligaw dito, may mga bagay ka bang napulot o natanggap na posibleng nagmula sa universe na 'to?"

Napaisip ako sandali sa naging tanong ni Gianna. Mayamaya ay naalala ko 'yong mga sulat.

"Oo. Nakatanggap ako ng mga sulat na nanggaling kay Alistair."

"Ah, si Alistair Chandler Valderrama. Ang kasintahan ni Daneirys. Naalala ko kung gaano siya nagluksa sa biglang pagpanaw niya."

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkahabag para kay Alistair. Mukhang mahal niya talaga ako—ibig kong sabihin, 'yong tunay na Iris na nasa dimension na 'to.

"Nasa iyo pa ba 'yong mga sulat?" tanong ni Gianna.

"Oo. Nasa drawer ko sa kuwarto."

"Mabuti kung gano'n. Dalhin mo bukas para masuri ko kung paano nakarating sa'yo ang mga sulat na 'yon."

Tumango ako, "Sige."

"Teka, kung nagkapalit kami ng dimension no'ng patay na ako, ibig sabihin ba no'n, patay na rin ako sa dimension na pinanggalingan ko?" usisa ko.

"Oo, gano'n nga."

Nandilat ang mga mata ko sabay hawak sa bibig ko.

"I-Ibig sabihin, mag-isa lang do'n si Papa dahil pareho na kaming patay ni Mama?"

My Favorite DreamDonde viven las historias. Descúbrelo ahora