kαвαnαtα 28

10 0 0
                                    

Munting Hardinera
sᴀ ʟɪᴋᴏᴅ ɴɢ ᴘᴀɢᴘᴀᴘᴀɴɢɢᴀᴘ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

"Mas gusto ko pang si Alona ang makakatuluyan ng anak ko. kaya pwede ba, ipaubaya mo na siya at ikaw na mismo ang pumutol sa anumang may ugnayan ang meron kayo." parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa isip ni abby ang mga words, sentence na naging paragraph na sinabi sa kanya ng magiging soon to be mather-in-law niya sana kaso pati ito din pala ay hindi boto sa kanya,

isa din sa mga pinagtataka lang talaga ni abby ay paano nalaman ng mahal na reyna na isa siyang mortal? at kung nalaman man nito, bakit hindi halata? 'yong para bang hindi siya threat?

diba ganon naman sa mga palabas na napapanood niya, na kapag nalaman ng kontrabida ang totoong pinagmulan ng bida sa palabas ay pwede itong maging threat o kaya gawing ding paraan para ma hook ang bida- napahinto si abby sa iniisip niya sabay marahang nilipad ng hangin ang nakalugay niyang buhok na naka braid lang sa bandang gilid, "di kaya, may plano ang mahal na reyna? hindi. bakit naman siya may plano?" tutol niya sa sarili niyang isip.

"Ano ba kasi 'tong iniisip ko? hay! abby nakakasawa naman talaga ang buhay dito." sabay pumulot siya ng isang maliit na bato sa gilid niya sabay boung pwersang ibinato sa ilog na nasa harap niya.

Pagkatapos ng tagpong 'yon hindi na alam ni abby kung paano siya nakarating dito ng walang nakakapansin, basta naramdaman na lang niya na dito siya dinala ng sarili niyang mga paa kaya ayos din 'tong spot na nahanap ng paa niya. mukhang kailangan niya muna talagang mag isip ng bonggang bongga for her near future in this world.

alam niya na wala talagang kasiguraduhan ang future niya dito kasi hindi naman talaga siya taga dito, hindi tuloy maiwasan ni abby ang mapabuntong hininga habang iniisip niya ang mga magulang niya sa kabilang mundo, napatitig na lang si abby sa papalubog na araw. pilit na ngiting pinagmasdan ni abby ang view. ang ganda sana kung hindi lang siya pinagsabihan ng mahal na reyna na layuan ang labidavs nitong anak.

Mariing napapikit si abby habang dinadama ang hangin mga ilang minuto muna siyang natahimik bago nagsalita out of the blue,"Kawawa naman ako, ba't ba kasi ginaganto ang prinsesang katulad ko," sabay wagayway ng kamay sa ere, "like hindi ko naman to deserve diba? like duhhh! ang unfair kaya, ughhh-"

"Ayos ka lang ba mahal na prinsesa?" isang malamig ngunit magaan na bosess ang nagpatalon sa nag mo-moment na si abby, napatayo siya bigla sa inuupuan niyang bato sabay paatras na umabante.

"Prinsipe stanley?" pero namali siya ng galaw ng hindi niya sinasadyang matapakan ang sidsid ng gown niya dahilan para matumba siya at kung walang sasalo ay sureball na tubig ng ilog ang sasalo sa kanya, napapikit na lang si abby habang hinihintay ang inaasahan niyang mangyari tikom ang bibig na tatanggapin niya ang next na kakahiyan na namang mangyayari sa buhay niya ngunit ang inaasahan niyang tubig na sasalo sa kanya ay ang mga malalaking bisig ang naramdaman niya na yumakap halos sa kabouan ng katawan niya.

rinig niya ang habol hininga ng taong sumalo sa kanya, marahan niyang iminulat ang mga mata niya, unang sumalubong sa kanya ang mapupulang mga labi na bumubuga ng malalim ng hininga kasunod ay ang mga singkit nitong mata na kulay langit ngunit napupuno yon ng pag aalala, "Ayos ka lang ba, mahal na prinsesa?" hindi halos makasalita si abby dahil sa bonggang kabog ng puso niya ngunit nakabawi din ng ma realize niya ang sitwasyon nila.

"Ah... ayos lang, ikaw ba?" ay anak ka talaga ng tinola abby, may gana ka pa bang magtanong sa sitwasyon mong yan? kaloka ka beh!

narinig na lang ni abby ang mahinang paghagikhik ni Prinsipe Stanley, "Bakit?" kunot noong tanong ni abby sa Prinsipeng sa ibang view na nakatingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Where stories live. Discover now