kαвαnαtα 8

3 3 0
                                    

Munting Hardenera
ʙʀᴀᴄᴇʟᴇᴛ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

ⅅahang dahan iminulat ni abby ang kanyang mga mata, agad sumalubong sa kanya ang napaka pamilyar na kwarto, inilibot niya ang kanyang paningin, unang tumambad sa kanya ang lalaking nakatalikod, naka upo ito na parang may sinusulat, tanging maliit lamang na lampara ang nagsisilbing ilaw nito, habang nagsusulat, iba ang kasoutan nito, parang galing sa mas royal family, tinitigan ito ni abby ng matagal at natanong sa sarili, kung sino ang lalaking ito?, ano ang ginagawa niya dito?, asan ako?, ba't ako nandito?, dahan dahan niyang ibinaba ang paa niya, agad niyang napansin na iba na din ang damit niya, nakasout na siya ngayon ng mahabang dress kulay pink, may tali sa bewang at leeg niya para e-ribbon, may manggas ito na abot hanggang siko niya.

Dahan dahan siyang naglakad, upang silipin ang tao sa lamesa na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nililingon, nasa likod siya nito at sinisilip ang sinusulat ng lalaking nakatalikod, ngunit sa kasamaang palad, hindi niya maintindihan kung ano ang isinusulat nito, nagsawsaw ulit ng tinta ang lalaki sa bowl at nagpatuloy sa pagsulat, hindi man lang nito napansin ang nagtatakang tingin sa kanya ni abby, agad tumikhim si abby, para mapansin siya ng lalaki, pero wa epek ang pagtikhim ni abby, agad siyang napakamot sa ulo niya, bumuntong hininga muna siya bago napag desisyonang pumunta sa harap nito, nanlalaki ang mata niyang umatras ng para bang nakakita siya ng multo.

Agad namang bumundol ang kakaibang kaba sa dibdib ni abby, hindi niya mapigilang mapanganga sa taong nakikita niya, mas lalong gum-wapo ito sa sout nitong pang prinsipe.

"K-kamahalan?" nauutal na sambit ni abby, gusto niyang siguraduhin, kung totoo ang taong nasa harapan niya, ngunit hindi siya nito inangatan ng tingin, nagpatuloy lang ito sa pagsusulat na para bang isang hangin lang si abby, agad namang kumunot ang noo ni abby, humakbang siya ng isa at nagbend ng kunti sa harap ni garry, iniangat niya ang kamay sa harap ng mukha ni garry at iwinagayway, ngunit hindi pa rin siya nito pinapansin, agad naman siyang napanguso at humakbang ulit, itinagilid niya ang ulo para mas lalong pagmasdan ang prinsipeng payapang nagsusulat, napanguso na lang si abby at naisip na baka nanaginip na naman siya, agad niyang iniangat ang kaliwang kamay at dahan dahang ibabatok sa sarili niyang ulo, gahibla na lang ang layo ng palad ni abby at ulo niya ng dahan dahan siyang umiling at ibinaba ang naka kamaong kamay, bigla niyang naisip na, kung panaginip man ito, ayaw niya munang magising, gusto niya munang pagmasdan ng matagal, ang kaibigan niya sa mundong ito.

Biglang gumuhit sa labi ni abby ang mayuming ngiti, bigla siyang namula habang tinitingnan ang prinsipe na payapang nag susulat, ang puso niya ay wala pa ring tigil sa pagkabog na para bang hinahabol siya ng milyon milyong zombie, feeling niya hindi na siya maka hinga, parang nawawalan na ng oxygen sa paligid o kaya para siyang nalulunod sa gitna ng dagat, wala man lang gustong tumulong sa kanya para maka angat siya, at makahinga, dahan dahan siyang tumalikod at lumabas ng kwarto, sa pagkaka alala niya ay bahay ito ni nana eseng, agad siyang nabuhayan ng loob, abot tenga ang ngiti niya, kaya't dali dali siyang bumaba, patalon talon siyang naglakad patungo sa kwarto ng matanda.

Huminto siya sa isang kwarto na kurtina lamang ang nakatakip, hindi maalis ang ngiti niya habang nakatingin sa kurtina ni nana eseng, bumuntong hininga muna siya para pigilan ang excite sa sarili niya. "Nana eseng?" malambing niyang tawag dito habang nasa likod ang kamay, inulit niya pa ang pagtawag ngunit walang tumutugon, agad kumunot ang noo niya ng hindi sumasagot si nana eseng. "Nana eseng... wohooo..... nana eseng, are you there?, where are you now?, my monster there!" nanginginig niyang sabi habang panay silip sa kwarto kung saan payapang nagsusulat ang prinsipe, napatigil siya sa panginginig ng walang sumasagot sa kanya bumuntong hininga na lang siya, siguro nga panaginip niya lang ito.

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant