kαвαnαtα 24

1 2 0
                                    

Munting Hardinera
ᴜɴᴋɴᴏᴡɴ ᴘʟᴀᴄᴇ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

"Ꭿno? anong hindi ipinaalam? ayos ka lang ba? ikaw ba ay nabagok at nakalimutan na ako'y iyong niligawan? o sadyang makakalimutin ka na talaga, anong ipinagsasabi mong hindi ipinaalam, diba't ginusto mo ito, pagkatapos mo akong iwan sa gubat, pagkabukas ay pumunta ka sa palasyo tapos- O! bakit? nagtataka ka? naku! ewan ko sayo, di kita maintindihan" inis na tugon ni abby sabay punas ng kamay sa gilid ng noo niya, kinunotan lang siya ng noo ni garry, inirapan niya na lang ito at inilihis ang atensyon sabay ininum ang hawak na wine, habang tinutunga niya pa ang baso ay napahinto siya sabay naibuga niya ang inumin, agad kumunot ang noo niya, may napansin siyang kakaiba sa kaharap niya ngayon, may ilang mga bisitang napapatingin sa kanya, agad naman siyang nilapitan ni garry na ngayon ay nasa harapan niya na nakatayo.

"Ayos ka lamang ba, Mahal na prinsesa?" iniangat niya ang tingin sa harapan, tinitigan niya ang mga mata nito, na ngayon ay nababahidan na ng pag aalala, pilit hinahanap yung presensya na nagpapagiba ng dibdib niya, napahawak siya sa dibdib, pinakiramdaman ang tibok ng puso,

"Ba't walang kaba?"

"Ano ang iyong binubulong Mahal na prinsesa?" sabay hawak sa braso ng prinsesa bahagya pang inilapit ng prinsipe ang ulo kay abby at itinagilid, agad naman yung nahinto ng sinamaan siya nito ng tingin, pagkuway ay inirapan, naiinis si abby sa nararamdaman niya na paiba iba.

"Ba't kaba dito pumunta? ialis mo nga kamay mo!" naiinis na tugon ni abby, sabay umayos ng upo at nangapangalumbaba, agad namang sinunod ni garry ang sinabi ni abby na ialis ang kamay, itinoun na lamang ni abby ang atensyon sa ibang direksyon at tinignan ang ibang bisitang masayang nagkwekwentuhan, tila hindi na binigyan pansin ang kahihiyang nagawa niya kanina.

biglang nandilim ang mukha ni abby ng biglang sumulpot sa harapan niya ang nakangiting si garry, "Ikaw ba ay may galit sa akin?" bahagyang napaatras ang mukha ni abby habang may nanlalaking mata, gusto sanang sumagot ni abby ng Oo, biglang nag flash sa utak niya yung senaryong nakita niya kaninang umaga, ang prinsesa at ang prinsipeng nagyayakapan, ang masaklap pa sa daanan, itinaas niya ang kanang kamay at itinulak ang noo ni garry gamit ang hintuturo ni abby, embis na sagutin ay yumuko na lang siya, at nagkunwaring natutulog.

ngunit hindi natinag si garry, umupo siya sa harapan ni abby at nakapanglumbabang nakatitig sa naksusub na mukha ni abby sa lamesa. "Ikaw ba ay nagseselos sa akin? pagka't sinabi ko sayo na ibinalita ni alona ang tungkol sa atin? ikaw ba ay may pagtingin? sabagay, hindi ko maikakaila ang aming lahi, pagkat sadyang mala adonis talaga ang aming kagwapuhan, na kahit kidlat ay yuyuko sa aking harapan-" hindi na pinatapos ni abby si garry sa pagsasalita, iniangat niya na ang ulo sabay iniangat ang dalawang kamay upang takpan ang dalawa niyang tenga, ipinikit niya pa ng mariin ang mga mata, bigla siyang tumayo at nanlilisik ang mga matang tinitigan si garry, agad namang nagulat ang kaharap.

"Tumigil ka na sa sinasabi mo, walang magandang idudulot ang puro kahanginan," halos maglapat ang ngipin ni abby sa inis, palihim niyang sinulyapan ang wine na may kunting laman, lakas loob niya iyong kinuha at ininum ng diretso, pagkatapos uminom ay binigyan niya ulit ng nanlilisik na tingin si garry, na ngayon ay nagpipigil ng ngiti, dinuro niya pa ito habang naniningkit ang mga mata.

"Wag kang tatawa, sisipain talaga kita kapag ginawa mo iyon, hindi ako nagbibiro" kasabay nun ay inirapan niya ulit ito, pilit na ngiti lang ang iginanti ng prinsipe, inilihis niya na ang atensyon sa iba, at sisimulan na sana niya ang paghakbang ng mahagip niya sa gilid, si alona na nakatingin lang sa kanila, ay hindi pala kay garry, ang emosyon nito ay tila isang negosyante na nalugi.

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Where stories live. Discover now