kαвαnαtα 25

1 1 0
                                    

Munting Hardinera
ᴅᴇ ᴊᴀ ᴠᴜ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

ℋimig ng hangin, hampas ng alon sa dalampasigan ang tanging namamayani sa pagitan nila abby at garry, tila takot basagin ang awkwardness na namamagitan sa kanilang dalawa.

habang si abby naman ay parang nalulunod sa mga titig ni garry, pilit niya itong sinisisid kahit na alam niyang imposible niyang makita, kung lumalangoy siya na nakapikit lang ang mga mata, pero kahit gusto niya mang buksan ay natatakot siyang mapuwing sa alat ng dagat na naroroon sa mata ni garry o kaya ay baka mapuwing siya sa kakahalungkay ng tunay na nakatago sa mga matang iyon, parang maihahambing ni abby ang pagkatao ni garry sa isang kayamanan.

Ang sarap pangarapin, pero ang hirap hanapin.

dahan dahang ipinikit ni abby ang mga mata, nagsisimula ng mamasa ang kanyang mga mata dahil sa hangin na nangagaling sa dalampasigan, hindi pa rin tumitigil si abby sa pagkanta sa kanyang isipan, dahil, kahit dun, naipapabatid niya ang nararamdaman niya sa hangin, maraming katanungan ang nananahanan sa isipan ni abby ngunit ang mga kasagutan ay tulad din ng hangin, mahirap makita.

"alam mo ba kung ano ang napagtanto ko sa mundong ito?" simula ni abby, sabay marahang ibinuka ang mala beautiful niyang eye's syempre dahil diyosa siya, mapapatitig sa kanya ang prinsipe, pero wala nga lang emosyon.

'walang jo, naman itong si garry, oh!'

"ano?" seryosong tanong ni garry, na ngayon ay mahinang umiindak pa rin.

"ang makibagay sa lahat, yun naman talaga ang dapat, diba? para hindi ka nila husgahan." malungkot na pahayag ni abby, hindi siya nito sinagot, tumingin lang ito sa mga mata niya pagkuway ay inilihis sa may dagat.

"Kung pwede, maari bang magkwento?" Offer ni abby kay garry, pero ang gago! waefek! hindi siya nito sinagot, inilihis lang nito ang paningin sa madilim na langit, nagkakalat dun ang mga bituin.

"Anong kwento?" seryosong tugon nito habang nasa itaas lang ang atensyon, tila may iniisip na malalim, ngunit bukas ang mga tenga upang pakingan ang kwentong ilalahad ni abby, bumuntong hininga si abby, bago dahan dahang ipinikit ang mga mata.

'kahit hindi naman dapat, marupok lang talaga si abby, kaya may papikit-pikit effect pa ang gaga, uggh echos!'

"Ito ay tungkol sa Oud at Cactus, sa mahabang panahon ay namumuhay ang cactus sa isang disyerto, pwede din sa kahit na anong lupa, kaya nitong mamuhay, ngunit ang hindi alam ng lahat na may kahulugan ang pamumuhay niya sa lupa at disyerto, misteryoso ito sa mata ng lahat, dahil kaya nitong mamuhay sa ibat ibang lupa, ngunit nilalayuan din ng iba at ginagawang palamuti lang sa labas, isang araw may uod na naglakas loob na lumapit sa paso ng cactus, pilit niyang inoobserbahan kung bakit matinik ito, at ang sinumang magtatangkang humawak dito ay susuko at mapapa-array, pero hindi ang oud. "

"araw araw ay palagi niyang binibisita ang cactus na iyon, at inoobserbahan, nung araw din na iyon, dun niya lang napagtanto na ang mga tao ay tinitignan siya sa panlabas na anyo pero ang hindi nila alam, may unti unting nalalagas na tinik sa katawan ng cactus senyales na hindi talaga ito dapat katakutan hawakan, siguro sa matagal na panahon na pamumuhay niya ng walang tinik hanggang sa lumaki siya, natuto siyang bigyan ng proteksyon ang sarili sa pamamagitan ng tinik ng sa ganun ay tuluyan siyang layuan ng lahat, kahit makasakit pa ito sa ibang tao maprotektahan lang ang sarili."

"kaya't si oud, ay inakyat niya ang cactus walang pake kung ilang besses na siyang nasasaktan walang pake kahit natutusok ang gilid niya, walang pake kung nasusugatan siya, dahil alam niya may dahilan kung bakit ganto si cactus, naisip din noon ng oud na masarap masaktan ng paulit ulit kung alam mo ang gusto mong maabot sa huli, hindi masasayang ang pagtitiis niya kay cactus dahil napagtanto ng oud sa sarili na kailangan lang talaga ng cactus ng iintindi sa kanya." nawala na yung sipol ng hangin na napalitan na lang ng malamig na simoy ng hangin ang boung paligid, pati hampas ng alon ay unti unting humina, kasabay nun ang paglanding ng mga titig ni abby kay garry, hindi pa rin matigil sa pagtibok ang puso ni abby, nakita niya sa ekspresyon nito ang saglit na pagkunot.

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Where stories live. Discover now