kαвαnαtα 5

2 2 0
                                    

Munting Hardinera
ᴘᴀɢᴋᴀᴋᴀɪʙɪɢᴀɴ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

ℕakatitig lang siya sa isang maliit na bahay, hindi mo aakalaing bahay ito parang natambakan lang ito ng mga puno na natumba, at ginapangan ng mga ligaw na damo, wala ding halos kabahay bahay, ang makikita mo lang dito ay puro matatayog na puno at mga damong hindi halos mataas.

"Kung gusto mong manatili muna dito, magpanggap ka, wag kang mag alala ako ang bahala" Basag ng lalaki sa katahimikan, lumingon siya dito at kinunotan ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni abby, hindi siya nilingon ng lalaki bagkus ay diretso lang ang tingin nito sa pintuan, agad siyang napalingon ng may nagsalita

"Mahal na prinsipe!" Isang matandang babae ang lumabas mula sa bahay na tinitigan kanina ni abby, sa tiyansa ni abby ay nasa mid-50 na ito, mataba ang babae habang may dala dala itong pandilig agad itong yumuko. " May maitutulong po ba ako sa iyo kamahalan?" Tanong nito habang naka yuko.

"May, nais lamang akong hilingin, at gusto ko atin-atin lang ito, maliwanag ba, Nana eseng?" Seryoso nitong saad sa matanda na hanggang ngayon ay naka dunggo pa rin.

Agad nang nag-angat ng tingin ang matanda. "Ano po ba ang iyong kahilingan, kamahalan?, at ito'y mukhang importante?" Nagtataka nitong tanong sa lalaki.

Agad namang huminga ng malalim ang prinsipe, kailangan niyang lakasan ang kanyang loob, dahil wala na siyang iba pang mapagkakatiwalaan kundi ang matanda lang, alam niya na magpapakatiwalaan niya ito. "Nais ko lamang na dito mo muna patuluyin ang binibining ito, hanggat wala pa siyang maalala." seryoso nitong saad sa matanda, na hindi mababahidan ng pag bibiro.

Agad namang lumingon ang matanda sa gawing kaliwa, kung nasaan si abby, ngumiti si abby sa matanda, tipid na ngiti ang isinukli nito sa kanya.

bahagyang iniyuko ng matanda ang kanyang ulo bilang pagbati kay abby.

Agad tumikhim ang prinsipe. "Papayag po ba kayo, Nana eseng sa akin kahilingan?, pansamantala lamang po siya dito, araw-araw ko din siyang bibisitahin dito upang tingnan ang kanyang kalagayan kung bumalik na ba ang kanyang alaala o hindi." seryoso pa rin nitong saad, na para bang walang pake sa kahit anumang magiging reaksyon ni abby

Agad namang lumingon sa kanya si Abby at binigyan siya ng masamang tingin, sa iniisip ni Abby, ay bakit sa lahat ng pwedeng e-dahilan, eh, yung may amnesia pa, pwede namang sabihin na lang ang totoo na naliligaw siya, bat kailangan pa magsinungaling?,

"Opo, mahal na kamahalan, wag po kayong mag-alala, magiging maayos siya dito." nakangiti nitong tugon sa lalaki tinanguan lamang niya ito, habang masama pa rin ang tingin ni abby sa lalaki

Kahit tutol man sa disesyon si abby, wala siyang magawa, ito siguro ang sinabi kanina ng lalaki na kailangan niyang magpanggap.

"Ako na po'y hahayo, at baka hinahanap na ako nila ama at ina." Pagkuway ay yumuko ito, na ikinairap ni Abby.

"A-rray, God!, Nakakainis na hangin!" Sigaw ni Abby habang kinukusot ang mata.

Agad namang ngumiti ang prinsipe ngunit mapang asar. "Sabi ng aking ina, wag daw masyadong malikot ang mata, para hindi madaling mabulag, tama po ba Nana, eseng?" Pagpaparinig nito kay Abby na hanggang ngayon ay busy pa rin sa pagkusot ng mata.

Agad namang tumango ang matanda. "O-opo, kamahalan" tugon na lamang nito, dahil minsan niya lamang nakikita ang prinsipe na ganto.

Ng tumalikod na ito ay napaismid si Abby sa lalaki, at nagdasal sa kanyang isip na sana, Hindi na sila magkita at wag na siyang bumalik dito.

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang