kαвαnαtα 15

0 2 0
                                    

Munting Hardinera
ᴋᴀsᴜɴᴅᴜᴀɴ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

ℕagpaalam na ang mga bisita kay Ersham, kanina lang natapos ang naging okasyon, inilibot ni abby ang paningin nakasout pa rin siya ng Basque gown, kanina pa din nagpaalam ang pamilya nila garry kay Elizabeth at Ersham, masasabi niya napanatag na ang loob niya dahil hindi niya na nararamdaman ang mga misteryosong mga tingin na iyon,

"Haring Ersham, Prinsesa Elizabeth," lumingon si abby sa nagsalita, masasabi niyang matanda na ito pero hindi nahahalata dahil sa make up na nilagay at sa postura din ng damit nito na mermaid dress, nakangiti ito sa kanya habang akay akay ang asawang tinamaan na ng alak, dahil sa hindi ito maayos makatayo at pasuray-suray na din, biglang nasabi ni abby sa sarili na kahit ang mga nilalang pala sa mundong ito ay marunong malasing, "kami ay hahayo na, maraming salamat sa inyong pag imbeta, sana'y makadalaw ulit kami dito kasama ang aking mga anak upang makita niya ang magandang prinsesang ito," sabay hawak sa mukha ni abby, ngumiti na lang ng pilit si abby,

"Aasahan ko po iyan," nakangiting tugon ng hari,

"Sige, mauuna na kami, pagpalain sana kayo ng mga diyosa," nakangiti nitong tugon, tumango na lang sila abby, tumalikod na ang babae habang akay akay pa rin ang asawa nitong pasuray-suray na.

"Siya ay isa sa mga prinsesa ng Emperial na kaharian, ngunit nakapagasawa ng prinsipe ng Aberial na kaharian," tumango na lang si abby, sa sinabi ng hari,

Napabuntong hininga na lang siya at piniling ilibot ang paningin sa boung bulwagan, pinagmamasdan niya ang mga taong nagsisi alis na, ang kadalasang naiiwan na lamang sa kanilang palasyo ay ang taga pagsilbi ng Aldbish na kasalukuyang naglilinis ng ilang mga ginamit ng bisita sa selebrasyon, mula dito ay naririnig niya ang mga kalansing ng gintong kutsara at tinidor, pati ang mga kalampag ng babasaging plato at lalagyan ng mga ulam, ng wala ng halos bisita sa bulwagan ay lumapit siya sa may lamesa, kung saan may isang dalagang naglilinis doon, iniwan niya lang ang haring patuloy pa rin sa pag asikaso ng mga umaalis na bisita, kinuha niya ang mga baso, kutsara at ibang tinidor sa lamesa at inihilera sa mga nakaayos na mga baso at pati mga kutsara at tinidor, agad namang napasinghap ang isang dalagang tagapagsilbi ng makita ang ginagawa ni abby, dali dali itong lumapit sa gawi ni abby, at akmang aagawin na sana ang baso ng maalarma si abby, kaya nagawa niya itong maitaas,

"Ah, mahal na prinsesa, wag na po kayong tumulong, ako nalang po iyan," habang pilit inaagaw ang hawak ni abby na baso, kaso iniilag ni abby ang hawak na baso sa dalaga,

"Hay, hayaan mo na, wag mo na akong pigilang tumulong, at saka wag mo naman akong sobrang ituring na prinsesa, pakiramdam ko tuloy para akong baldado nito at isa pa gusto ko naman talagang tumulong at makipagkaibigan, kaya hayaan mo na ako dito, hindi naman siguro kasing bigat ito ng isang sako, diba?" sabay angat sa basong iniilag niya kanina, nahihiyang ngumiti ang dalaga, sabay tango, ngumiti si abby dito,

"Dito rin ba kayo natutulog?" panimula ni abby, dahil pakiramdam niya na nahihiya ang dalaga sa kanya, umiling ito ito bilang tugon,

"H-hindi po, sa aming tahanan po," nahihiya nitong tugon, bahagya pa itong yumuyuko, habang kinukuha ang ilang pirasong plato at nilalagay sa mga lalagyan, hindi na nagtanong si abby at pinili na lang ang tumulong sa paglalagay ng ilang mga plato at kutsara sa isang malaki at malalim na tray upang mailagay na sa kusina at doon ay mahugasan na, minsan nahuhuli niya na bahagyang sumisilip sa kanya ang dalaga at kapag titingin siya dito ay binabawi nito ang tingin, tumigil muna siya sa paglalagay ng baso sa malaking tray at tinitigan ang dalaga, dun niya nahuli ang pagsulyap ng dalaga, kaya't mas lalo itong dumungo at lumayo, nakangiti niya itong sinundan,

"Ano ka ba, Don't be shy, free ka namang magsalita, hindi kita pagagalitan o anything na lang, alam mo naman, good girl kaya ako, kaya, ayos lang kung titignan mo ako ng ilang oras, pwede nga kahit ilang araw," sabay ngiti, mukhang di naman mapakali ang dalaga, napapansin din ni abby, ang namu-muong mga pawis sa gilid ng noo ng dalaga, napakunot na lang ang noo niya,

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Where stories live. Discover now