kαвαnαtα 3

3 3 0
                                    

𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧𝐞𝐫𝐚
ᴍɪsᴛᴇʀʏᴏsᴏɴɢ ʟᴜɢᴀʀ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

ℙagkamulat ng pagkamulat ng mga mata niya ay agad bumungad sa kanya ang kisameng kahoy, walang bahid ng pintura, sunod ay inilibot niya ang kanyang paningin, andun ang iba pang bagay na gawa sa kahoy, galing sa closet sa lamesa, upuan at bintanang slide window na gawa sa kahoy. Naka uwang ito ng kunti, dahilan para lumipad ang puting kurtina, agad niya pang inilibot ang kanyang paningin, hanggang sa napako ang kanyang paningin sa tatlong sampaguita na nakalagay sa flower vase na gawa sa kahoy.

Dahan dahan siyang tumayo, galing sa pagkakahiga, naka sout siya ng puting bestida with strap, hanggang binti ang taas nito, agad siyang pumunta sa lamesa kung saan nakalagay ang sampaguita, agad niya itong kinuha at takang tiningnan ang mga bahagi nito, biglang lumakas ang ihip ng hangin, at dahil sa lamig ay pumunta siya sa bintana para isara sana ang naka uwang ng bintana, ngunit napahinto siya ng matanaw niya galing sa labas ang batang nagbigay sa kanya ng bulaklak kahapon.

Nakatingin lang ito sa kanya ng diretso, habang may ngiti sa labi, masasabi niyang maganda ang bata dahil sa shiney nitong buhok na kulay itim na may bangs at Maputi din ito na naka sout ng puting dress with strap, 6:31 na ngunit hindi pa masyadong mainit di tulad kapag nasa siyudad ka at parang pang alas dose na ang dating, maya maya ay tumango ito sa kanya sabay talikod at naglakad na ito palayo.

At dahil sa kuryosidad ay agad siyang nagmadaling kumuha ng manipis na puting jacket at nagmadaling bumaba wala pang halos mga tao sa sala kaya hindi na siya nakapag paalam pa agad na siyang lumabas at sinundan ang bata na medyo malayo layo na.

ℋindi niya na alam kung nasaan na siya, lalo na't bago pa lang siya dito sa probinsya ng Lola niya, kanina pa siya takbo at lakad para masundan ang bata, at nagsisimula na din siyang pawisan ngunit parang lumalayo na ito sa paningin niya.

"Hey!, baby girl, hintay!." Sigaw niya sa batang babae ngunit hindi siya nito nililingon patuloy lang ito sa paglalakad na para bang may hinahabol at walang naririnig.

Maya maya ay huminto ang batang babae sa tapat ng malaking puno, isang lilim na puno na napapalibutan ng bagon (kahoy na parang vines na kumakatay sa katawan ng isang malaking puno.) marami itong mga sanga at kung pagmamasdan ay masalimout ang itsura nito.

"Asan tayo?" Takang tanong niya sa bata, habang inililibot ang paningin sa paligid, kahit siya pakiramdam niya ay naliligaw na din siya, parang di niya alam ang daan pabalik, dahil na din sa mga punong nag lalakihan at mga damo na malalago, ngumiti lang ang bata sa kanya, Sabay tingin sa bulaklak na kanina pa hawak ni Abby, agad namang tiningnan ni Abby ang bulaklak na kanina niya pa pala hawak.

"H-hindi k-ka ba, nakakapagsalita?" Nauutal na tanong niya sa bata, kinakabahan siya sa mga ngiti ng bata, hindi niya alam kung bakit napasunod na lang siya, siguro, dahil na din sa kyuryusidad, nanatiling nakatingin lang ito sa bulaklak na para bang nagagandahan.

"Ito?, anong ibig sabihin nito?, ba't mo 'ko binigyan nito?" Sabi niya sa bata sabay angat ng bulaklak na kanina pa tinitingnan ng bata, hindi pa rin inaalis ng bata ang tingin dito.

"O-okay, kung hindi ka nakakapagsalita, pwede mo na lang ba, sabihin sa akin ang way back home ko?" Tanong niya sa batang hindi pa rin naalis ang tingin sa hawak niyang bulaklak, agad namang umangat ang tingin ng bata at tiningnan siya sa mata agad namang nagtayuan ang balahibo niya sa batok, wala na ang mayuming ngiti na iginawad ng bata sa bulaklak, napalitan na ito ng mga walang buhay na mata, agad kumabog ang puso niya, hindi siya maka kilos sa mga titig na iginagawad sa kanya ng bata, para siyang na freeze at hindi maka kilos.

"Olympia Abby Ferrer" pabulong na sabi ng bata, kahit kinakabahan ay nagawa pa ring kumunot ang noo ni Abby.

"Paano mo nalaman name ko?" Pilit pinapanatag ni abby ang sarili, ngunit hindi siya nito pinansin.

"Sto ónoma tis fýsis, eímai aftí ton theón, timórisé se ston kósmo mou!" (In the name of nature, im the one of the goddes, punish you in my world!). Naguguluhan siya sa mga pinagsasabi nito dahil di niya ito maintindihan, tangging pangalan niya lang ang naiintindihan niya.

maya maya ay naramdaman na lamang niya ang malakas na pag-ihip ng hangin, na animoy hipo hipong bigla bigla na lang sumulpot kung saan, Napa lingon lingon siya sa paligid, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari, biglang pumasok sa isipan niya na baka nagkaroon ng bagyo sa probinsya ng Lola niya at hindi siya nainform, tiningnan niya ang bata patuloy lang ito sa pagsasalita habang walang buhay na nakatitig sa kanya, tinatangay din ng hangin ang buhok nito na hanggang bewang, sumasakit na din ang ulo ni abby, Hindi niya kasi maintindihan ang bata, parang, nanonout sa utak niya, ang mga sinasabi nito. sinabayan pa ito ng kaluskos ng mga dahon at huni ng mga ibon na nakakabingi.

"Tama na!, please..., tama na!." Sigaw ni Abby habang tinatakpan ang tenga niya at ipinipikit ang dalawang mata, yumuko siya at iniiling iling ang ulo, naisip niya na baka bina-bangungot siya, lumipas ang mga ilang sigundo ay nawala na ang huni ng ibon pati kaluskos ng sanga, humina na rin ang ihip ng hangin at wala nang tumatawag sa pangalan niya.

Unti unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nilingon ang paligid.

"Asan ako?" Tanong niya sa sarili.

Nag iba na ang paligid, wala na ang malaking puno na kaharap niya lang kanina, wala na din ang batang babae kanina, agad niyang iniangat ang tingin, nasa gubat pa rin siya, unti unti siyang lumingon at ganun na lang ang gulat niya ng tumambad sa kanyang paningin ang isang ....

napa atras siya.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya,

Isang pangkaraniwang palasyo na ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya.

♧♧♧♧♧♧♧♧♧

#muntinghardinerawp

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Where stories live. Discover now