kαвαnαtα 11

0 2 0
                                    

Munting Hardinera
ᴛᴀɢᴀᴘᴀɢsɪʟʙɪ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

"ℙinapapunta ka niya sa kwartong iyon." tugon ni analia, sabay turo sa gawi kung saan isinugod ang lalaking may nakatabon na puting tela kanina, agad si abby napalunok ng laway habang nakatingin sa kwartong itinuro ni analia, dahan dahan siyang lumingon sa gawi ni analia sabay tipid na ngumiti at tumango.

Ihahakbang niya pa sana ang mga paa niya ng matigilan siya, dahan dahan siyang lumingon sa likod kung saan abot tenga ang ngiti sa kanya si analia, tinaasan niya ito ng kilay at hinarap habang naka krus ang kamay sa dibdib. "Paano ko masisiguro na nagsasabi ka ng totoo, baka niloloko mo lang ako, baka ikaw ang tinatawag at gusto mo lang ipasa sa akin at ng ako ang gumawa sa inu-utos sa iyo." pagkuway ay humakbang pabalik si abby sa kinatatayuan ni analia na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin sa kanya, agad namang kumunot ang noo niya sa babae, iniisip niya nasisiraan na ito ng bait.

"kung yan ang iniisip mo, sige, hindi kita pipilitin." tugon ni analia sabay kibit ng balikat

"Paumanhin sa abala mga binibini, maari ba akong makasingit, may kilala ho ba kayong Esmeralda?" singit ng isang kawal habang nakatingin ito sa kanilang dalawa, agad naman silang napalingon dito.

"Ako, bakit?" agad na sagot ni abby, agad namang lumingon sa kanya ang kawal

"Pinapatawag ka ni Nana eseng, dun sa kwartong iyon." sabay turo sa kwartong itinuro kanina ni analia, tumango na lang siya dito, bago sumunod ay nilingon niya muna si analia na nakangiting nagwawagayway ng kamay sa kanya, inirapan niya lang ito at itinoun na ang atensyon sa harap at sumunod na sa kawal.

Ng makarating na sila sa pinto ay pinagbuksan siya ng kawal, agad naman siyang pumasok at tumambad sa kanya si nana eseng na may talukbong sa ulo, abala din ito sa pagpupunas ng katawan ng prinsipe.

"Nana eseng, andito na po ang pinapahanap niyo," tugon ng kawal

Agad namang lumingon sa gawi nila abby si nana eseng, tumitig ito sa lalaki at tumango, "Salamat sa iyo, maari ka ng makaalis" tugon nito sa kawal, tumango muna ang kawal bago lumabas lumingon na naman sa gawi ni abby si nana eseng, tinanguan niya ito, hudyat na pinapalapit siya ng matanda, itinapat din ng matanda ang kanyang hintuturo sa labi na sinasabing 'wag_maingay' agad naman siyang tumango dito, ng nasa tapat na siya ni nana eseng, bigla siyang natoud sa kinatatayuan, hindi siya makagalaw sa taong nakahandusay sa kama, agad siyang natauhan ng magsalita si nana eseng.

"Esmeralda, maupo ka at kuhanin mo to, punasan mo ang prinsipe, mataas ang kanyang lagnat," mahinang utos sa kanya ni nana eseng, agad niya namang kinuha ang telang iniabot ni nana eseng, umupo siya sa inuupuan kanina ni nana eseng, nanginginig ang kamay niya habang pinupunasan ang bawat parte ng mukha at kamay ng prinsipe.

Pinagmasdan ni abby ang mukha ng prinsipe, payapa lamang itong natutulog na para bang inosenteng bata, hihipoin niya na sana ang noo ng prinsipe ng biglang magsalita si nana eseng na nag aayos ng mga gamit sa basket nito, bigla siyang napahinto ngunit ang kanyang mga mata ay nakatoun pa rin sa prinsipe.

"Hija, ikaw muna ang magbantay sa prinsipe, may pupuntahan lamang ako, wag kang lalabas hanggat wala pa ako, naiintindihan mo ba?" tumango na lang si abby kay nana eseng, nakatitig pa rin siya sa prinsipeng natutulog, hindi niya namalayan na kanina na umalis si nana eseng, hindi niya man lang ito natanong kung saan ito pupunta, katahimikan ang namayani sa kwartong iyon, maya maya ay mapait siyang ngumiti, "S-sorry," tugon nito sa gitna ng katahimikan, tumikhim muna siya bago ipinagpatuloy ang sasabihin, "Sorry, ng dahil sa akin, nandyan ka at nakahiga, tama ka, matigas nga ang ulo ko, sorry talaga, nag aalala lang naman ako sayo kaya ginawa ko yun, hindi ko naman alam na, iyon pala ang mangyayari." malungkot itong ngumiti, "Hayaan mo, pag gumaling ka na, hindi na kita kukulitin, hindi na rin kita hahanapin, basta, hayaan mo lang akong bantayan at alagaan ka, kahit ito lang makabawi ako sa panliligtas mo sa akin," pagkuway ay malalim siyang bumuntong hininga.

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Where stories live. Discover now