kαвαnαtα 4

2 3 0
                                    

𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧𝐞𝐫𝐚
ᴀɴɢ ᴋᴀɴɪʟᴀɴɢ ᴘᴀɢᴋɪᴋɪᴛᴀ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

ⅅahan dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa, wala siyang tsinelas o ano man na sout sa paa ng tumakbo siya, nakalimutan niya ito sa kakadali, tumitingkayad pa siya dahil sa mga nalalatang prutas at dahon na sinasabayan niya pa ng panginginig, nakakita siya ng malaking puno at dun niya napagpasyahang magtago muna, dahan dahan niya inilihis ang paningin at sumilip kung may tao ba o wala, may nakikita naman siyang mga tao, ngunit kakaiba ang mga sout nito, ang mga bantay dito ay naka sout ng long sleeve na kulay dirty white at dinoblehan ng pula na parang pinunitan ang tag gi-gilid na manggas, may mga takip din ito sa ulo, na gawa sa kawayan na nagsisilbing sumbrelo nila, may mga naka tuck-in din itong mga espada na ang haba ay abot tuhod ng isang kawal, agad namang napa atras ang ulo ni abby at napa taas kilay sa nakikita.

Masayang nag uusap ang dalawang bantay sa gate, nagtatawanan pa ito, sa bawat kwento ng bawat isa, wala silang kamalay malay na kanina pa nagmamasid si Abby, sa subrang titig niya sa mga tao sa palasyo ay hindi niya namalayan ang paglapit ng isang lalaki, seryoso ang tindig at tumapat ito sa likod ni abby.

"Ano ba namang klaseng lugar ito?, ang creepy ng mga damit nila, uggh, asan na ba talaga ako?" reklamo ni abby sa sarili, nagpatuloy pa rin siya sa pagmamasid, naghahanap ng tyempo upang magtanong sa mga kawal kung anong lugar ito.

Napagod siya sa pagmamasid at wala din siyang lakas para magtanong sa dalawang kawal na rinig dito ang mga tawanan, bumuntong hininga na lang siya at tinalikudan ang mga kawal, galing sa matamlay ay biglang nanlaki ang mga mata niya, hindi niya napansin na may tao pala sa likod niya, agad niya ito tiningnan mula ulo hanggang paa, ibinalik niya ulit ang tingin sa lalaking seryosong nakatingin sa kanya, hindi niya maitatangi na gwapo ito, para siyang nakakita ng version ni adan, ang lapad ng dibdib, na kahit naka sout ng puting long-sleeved at may gintong nakasabit sa kaliwang bahagi ng dibdib ay kitang kita ang hubog ng katawan parang nakikita niya na naka top less ito sa harapan niya, umiling siya para alisin ang maduming iniisip, iniangat niya ang tingin.

"Ahhhm, kuya, pede po bang magtanong?, ahhhm, anong lugar ito?" mayumi niyang tanong, hindi ito sumagot at seryoso pa ring nakatingin sa kanya, agad niyang ibinaba ang tingin, at sa dibdib na lang ng lalaki tumitig lihim siyang napalunok ng laway at isinabit ang ilang hibla ng buhok sa tenga.

"Isa ka bang espiya?" Agad nanlaki ang mata ni abby sa tanong ng lalaki, iniangat niya ang tingin dito.

"Sino ang nag utos sa iyo para manmanan kami?, ano ang iyong pakay, sumagot ka, upang hindi na lumaki ang gulong ito." seryoso pa rin nitong sabi,

Agad namang kumunot ang noo ni abby. "Ha?, anong espiya? anong nag utos, hindi kita maintindihan kaya pwede please, paki explain?" sabi nito sabay maarteng humawak sa ulo.

"Anong klaseng lenggwahe ang meron ka?"

"English!"

"Anong klaseng nilalang ka?"

"People o kaya tao, anong akala mo sa akin, hayop?" inis na wika ni abby sa lalaki, inirapan niya ito. "Makaalis na nga, wala naman akong matinong sagot na nakuha, pangalan ng lugar hindi masabi." reklamo ni abby sa lalaki, tumalikod na siya dito, ihahakbang niya na sana ang paa ng magsalita ito.

"Mukhang hindi ka taga rito, sino ka? at anong pakay mo?" Kalmadong niyang tanong kay abby, agad namang napa irap si Abby, at humarap dito

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Where stories live. Discover now