kαвαnαtα 14

1 2 0
                                    

Munting Hardinera
sᴇʟᴇʙʀᴀsʏᴏɴ sᴀ ᴋᴀʜᴀʀɪᴀɴɢ ᴀʟᴅʙɪsʜ

𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

Ѕa pagkamulat ng mga mata ni abby ay agad sumalubong sa kanya ang puting kisame, kung saan may malaking ceiling fan na hindi umaandar ang nakasabit doon, kulay lila ang katawan nito, habang puti ang mga kamay nito, inilibot niya pa ang paningin, "Saan ako?" tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang kabuan ng kwarto, may puting lamesa sa tabi ng bintana habang may nakalagay dun na mga litrato, nakalagay ang mga litrato sa picture frame na kadalasan ang mga kulay ay lila at puti, pinaningkitan niya ito ng mga mata, parang pamilyar sa kanya ang mga nasa litrato ngunit hindi niya halos maaninaw ang mga ito dahil sa nanlalabo pa rin ang paningin niya, nakabukas ang bintana na gawa sa glass window, nililipad nito ang puting kurtina galing sa kinatatayuan ni abby, ay nakikita niya ang masayang araw na sumasalubong sa kanyang magandang gising, masasabi ni abby na mahilig ang may-ari nito sa kulay puti at violet, dahil na din sa pintura at mga gamit dito,

dahan dahan niyang hinawi ang kumot na puti at tumayo, dahan dahang, dumulas ang bahaging tela ng mahabang dress ni abby hanggang sa sumayad sa sahig, may nakita siyang oval na salamin sa gilid, meron itong athic na design, tiningnan niya ang sarili, "Ba't ganto ang sout ko?" tanong niya sa sarili, habang sinusuyod ng tingin ang kulay violet na damit, may laso ito sa dibdib na kulay puti pati din sa bewang, ng matapos sa pagtingin sa sarili ay inilibot niya na lang ang paningin at napadpad ulit ang paningin niya sa may lamesa, sinimulan niya na ang paghakbang, habang naglalakad siya papunta sa may lamesa, ay iniisip niya kung paano ba siya nakapunta dito,

Saglit siyang huminto at itinagilid ang ulo, habang ang mga mata niya ay nasa puting kisame lang, agad nanlaki ang mga mata niya at sinapo ang noo sa naalala, "Ayyy" impit niya sa sarili, "Nahimatay pala ako, hayy, nakakainis pala yung ginawa ko dun, hayy, bat ba palagi na lang akong nahihimatay sa tuwing...," dahan dahan niyang ibinaba ang paningin, "sa tuwing...., nakikita ko yung mga matang yun, bakit kaya?, anong meron sa mga matang yun?" pabulong niyang tanong sa sarili,

Agad siyang napasinghap ng may maramdamang may pumulupot na maliit na kamay sa bewang niya, galing sa likod ay nilingon niya ito habang may nakakunot na noo, pagtingin niya ay napalitan ng ngiti ang mukha niya, sumalubong sa kanyang paningin ang maamo nitong mukha, ang matamis nitong mga ngiti, habang nakapikit, binuksan na nito ang mga maliliit nitong mata at dumistansya kay abby, nakapantulog din ito ng dress na kulay puti, may headband din ito sa ulo na kulay lila na may design na paro paro, loose wave ang istilo ng pagkakakulot ng buhok nito, may hawak hawak din itong violet na teady bear, maputi ito na halos nagkukulay violet na ito, sa paningin ni abby, ay hindi pangkaraniwang ang kulay ng balat nito, ngumiti si abby dito, habang nakangiti pa rin sa kanya ang bata, "Mou leípeis mána" ( I miss you mother) masayang bati ng nakangiting bata kay abby, kumunot lang ang noo ni abby,

"A-anong ibig mong sabihin?"

"I said, your my-"

"Ather!" humahangos na tawag ng matandang babae sa bata, parehong napalingon sila abby sa may pintuan, kung saan may matandang nakahawak sa dibdib habang habol ang hininga nito, biglang natigilan ang matandang babae sa gawi nila abby, sesermonan pa sana nito si ather, ng bigla itong napahinto habang may nanlalaking mata, kumunot lang ang noo ni abby sa reaksyon ng matandang babaeng nakatingin sa gawi nila, masasabi niyang nasa mid-50 na ito at may katabaan na, nilingon niya ang batang nakangiti lang habang nakatingin sa kanya, minsan na wi-wierduhan na siya sa batang ito, palagi lang kasing nakangiti sa kanya, simula ng yumakap ito sa kanya,

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Where stories live. Discover now