Ilang minuto ay nakarating na si Mama Fe dito sa bahay. Sinama niya si Nurse Kei dahil nag-alala siya sa sinabi ni Jaidah. Ewan ko ba kung anong dinahilan ng babaeng 'to kung bakit ganyan nalang nag-alala si Mama Fe sa 'kin at talagang sinama pa si Nurse Kei.



"Anong nangyari, Kimmy?" Nag-alalang tanong sa 'kin ni Mama Fe, "Ang sabi ni Jaidah, kanina ka pa raw namumutla. Ano bang nararamdaman mo ngayon?" dugtong pa nito.



"Kimmy, ano bang nararamdaman mo ngayon? Nahihilo ka ba? Nasusuka?" inulit lang ni Nurse Kei tanong sa 'kin ni Mama Fe.



Hindi na ako nagsalita at tumango nalang. Ang lamig nga talaga ng kamay ko at sobrang pinagpapawisan ako.



"Natural lang sa isang buntis ang pagkahilo at pagsusuka lalong-lalo na kung nasa First Trimester ka palang. Mararamdaman at mae-experience mo talaga 'yan. 'Wag kang mag-alala after your first trimester, mawawala at mawawala na rin 'yan. Ito lang tandaan niyo, kahit na anong mangyari bawal kang uminom ng kahit na anong gamot maliban sa paracetamol." Paalala ni Nurse Kei sa 'min. Sabay kaming tumango ni Jaidah. "Mas mabuti kung magpa consult ka sa Obgyne upang magiging safe kayo ng baby mo," pahabol nito.




"Thank you, Ma! Pasensiya na po sa abala." Sabi ko nang ihatid sila sa labas ng gate namin.



"You're welcome, Kimmy. Anytime pwede niyo 'kong tawagan, ha! Kimmy, please lang mag-ingat ka palagi lalong-lalo na ngayong dalawa na kayo!"



Niyakap ako ni Mama Fe at Nurse Kei bago sila pumasok sa kotse na pinapunta ni Boss. Kaagad narin kaming pumasok sa loob upang makapagpahinga na ako.




Kinabukasan ay nakaramdam ako ng gutom. Naalala ko hindi nga pala ako kumain kagabi at gatas lang ang ininom ko. Nagtingin muna ako sa ref kung ano bang pwede kong makain, tulog pa kasi si Jai at ayoko naman siyang gisingin. Wala akong nakitang pagkain na gusto ko kaya naghanap nalang ako ng pancit canton at 'yon nalang ang lulutuin ko.



Pumasok muna ako sa loob ng kwarto upang kunin ang phone ko. Maraming text messages akong natanggap galing kila Mama at Beatrize, pati narin sa mga kasamahan ko sa bar. Ngunit may text din na galing sa unknown number, hindi ko na muna binasa tsaka na kapag tapos na akong magluto ng pancit canton. Bago ko i-off ang phone ay natigilan ako nang makitang meron din palang nag missed-calls sa 'king unknown number din. 2 missed calls, at ang unknown number na 'yon ay siya ring nasa messages ko. Kaya nakapagdesisyon akong i-open ang messages at basahin kung anong laman ng text message galing sa unknown number.




Unknown #: Kimmy?

CANDLE LIGHTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin