Chaper 18.2 : Training Hall - Day 1

45 3 0
                                    

Pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko at wala akong balak makipag-usap kay Marvel. Kinuha niya yung ginagawa ni Vhan tapos magsasalita pa lang siya,"Na...", binara ko na agad, "Okay tapos na! Ano pa po meron kayo diyan lola?" Tanong ko sa matanda.


"Lola ka diyan? Si Miss Jewel yan! Adik-adik lang?"


Wala talaga ako sanang kausapin siya, kaso di ko mapigilan bunganga ko, chismosa eh, "Miss Jewel din ang itinawag sa kanya ni Vhan, bakit niyo siya kilala?"


"Ano ka ba? Si Miss Jewel ang nanalo sa Royale Games mga 46 years na ago na siguro. Tama po ba?" Sabay tingin siya sa matanda.


Sumenyas siya ng pitong daliri, tapos nagpatuloy magsalita si Marvel, "Oh, kita mo na? 47 years ago. Sobrang sikat niya dahil ipinanalo niya ang laro gamit lang ng mga basic weapon, tulad nitong mga nakikita mo. Ang pinaka-sikat niyang gamit ay yung tirador, imbis na bato ang gamitin niya, binalutan niya ng mabibigat ang mga patay na bubuyog tapos yung pinaka-buntot nitong may lason, ang ginagamit niya para ipatama sa mga kalaban."


Tapos iniabot ni Miss Jewel sa akin yung papel na may instruction kung paano gawin yung ginawa niyang tirador. Tapos idinugtong pa ni Marvel, "Wala na siyang pamilya, kaya imbis na paalisin siya sa kastilyo nung may papalit na sa kanya, dito na lang siya inilagay sa section na ito."


"Wow grabe, alam na alam mo ah, bakit mo kilala?" Eh ako ngang prinsesa, walang alam sa ganyan.


"Syempre, fan na fan siya ng tatay ko, gumagastos pa nga raw siya, makapag-padala lang ng bulaklak para sa kanya, at para naman sa case ni Vhan, baka pinagaaralan niya ang mga past winners ng Royal Games"


"Nice oooone!!!" Biglang may sumigaw sa likod namin. Tapos nakita ko, may mga champions na pinapanood siya. Di ko makita yung name or number niya mula dito sa malayo, gumagamit siya ng espada. Tapos nagte-training siya kasama ng mga dummy na gumagalaw na pwedeng pagpraktisan.


Ang lakas niya! At ang bilis niya mag swing ng espada, na para bang sanay na sanay siya sa pag-gamit nito.


"Nakita mo yun Luke? Yun yung taga-District 25, si Spencer" Sabi sakin ni Marvel, habang kinokopya pa rin ang paggawa ng sumpit.


"Kilala mo nanaman? Bakit parang nao-OP yata ako?" Tanong ko sa kanya.


"Hay, nako, hindi mo ba pinagaaralan kung sino ang mga dapat katakutan? Iwasan mo ang mga taga-District 24, 25, 26 at 27. Tandaan mo yan!"


"Okay? Bakit sila dapat iwasan?" Oo na! Ako na maraming tanong at walang alam!


"Yung apat na Districts na mga binanggit ko, lahat sila mga volunteer. District 24, Thaddeus, siguro naman, nakita mo kung gaano siya kagaling gumamit ng bow and arrow. District 25, Spencer, nakita mo rin kung paano siya gumamit ng espada di ba? District 26, mukhang hindi nakakatakot dahil hindi siya ganun kadungis tulad nung tatlo, pero hindi naman siya magvovolunteer for no reason. District 27, Kent, mataas din ang grades niya." Ngayon ko lang nalaman! Mukhang kilala nga sila ng mga champions.


Tatandaan ko na sila ng mabuti, "Eh bakit ba kasi may mga nagvovolunteer?" tanong ko ulet sa kanya.


"Hay! Pati ba naman yun, itatanong mo? Siyempre, para yumaman, yung iba para maging pride ng District nila. At yung iba naman, yung paglalaro lang talaga ang habol nila. Siguro para mapatunayan nila kung gaano sila kalakas."


"Ibig mong sabihin. Parang uhaw lang sa dugo at yung pagpatay lang ang habol nila?" Oh shit!


"Oo, parang ganun na nga. Para lang malaman mo, ang District 24-27 ang pinaka-mahirap na lugar sa Goldstein Kingdom. Sila yung mga squatter's sa atin. At bali-balita ay meron silang black market."


"Black Market?"


"Oo, yung mga sundalo dito ay ibinibenta yung ibang mga gamit dito sa kastilyo sa kanila, tapos gagamitin nila yun para magtraining sila ng patago. Tapos kapag feeling nila, malakas na sila, magvovolunteer sila. Paraan yun ng mga Captain ng mga Districts nila, para maiahon sila sa kahirapan kapag madalas mananalo ang representative nila. Kitang-kita mo naman di ba? Bihasa sila sa paggamit nito."


"Ngayon ko lang nalaman, marami rin palang galit sa pamamalakad ng Hari." Sabi ko sa kanya.


"Oo naman, bali-balita pa nga, balak daw nila patayin ang prinsesa kung saka-sakaling mapuno na talaga sila."


Nabitawan ko yung hawak kong kahoy at garter at napatulala. Tumakbo ako papunta sa C.R. ng mga lalaki at nagkulong sa isang cubicle.


Sprukutungwakolotus ka talaga Dmitri!!! Dahil sa kademonyohan mo, pati ako nadadamay. Ibig sabihin pala, kahit ako ang prinsesa, hindi lahat ay humahanga at nirerespeto ako.


Maaaring kaya puro volunteer ang mga 24-27 ngayong taon, dahil habol nila ang pagpapakasal sa akin at para maging mayaman ang lugar nila. Pero kung si Jude okay lang. Shettt, erase erase erase! Tandaan mo Leila, kahit medyo gusto mo siya, kalaban pa rin siya.


-------------------------------------

A/N: Oh ayan! Bati na tayo ah :D

Alam niyo na po kung bakit may mga volunteers.

Meron silang iba't-ibang personal na rason.http://www.wattpad.com/myworks/38540955-the-royal-games

The Royal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon