Chapter 23 - Starter Packs A, B and C

37 3 0
                                    



Kahit pala naka-zero ako sa swimwear competition, yung event #2 hindi ako nagmukhang kawawa. Yung nga lang ang babae ng score ko sa training hall. Grabe, ngayong alam na nilang mahina ako, baka mas susugurin nila ako. Wag naman sana!


Sumapit na ang gabi, at ang lahat ay nagtipon-tipon ulet kasama ng mga adviser sa ground floor ng quarters para hintayin ang announcement.


Tumunog ang anthem ng Goldstein Kingdom kaya lahat kami ay nagtipon-tipon sa harap ng malaking television.


Lumabas sa screen si Tony Gonzales nang naka-ngiti. This time, kulay blue naman ang buhok niya. Hahaha. Para siyang gown ng babae, paiba-iba kulay ng buhok. "Goodevening people of Goldstein Kingdom. Nandito ako para iannounce sa inyo ang mga makakakuha ng mga starter kits."


"Brace yourselves, Para sa Starter Pack A - ang medicines. Ang top 5 na nakakuha ng matataas na grades ang makakakuha nito."


Top 5

District 27 - with 27 points

District 12 - with 24 points

District 26 - with 24 points

District 23 - with 23 points

District 7 - with 22 points


"Para naman sa starter Pack B - Savior Jackets. Mga mamamayan ng Goldstein Kingdom na nagpadala ng pera para bumoto sa kanilang mga paboritong champion"


Top 5

District 12 - 4,147 worth of gold, silver and bronze coins

District 26 - 3,235 worth of gold, silver and bronze coins

District 3 - 3,011 worth of gold, silver and bronze coins

District 18 - 2,876 worth of gold, silver and bronze coins

District 16 - 2,529 worth of gold, silver and bronze coins



"And there you have it folks. Abangan naman natin kung sino ang makakakuha ng Starter Pack C. Which is food. Ang mga makakakuha nun ay ang top 5 na pipiliin ng prinsesa, pagkatapos ng ball bukas ng gabi. Salamat sa panonood at abangan din bukas ang full coverage ng Masquarade Ball"



Anong nangyari? Totoo ba narinig ko? Kasama ako sa top 5 na gusto ng mga taong bayan? Talagang gumastos sila para sa akin? Pero paano nang yari yun? Wala naman ako sa swimwear competition tapos 4 points lang ako sa training. Ang gulo! Pero ayos lang, kakailanganin ko talaga nun lalo na kapag lalamigin ako sa arena.


Speaking of arena, malapit na nga pala ang nakatakdang araw. Makikita ko nang patay ang 31 na mga kalalakihang ito.


"Luke, gusto mo makipag-kampihan sa akin? Kumpleto ako oh, may Jacket ako at may mga gamot din, kaya in case na masugatan o malason ako, may gamot akong gagamitin." Sabi sakin ni Vhan ng nakatawa na parang wala talagang nangyari kahapong away samin."


Hinila ako ni general Rose, "Tara Luke marami pa tayong pag-uusapan". Hinatak na ako paalis habang hindi ko namang namalayang nakasunod sa amin si Marvel at si sir Tear.


"Luke, ang swerte mo, kahit kulelat ka sa points, nagustuhan ka pa rin ng mga tao." Sabi sakin ni Marvel.

"Hmm, congrats nga pala Luke, proud din ako sayo kahit anong mangyari." Oh my, namiss ko ang boses ni sir Tear kahit papaano.


Hindi ako nagsasalita hanggang sa makaakyat na ako sa quarter ko, pero bago ako lumabas ng elevator, sinabi ko muna sa kanilang dalawa na "Goodnight, kita-kita tayo bukas sa Masquerade Ball kasama ang prinsesa"


Pagkahiga ko ng kama, naimagine ko lahat ng mga pangyayari mula Draft Pick hanggang sa mapalitan ko ang totoong Luke Hemmington. Ang Champions' Debut Parade, ang swimwear competition pati ang mga nakakuha ng mga Starter Packs. Sobrang sarap sa feeling na lahat yun nagawa ko sa loob lang ng isang araw.


Tapos ang dami ko pang nakilalang bagong kaibigan. Tapos si Lucent at Jude nga pala, sana isa sa kanilang dalawa ang manalo. Gustong-gusto ko talaga sila.


Kaso paano kaya toh? Paano ko makaharap ko sila sa arena? Totoo nga ang sinabi ni general Rose, mahihirapan akong patayin sila lalo nang medyo napapamahal ako sa kanila. Pati na rin pala kanila Zach, Marvel at Vhan.


Ang hirap, pero bahala na kung ano man ang mangyayari. Tuloy pa rin ang laban.



The Royal GamesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin